wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1 FIL 6 (Q4)

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay may katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga salitang di-gaano, di-tulad ni o di-tulad ng, di-gasino, di-masyado, at marami pang ib

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

c)

Pahambing na Magkatulad

2.

Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

3.

Ang payak ay ang pinakasimpleng anyo ng pang-uri. Binubuo ito ng __________ lamang.

a)

panlapi

b)

salitang-ugat

c)

magkaibang salita na pinagsama

4.

Anong bantas ang maaring gamitin sa kayarian ng pang-uri na Tambalan ?

a)

tuldok (.)

b)

tandang padamdam (!)

c)

gitling (-)

5.

Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.

a)

Pasukdol

b)

Pahambing na Magkatulad

c)

Pahambing na Di-Magkatulad

6.

Sa pasukdol na pang-uri may katangian itong namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Maaari itong _______________________ .

a)

simuno o panaguri

b)

positibo o negatibo

c)

sanhi o bunga

7.

Anong uri ng panlapi ay salitang "pagsumikapan" ?

a)

unlapi

b)

laguhan

c)

gitlapi

8.

Ito ay may katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit, mas, di-hamak, at lalo. Tinutulungan din ito ng mga salitang kaysa o kaysa kay.

a)

Pahambing na Di-Magkatulad

b)

Pahambing na Palamang

c)

Pahambing na Pasahol

9.

Ito ay kayarian ng pang-uri na binubuo ng salitang ugat at panlapi.

a)

Tambalan

b)

Maylapi

c)

Payak

10.

Kayarian ng Pang-uri:

a)

Lantay, Pahambing, Pasukdol

b)

Isahan, Dalawahan, Maramihan

c)

Payak,

Maylapi,

Inuulit,

Tambalan

11.

Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

12.

Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

13.

Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

14.

Ang ilog ay di-gaanong malawak na gaya ng karagatan.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

15.

Higit na sariwa ang mga gulay na tinda ni Aling Marisol kaysa sa mga tinda ni Aling Marites.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

16.

Sa Tsina matatagpuan ang pinakamahabang tulay na dinadaanan ng tren.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

17.

Ang mabubuting asal at pagpapahalaga ay dapat gawin ng mga kabataan.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

18.

Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan pa siya ng ganda!

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

19.

Kahit sobrang mahal ng presyo ng gasolina ngayon susunduin pa rin kita.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

20.

Singtangkad ni Popoy ang poste ng kuryente.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol