Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Hirarkiya ng Pagpapahalaga- EsP 7 Q3

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Kasama dito ang pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga.

a)

Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)

b)

Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)

2.

Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).

a)

Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)

b)

Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)

3.

Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalaga para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.

a)

Ispirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)

b)

Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)

4.

Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.

a)

Ispirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)

b)

Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)

5.

Kasama rin sa mga pagpapahalagang ito ang mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ng isang tao, katulad ng mamahaling alahas, magarang sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na labis na hinahangad ng ilang mga tao.

a)

Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)

b)

Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)

6.

Ang kumain ng masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay malusog at hindi magkakasakit ay tumutukoy sa pagpapahalagang _______

a)

Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)

b)

Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)

7.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay kapayapaan, pagbibigay sa nangangailangan, kalayaan at hustisya.

a)

Ispirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)

b)

Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)

8.

Ang pagkilos tungo sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal na kalikasan ng tao kundi maging ng kaniyang ispirituwal na kalikasan.

a)

Ispirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)

b)

Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)

9.

May tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems of a Sociology of Knowledge na isinulat ni Max Scheler:

a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)

b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)

c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of truth)

a)

Ispirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)

b)

Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)

10.

Mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam.

a)

Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)

b)

Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)