NEW
Font size
WorksheetsMga Kaalamang-Bayan
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Anong kaalamang bayan ang may layuning pukawin at pagsiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar?
A. Bugtong
B. Tugmang de-gulong
C. Awiting panudyo
D. Palaisipan
Sagutin ang bugtong na ito, "Isda ko sa Mariveles nasa loob ang kaliskis".
A. Isda
B. Sili
C. Hayop
D. Dahon
"God know Hudas not pay". Ang pahayag ay isang halimbawa ng _____
A. Bugtong
B. Tugmang de-gulong
C. Awiting panudyo
D. Palaisipan
Ano ang pinakamatandang sining ng tula sa kulturang Pilipino?
A. Tula
B. Alamat
C. Dula
D. Kuwentong-bayan
Anong uri ng akdang patula ang kadalasang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awiting panudyo
D. Tugmang de-gulong
Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Anong uri ng kaalamang bayan ito?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awiting panudyo
D. Tugmang de-gulong
"Ano ang makikita sa gitna ng dagat". Ang pahayag ay isang halimbawa ng?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awiting bayan
D. Tugmang de-gulong
Ano ang mga sumusunod na pahayag ay katangian ng tugmang de-gulong maliban sa:
A. Nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula
B. Mga simpleng paalala sa mga pasahero na kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan.
C. Malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
D. Ang layunin ay manlibak, manukso at mang-uyam sa mga pasahero.
Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong puwesto mo na ngayon?
A. Unang puwesto
B. Ikalawang puwesto
C. Ikatlong puwesto
D. Ikaapat na puwesto
Anong meron sa jeep, tricycle at bus pero wala sa eroplano? Ito ay isang _____
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awiting panudyo
D. Tugmang de-gulong
