NEW
Font size
Worksheets3rd Quarter, Module 3: Week 5-6- Pagmamahal sa Bayan
Total questions: 5
Worksheet time: 10mins
Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Ito ang mga halimbawa ng angkop na kilos na nagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan, maliban sa:
A. Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa makabuluhang paraan
B. Pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan at mga batas ng bansa
C. Paggalang sa mga sagisag ng bansa
D. Pagbili ng mga produkto ng ibang bansa
Piliin ang titik ng wastong sagot.
2. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. Katatagan at katapangan
B. Kabayanihan at katapangan
C. Pinagkopyahan o pinagbasehan
D. Pinagmulan o pinanggalingan
Piliin ang titik ng wastong sagot.
3. Mahalaga ba ang pagmamahal sa bayan? Bakit?
a. Oo, dahil kung walang pagmamahal sa bayan ay wala ring pagmamahal sa kapwa
b. Oo, dahil kapag mahal mo ang bayan ay mas marami kang tagahanga
c. Hindi, dahil walang mabuting maidudulot sa'yo ang iyong pagmamahal
d. Hindi, dahil walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lamang
Piliin ang titik ng wastong sagot.
4. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon
B. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya
D. Paggawa ng paraan upang makadagdag sa suliranin ng bansa
Piliin ang titik ng wastong sagot.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
A. Paggalang sa watawat ng pilipinas
B. Pagtangkilik sa mga produktong sariling atin
C. Pagbibigay pugay habang inaawit ang Lupang hinirang
D. Pagmamalaki sa mga imported na gawa ng ibang bansa
