Font size
WorksheetsMga Pang-ukol
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:
May balita ka ba tungkol sa pagtaas ng presyo ng petrolyo?
may
tungkol sa
ba
ng
Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:
Ayon sa balita, ang pagtaas ng petrolyo ay dulot ng digmaan sa Ukraine at Russia.
ayon sa
ang
dulot ng
ng
Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:
Ang pinag-usapan ng magkapatid ay ukol sa nalalapit nilang pagsu-swimming sa Zambales.
ang
nilang
ng
ukol sa
Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:
Ang mga bisikletang ito ay para kina Jasper, Nathan, at Joshua.
ang
mga
para kina
ito
Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:
Siya ay nagagasgasan dahil sa pagkasemplang ng kanyang bisikleta sa daan.
siya
dahil sa
kanyang
sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
_____ pangulo, dapat tayong maging responsable sa darating na botohan.
Para kina
Hinggil sa
Ayon sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
Ang pagdadala ng PSP sa paaralan ay _____ tuntunin ng paaralan.
Laban kay
Labag sa
Para sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
_____ Ashley ang kanyang mga magulang na isiping mabuti ang kanyang magiging desisyon.
Para kay
Sang-ayon kay
Labag kay
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
_____ batas, ang pagtawid sa tamang tawiran ay dapat sundin upang maiwasan ang anomang aksidente.
Alinsunod sa
Dahil sa
Laban sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
Nagkita kami _____ parke nitong nakaraang Linggo.
ukol sa
para sa
sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
Ang aralin natin sa Araling Panlipunan ay _____ ekonomiya ng buong mundo.
hinggil sa
para sa
dahil sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
_____ Raju, Farhan, at Rancho, ang pag-aaral ay ine-enjoy at hindi dapat iniiyakan.
dahil kina
para kina
labag kina
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
Nag-ipon ng pera ang magkakaibigan _____ concert ng 4Town sa Toronto.
dahil sa
sang-ayon sa
labag sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
_____ kanyang kalooban ang umalis.
Ukol sa
Alinsunod sa
Labag sa
Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:
Sila ay pupunta _____ Zambales.
sa
kay
kina
