WorksheetsEsP 8_1st SUMMATIVE Q3
Total questions: 20
Worksheet time: 12mins
1. Nakatanggap ka ng text mula sa kaklaseng ipinagbigay-alam sa iyo na may pagbabago sa takdang panahon ng pagsumite ng performance task sa asignaturang EsP 8. Agad ka namang nag-reply at nagpapasalamat rito. Anong paraan ng pasasalamat ang ipinakita mo sa sitwasyon?
A. Pagpadala ng liham
B. Tumulong sa ibang tao
C. Berbal na pagsasabi ng “Salamat”
D. Pagsasabi ng salamat sa chat o text
2. “Kung marunong kang tumanggap ay marunong ka rin magbigay.” Sa aling paraan ng pasasalamat ito tumutukoy?
A. Sa pamamagitan ng liham
B. Tumulong sa ibang tao
C. Pagbigay ng simpleng regalo
D. Berbal na pagsasabi ng “salamat”
3. Kung may higit tayo na pasasalamatan ay Siya yaong araw-araw na nagbibigay ng biyaya sa lahat ng nilalang. Para kanino ipinahiwatig ang pangungusap na ito?
A. sa Diyos
B. sa hayop
C. sa halaman
D. sa taong mapagbigay
4. Ano sa salitang Filipino ang salitang Griyego na charis?
A. Biyaya
B. Kailangan
C. Kupeta
D. Utang na loob
5. Ano ang dalawang uri ng biyaya?
A. Pisikal at Mental B. Ispirtwal at Mental C. Pisikal at Ispiritwal D. Mental at Emosyonal
B. Ispirtwal at Mental
C. Pisikal at Ispiritwal
D. Mental at Emosyonal
6. Alin sa sumusunod ang may tamang halimbawa ng biyayang pisikal?
A. Parangal, Dangal, Tagumpay, Kabiguan
B. Katahimikan, Dangal, Kabiguan, Kalusugan
C. Kasaganaan, Kaunlaran, Katahimikan, Kalusugan
D. Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Kasaganaan, Kaunlaran, Tagumpay
7. Dahil sa pagpapahiram ng laptop ng iyong kapitbahay ay matagumpay mong naisagawa ang online na pagtatalumpati na isang performance task sa asignaturang EsP 8. Anong uri ng biyaya ang ibinigay sa iyo ng Diyos sa pagkakasangkapan ng mga taong nagmamahal sa iyo?
A. Kaunlaran B. Kasaganaan C. Parangal D. Tagumpay
B. Kasaganaan
C. Parangal
D. Tagumpay
8. Hindi man kalakihan ang bahay nila ni Mat ngunit sapat na ito para sa kanilang pamilya na may matitirhan. Anong biyayang pisikal ang ipinahiwatig ng mga pangungusap?
A. Kalusugan B. Kasaganaan C. Pangunahing Pangangailan ng Tao D. Parangal
B. Kasaganaan
C. Pangunahing Pangangailan ng Tao
D. Parangal
9. Alin sa sumusunod ang katumbas sa Filipino ng salitang Griyegong “gratus”?
A. Grasya
B. Paalam
C. Pagtitiis
D. Pasasalamat
10. Desisyon ng Diyos na pagpapalain tayo dahil sa labis Niyang pag-ibig sa atin. Bilang kanyang nilalang ano ang ating dapat na gawin?
A. magpasalamat lagi
B. magpasalamat minsan
C. magpasalamat kung naka-alala
D. magpasalamat sa piling biyaya lamang
11. Abala ang mga magulang ni Jessy sa kanilang trabaho. Palagi na lang itong pagod kapag umuuwi ng bahay. Siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay para mabawasan ang mga isipin ng mga ito at maaga itong makapagpahinga dahil alam niyang hindi madali ang maghanapbuhay. Paano naiparamdam ni Jessy ang pasasalamat nito sa kanyang magulang?
A. pagtulog nang maaga
B. pagtulong sa mga gawaing bahay
C. pag-iwas sa mga gawaing bahay
D. pagbababad nito sa panonood ng iba’t ibang pelikula
12. Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?
A. pagtulong sa mga gawain sa bahay
B. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa
C. pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
D. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
13. Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad nang mag-isa si Berta hindi sinasadyang masagi nito ang inaalagaang pananim ng kanilang guro. Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siya natulungan ng kanyang matalik na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang guro dahil may iba rin itong lakad. Sa isip niya, maraming pagkakataon na natulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya na ang nangangailangan wala ito sa kanyang tabi. Kakikitaan ba ng pagpapasalamat sa kanyang kapwa si Berta?
