NEW
Font size
Worksheets(Q3) 2- Merkantilismo
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ano ang sistemang pangekonomiya na nangibabaw sa Europa noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo, kung saan ang pamahalaan ang nangangasiwa sa ekonomiya at pangangalakal?
merkantilismo
kapitalismo
manoryalismo
socialismo
Sa sistemang merkantilismo, ano ang panukat ng kayamanan?
Dami ng produktong naaangkat
Ginto at pilak
Mga diyamante
Malalakas na armas
Ano ang balanse ng kalakalan na kailangang makamit ayon sa sistema ng merkantilismo?
Positibong balanse sa internasyunal na kalakalan.
Negatibong balanse sa internasyunal kalakalan.
Pantay na balanse sa internasyunal na kalakalan.
Positibong balanse sa lokal na kalakalan.
Paano nakatulong ang mga kolonya sa mga merkantilista na bansang Europeo?
Nagmula sa mga kolonya ang kasangkapang kinailangan para sa produksyon ng mga produkto sa mga bansang Europeo.
Nagsilbi ang mga kolonya bilang tagabili ng mga produkto ng mga bansang Europeo.
Sa mga kolonya naganap ang produksyon.
Nagsilbi ang mga kolonya bilang mga sentro ng kalakalan para makarating ang mga produkto ng mga bansang Europeo sa mas maraming bahagi ng daigdig.
Alin sa sumusunod ang kabilang sa epekto ng merkantilismo sa kalakalan sa daigdig?
Lumawak ang kalakalan sa Europa, at humina ang ekonomiya ng Italya.
Nagkaroon ng ugnayan at kalakalan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Natigil ang kalakalakan sa pagitan ng mga bansang Europeo.
Ang kalakalan ay naganap lamang sa pagitan ng mga bansang Europeo at mga kolonya nila.
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa epekto ng merkantilismo sa lokal na ekonomiya at lipunan ng mga bansang Europeo?
Lumakas ang mga bourgeoisie
Lumakas ang industriya ng mga bansang Europeo
Dumami ang mga uri ng bilihin sa mga merkado
Nasira ang lokal na ekonomiya dahil sa pagpasok ng mga dayuhang produkto
Alin sa sumusunod ang kabilang sa epekto ng merkantilismo sa mga kolonya?
Correct answer
Umunlad ang mga kolonya dahil napabilang ang mga ito sa pandaigdigang kalakalan.
Napilitan ang mga kolonya na ibigay ang pangangailangan ng mga mananakop na materyales sa murang halaga.
Tanging lokal na produkto lamang ang mayroon sa loob ng kolonya.
Nagkaroon ng patas na kompetisyon sa pagitan ng mga produktong lokal at produkto ng mga manananakop.
Kailangan kapaki-pakinabang ang balanse ng kalakalan para sa mga merkantilista na mga bansang Europeo. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Kailangan mas maraming naaangkat ang mga bansang Europeo kaysa naluluwas.
Kailangan mas maraming nailuluwas ang mga bansang Europeo kaysa naaangkat.
Kailangan nakukuha ng mga bansang Europeo ang mga mamahaling mga produkto.
Kailangang nabebenta ng mura ang mga produkto ng mga bansang Europeo.
Ginamit ng mga bansang Europeo bilang pagkukunan ng manggagawa at kagamitang panangkap ang mga kolonya, at maliit lamang ang bayad na ibinigay nila para dito. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Hindi naging patas ang turing ng mga mananakop sa mga kolonya.
Mababa ang kalidad at halaga ng mga panangkap at manggagawa mula sa kolonya.
Mayaman ang mga nakatira sa kolonya at hindi nila kinakailangan ng malaking bayad.
Kakaunti lang ang binili ng mga mananakop kaya maliit lang ang bayad.
Bukod sa kalakalan sa Europa, nagkaroon din ng ugnayan ang mga bansang Europeo sa mga bansa sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Dahil sa pangangalakal, nagkaroon ng magandang relasyong pang-ekonomiya ang mga Europeo sa mga bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Nasakop ng mga Europeo ang lahat ng bahagi ng daigdig.
Noong panahon na iyon, tanging sa tubig lamang maaaring maglakbay.
Noon pa lamang nagsimula ang kaalaman ng Europa sa ibang bahagi ng mundo.
