wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Na

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis at determinasyon.

a)

A. Katatagan

b)

B. Pagsisikap

c)

C. Pagpupunyagi

d)

D. Kasipagan

2.

2. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?

a)

A. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin

b)

B. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.

c)

C. Ang pera ay tumutulong na maramdaman ng tao ang kaniyang seguridad sa buhay.

d)

D. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan na maging maayos ang kaniyang buhay.

3.

3. “Marami ang nagtuturing na mahirap itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rinwalang humpay; Datapwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay aynakakamit kapag tao ay masikhay.” Ano ang ibig sabihin nito?

a)

A. Kahit mahirap ang buhay, ang tao ay dapat maging marangal.

b)

B. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.

c)

C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.

d)

D. Mahirap man ang buhay, ang tao ay hindi dapat mawawalan ng pag-asa

4.

4. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan ng tunay na kahulugan ng kasipagan?

a)

A. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.

b)

B. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.

c)

C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain.

d)

D. Tumutulong sa tao na malinang ang tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integridad, at disiplina sa sarili

5.

5. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

A. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa

b)

B. Gagawa ng isang bagay na makapagpasaya sa sarili

c)

C. Ipagmayabang sa buong mundo ang sariling kakayahan

d)

D. Malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integridad, at disiplina sa sarili.

6.

6. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anomang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?

a)

A. Si Rose ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anomang gawain na ipinapagawa sa kanya ng kaniyang ina

b)

B. Si Jay-R na masipag mag-aral at sa tuwing nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.

c)

C. Si Pauline ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa nang may pagkukusa

d)

D. Si Sally na sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan ay sinisiguro niya namatapos ang mga ito nang maayos at may kalidad.

7.

7. Si Rosette ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawainat sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Anong palatandaan sakasipagan ang taglay ni Rosette?

a)

A. Hindi nagrereklamo sa ginagawa

b)

B. Hindi umiiwas sa anomang gawain

c)

C. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal

d)

D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa

8.

8. Marami kang bibilhin na kagamitan para sa mga proyekto sa paaralan. Paano ka makaimpok ng pera upang hindi ka na hihingi sa iyong mga magulang?

a)

A. Simulang ipunin ang sobrang baon araw-araw

b)

B. Tiisin ang gutom at hindi kakain sa recess

c)

C. Magpalibre sa mayayaman na kaklase

d)

D. Magpasuhol sa bawat ipagawa ng iba

9.

9. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na taglay ng tao ang kasipagan?

a)

A. Ang hindi pag-iwas sa anomang gawain

b)

B. Ginawa ang gawain nang may pagmamahal

c)

C. Pagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa

d)

D. Ang hindi pagrereklamo gaano man kahirap ang gawain

10.

10. Wala ng mga magulang si Jose at nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ano ang dapat gawin ni Jose upang maipamalas ang taglay na kasipagan?

a)

A. Magsipag sa pag-aaral

b)

B. Magmalasakit sa anumang gawain sa bahay

c)

C. Tutulong sa mga gawaing bahay kapag inuutusan

d)

D. Kahit mahihirapan, tapusin ang pag-aaral at maghanap ng mabuting paraan upang matustusan ito