A. Hindi, dahil matalik silang magkaibigan.
B. Oo, dahil alam niyang may trabaho pa ito
C. Oo dahil nauunawaan niyang importante rin ang lakad ni Berto kaya hindi siya natulungan.
D. Hindi, dahil sa kagustuhang niyang dapat na tulungan rin siya ng kanyang kaibigan nararapat lamang na nasa tabi niya ito palagi.
14. Lumaki sa mahirap na pamilya si Diego. Sa murang edad, nangarap siya na sa kanyang paglaki ay tutulungan niya ang kanyang pamilya upang maiahon ito sa hirap ng buhay na pinagdaraanan nila. Isang pangyayari ang nagtulak kay Diego na makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa Maynila nang minsang magkasakit ang kanyang ama. Pinalad siyang makapasok bilang isang construction worker. Dahil sa matibay na paniniwala nito sa Poong Maykapal, hindi siya sumuko sa mga pagsubok na kanyang nararanasan. Nagsikap ito sa kanyang trabaho hanggang sa kalaunan ay umangat ang posisyon nito. Kinuha itong kanang kamay ng kanilang boss. Napagamot niya ang kanyang ama at umasenso ang kanilang buhay. Upang makapagpasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang natanggap niya tinulungan din niya ang mga taong kanyang nakasasalamuha na nangangailangan ng tulong. Paano naipakikita ni Diego ang kanyang pasasalamat sa Panginoon?
A. paglilingkod sa kapwa B
B. pagkaawa sa kanyang ama
C. pagiging tapat sa kanyang trabaho
D. pagkatutong tumulong sa kanyang sarili
15 . Mabait at mapag -arugang ina si Pastel sa kanyang mga anak. Lumaki ang mga itong mapagkalinga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Isang araw, napagbintangan itong nagnakaw sa kanyang pinagtatrabahuan kahit hindi naman ito totoo. Isinaloob na lamang ito ng ginang dahil ayaw niyang makagambala sa kanyang mga anak. Lingid sa kanyang kaalaman, nalaman ng mga anak ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban ng ina. Habang umiiyak ito sa kanilang silid pinuntahan siya ng kanyang mga anak inaliw siya at dinamayan ng mga ito at sinabing naniniwala silang hindi nito magagawa ang mga ibinibintang na kasalanan dito. Anong paraan ang ginawa ng mga anak upang mapasalamatan ang kanilang ina?
A. Binigyan ng papuri ng mga anak ang kanilang ina.
B. Inaway ng mga ito ang kanilang ina sa ginawang kasalanan nito
C. Pagpapabaya ng mga ito sa problemang kinakaharap ng kanilang ina
D. Pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan.
16. Ano ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat?
A. Ito ay ugaling dapat paunlarin.
B. Ito ay kakayahang dapat panatilihin.
C. Ito ay nagpapakita ng kakayahang magbalik ng utang na loob.
D. Ito ay nagpapakita ng kagandang asal at nag-aangat sa pagkatao.
17. Alin sa mga sumusunod ang nagpahahayag ng salitang ingratitude?
A. isang ugaling hindi dapat pamarisan
B. isang nakahihiyang gawi ng katauhan
C. isang mabigat na kasalanan sa lipunan
D. isang masamang ugali na nagpabababa sa pagkatao
18. Tinawag si Ana ng drayber ng motorsiklong sinakyan at ibinigay ang payong na muntik na niyang makalimutan. Paano maipakikita ni Ana ang pasasalamat sa drayber?
A. sa pamamagitan ng paglibre sa ibang pasahero
B. sa pamamagitan ng pagdoble ng kanyang pamasahe
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng liham pasasalamat
D. sa pamamagitan ng pagbigkas ng salita ng pasasalamat
19. Bakit kailangang magpasasalamat sa biyayang kaloob ng kapwa?
A. sapagkat isa itong pagtanaw ng utang na loob
B. sapagkat nakatutulong ito sa popularidad ng tao
C. upang hindi ganahang tumulong ang iba sa kapwa
D. upang makapagbigay kasiyahan sa taong nagbigay ng tulong
20. Bakit nagkakaroon ng entitlement mentality ang isang indibidwal?
A. dahil likas ito sa bawat tao
B. dahil nakapagbibigay ng kasiyahan sa sarili
C. dahil iniisip niyang kailangan ito ng sangkatauhan
D. dahil iniisip niyang karapatan itong dapat matugunan
