NEW
Font size
WorksheetsIba pang Uri ng Pang-abay
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
1. Kahit ano man ang sasabihin nila, hindi pa rin mahihikayat ang mga tao na magpabakuna.
Pamitagan
Panang-ayon
Pananggi
Pang-agam
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon.
Alas singko ng umaga
Sa tabing-ilog
Masarap magmahal
Sa loob ng simbahan
3.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naiiba ang pang-abay?
Hindi siya aalis.
Ayokong umalis.
Walang aalis.
Sige ,aalis na siya.
4.Ang salitang “marahil” ginagamit sa anong uri nang pang-abay?
Pang-agam
Panang-ayon
Pananggi
Pamitagan
5.Ang Hindi , Ayoko at Ayaw ay mga halimbawa ng anong uri ng Pang-abay?
Pang-agam
Panang-ayon
Pananggi
Pamitagan
6.Aling pangungusap ang halimbawa ng Pang-abay na Pamitagan?
Opo tatanggapin ko ang lahat ng parusa.
Sige ,tatanggapin ko ang lahat ng parusa.
Ayokong tanggapin ang parusa.
Hindi ko matatanggap ang parusa.
7.“Napakalakas ang agos ng tubig sa ilog baka hindi na tayo makakadaan.”
Ito ay halimbawa ng anong uri ng pang-abay?
Pang-agam
Panang-ayon
Pananggi
Pamitagan
8.Ang tabing- ilog , dagat at dalampasigan mga halimbawa ng anong uri nang pang-abay?
Pamaraan
Panlunan
Pamanahon
Panang-ayon
9.Maghahating-gabi nang tawagan kami ni nanay dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang salitang maghahating-gabi ay halimbawa ng?
Pamaraan
Panlunan
Pamanahon
Pamitagan
10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pang-abay na pang-agam?
Siguro
Sigurado
Ayaw
Po
