wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MODYUL 12

Total questions: 10

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

1. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito.

a)

A. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.

b)

B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.

c)

C. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkatiwala ito sa kanya.

d)

D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang kapwa at ng bansa.

2.

2. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas?

a)

A. Tutok sa prayoridad

b)

B. May nabuo na tunguhin ng gawain

c)

C. Ginagawa ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan

d)

D. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa.

3.

3. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makamit ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.

a)

a. kasipagan

b)

b. katatagan

c)

c. pagsisikap

d)

d. pagpupunyagi

4.

4. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao upang higit na makapagbigay sa iba.

a)

a. Pag-iimpok

b)

b. Pagtitipid

c)

c. Pagtulong

d)

d. Pagkakawanggawa

5.

5. Ito ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.

a)

a. Kahinahunan

b)

b. Kakayahan

c)

c. Katamaran

d)

d. Kaganapan

6.

6. Ayon kay Francisco Colayco, “kinakailangan ang pag-impok ay tratuhin na isang obligasyon”. Ito ay nangangahulugang…

a)

a. Opsiyonal lamang ang pag-iimpok.

b)

b. Gawing tradisyon ang pag-iimpok.

c)

c. Kailangang may determinasyon sa pag-iimpok

d)

d. Tungkulin ng bawat isa ang mag-impok.

7.

7. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kaya ang palatandaan ng kasipagan ang taglay ni Rony?

a)

a. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

b)

b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.

c)

c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.

d)

d. Hindi nagrereklamo sa paggawa.

8.

8. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?

a)

a. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung anong mayroon.

b)

b. Maging mapagbigay at matutong tumulong sa kapuwa.

c)

c. Maging maingat sa paggastos at maging simple sa pamumuhay.

d)

d. Maging masipag at matutong maging matiyaga sa mga gawain.

9.

9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?

a)

a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin

b)

b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin

c)

c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin

d)

d. Lahat ng nabanggit

10.

10. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?

a)

a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan

b)

b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan

c)

c. Ipagpasa-Diyos nalang ang mga itinakdang mithiin

d)

d. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin.