NEW
Font size
Worksheets(Q3) 3- Kagalingan sa Paggawa
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Pinalitan mo ang Pangulo ng Student Government sa inyong paaralan dahil lumipat siya sa malayong lugar. Maraming nagsasabi na hindi mo kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating nya. Alin sa sumusunod ang dapat mong linangin upang mapatunayan na ikaw ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa iyo?
Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan
ng dating pangulo ng Student Government.
Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan.
Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay ng
iyong trabaho/ responsibilidad.
Sundin ang payo ng mga nakakatandang kasamahan upang maging maganda ang iyong relasyon sa mga ito.
Bata ka pa lamang ay pinangarap mo ng maging isang guro tulad ng iyong mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang upang maging madali sa iyong abutin ang iyong pangarap at sa huli’y magkaroon ka ng kagalingan sa paggawa?
Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili.
Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos.
Maging matalino, marunong magdala ng damit at magaling makipag-usap.
Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tiningnan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
Itinuring niya itong hamon na kailangang lampasan.
Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang.
Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya.
Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok.
Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama?
Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pangmusika si Roberto del Rosario, imbentor ng karaoke.
Gumugugol ng maraming oras si Leonardo da Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon.
Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem.
Bumubuo ng refleksyon ayon sa konklusyon na nabuo ng mga Scientist habang inoobserbahan ang kanilang specimen.
“Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito?
Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkatiwala ito sa kanya.
Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang kapwa at ng bansa.
Si Allen ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito.
Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.
Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas?
Tutok sa prayoridad.
May nabuo na tunguhin ng gawain.
C. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan
D. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa.
Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa pagkakataong ito?
Magtakda ng tunguhin
Gumawa ng prayoritisasyon
Bumuo ng iskedyul
Pamahalaan ang pagpabukas-bukas
“Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.
Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
Gamitin ang oras upang tuklasin ang kanyang gawin sa pagpapaunlad sa bansa.
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyul ng mga gawain?
A. May tunguhin, prayoridad, pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.
May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa
May tunguhin, prayoridad, espasyo para sa interapsyon, pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.
May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa at master iskedyul.
Hindi minamadali ni Marem ang paggawa, binubuhos niya ang buong puso at lakas sa paggawa ng may kahusayan.
May Disiplina
Masigasig
Matiyaga
Masipag
Gamit ang mga niresiklong bagay, napagana ni Achi ang Chirstmas Tree para sa kanyang pamilya.
Masipag
Malikhain
Masagisag
Matiyaga
Di inaalintana ni Adam ang pagod habang gumagawa.
Malikhain
Matiyaga
May Disiplina
Masigasig
Bagama't maraming balakid at pagsubok ang kinakaharap ni Sibal, patuloy pa rin siya sa paggawa.
Matiyaga
Masipag
Malikhain
Masagisag
Isinasaalang alang ni Jaxon ang kabutihan ng iba bago ang kanyang sariling interest sa paglikha ng kanyang gawain.
Malikhain
Matiyaga
May Disiplina
Masipag
