wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao 1 QTR 3 Modyul 3

Total questions: 8

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.

Nakita mong itinatapon ng kapatid mo ang mga gulay sa inyong ulam na pakbet. Pinili niyang kainin ang karne lamang. Anong gagawin mo?

a)

Sasabihin kong huwag niyang itapon ang mga ito at dapat niyang kainin upang lumusog siya.

b)

Sasabihin kong sa akin na lamang ibigay upang ako ay lumusog.

c)

Isusumbong ko sa nanay upang siya ay mapagalitan.

2.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.

May eksamen kayo bukas at niyaya ka ng iyong kaibigan sa isang birthday party ng kaibigan niya. Gagabihin kayo sa pag-uwi. Ano ang gagawin mo?

a)

Sasama ako sa aking kaibigan kahit magiging mababa ang makuha kong marka.

b)

Hindi ako sasama sa party sa halip ay mag-aaral ako upang mataas ang makuha kong marka.

c)

Sasama ako sa party at mag-aral nang kaunti sa pagdating sa bahay kahit gabi na.

3.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.

Nagbakasyon kayo sa probinsya puro sariwang gulay ang inihaing ulam ng iyong tiyo sa oras ng kainan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Hindi ako kakain ng ulam sa halip magpapabili ako ng instant noodles.

b)

Dahil mabuti sa katawan ang mga sariwang gulay ay kakainin ko ang inihaing ulam.

c)

Makikiusap ako sa aming tiyo na sa susunod ay karne naman ang iluluto.

4.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.

Masama ang iyong pakiramdam kaya hindi ka pumasok sa klase. Nagbigay ng takdang aralin ang iyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao na kailangan mong ipasa kinabukasan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Pupuntahan ko ang aking kaklase na kapitbahay namin at hingin ang kopya ng takdang-aralin para gawin ko at ipasa sa kinabukasan

b)

Hindi ko gagawing ang takdang aralin dahil hindi ako pumasok nang ibinigay ito.

c)

Maagang akong papasok sa klase para kopyahin ang takdang-aralin ng aking katabi sa upuan.

5.

Basahin at intindihin ang tanong . Piliin ang tamang sagot.

Anong pagkain ang dapat kainin?

a)

Pagkaing di masustansiya.

b)

Pagkaing matatamis.

c)

Pagkaing masustansiya.

6.

Basahin at intindihin ang tanong. Piliin ang tamang sagot.

Bakit kailangang kumain ng masustansiyang pagkain?

a)

Para makakilos nang maayos.

b)

Para tumaba ng katawan.

c)

Para maging malakas, malusog at masaya.

7.

Basahin at intindihin ang tanong. Piliin ang tamang sagot.

Upang makatapos ka ng pag-aaral ano ang dapat mong gawin?

a)

Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.

b)

Pagbubutihin kong makipagkaibigan sa aking kaklase.

c)

Pagbubutihin kong maglinis sa aming bahay.

8.

Basahin at intindihin ang tanong. Piliin ang tamang sagot.

Ano ang dalawang mahalagang karapatang dapat maibigay ng magulang sa kanilang mga anak?

a)

Karapatang makapaglaro pagkatapos ng klase.

b)

Karapatang makabili ng mamahaling laruan at ipakita ito sa mga kalaro.

c)

Karapatang makakain ng masustansyang pagkain at makapag-aral.