wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 5 Quarter 3 Week 5

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-aralan.

Ano ang iyong gagawin?

a)

Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.

b)

Ipagsawalang bahala ang nasaksihan.

c)

Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon.

2.

Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang

paghihiwalay ng uri ng basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at

maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan, paano ka makikiisa sa

programang ito?

a)

Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang

itatapon.

b)

Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng

basura.

c)

Huwag pansinin kung anuman ang napanood.

3.

Anong katangian ang ipinakikita ng isang batang tumutulong sa

pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran?

a)

Pagkamalikhain

b)

Pagkamatipid

c)

Pagmamalasakit

4.

Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga

opisyales na magtulungan ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang

representante na tutulong sa paglilinis. Sa paanong paraan mo maipakikita

ang iyong suporta?

a)

Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.

b)

Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.

c)

Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.

5.

May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong

maaari itong maging sanhi ng pagguho ng lupa at malalagay sa

panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito maipararating sa

kinauukulan?

a)

Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.

b)

Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.

c)

Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.

6.

Magkakaroon ng fund raising activity sa inyong lugar. Para ito sa

pagpapaganda ng liwasan. Iminungkahi ng isa sa mga miyembro na

magkaroon ng tiket. Bawat kasapi ng ogarnisasyon ay magbebenta ng tiket

sa kakilala. Paano mo sususportahan ang proyektong ito?

a)

Malugod na tanggapin ang tiket at ibenta ito sa kakilala.

b)

Magsawalang kibo na lamang.

c)

Tanggapin ang tiket pero hindi ibebenta.

7.

Bukod sa pakikilahok, paano mo pa maipakikita ang pagmamalasakit sa

kapaligiran?

a)

Pagtulong sa programa kung may kapalit na halaga.

b)

Pagbabalewala kung ano man ang kanilang ipinatutupad.

c)

Pagsunod sa mga alituntuning pangkapaligiran.

8.

Nabasa mo ang iba’t ibang babala at signages sa inyong lugar. Kaugnay ito

sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan. Bilang residente, paano mo

maipakikita ang pakikiisa dito?

a)

Huwag pansinin ang mga babalang nababasa.

b)

Sundin ang isinasaad ng mga babala.

c)

Basahin lamang ang babala at ipagsawalang bahala.

9.

Nakiisa ka sa pag-iingat sa mga likas na yaman. Anong

pagpapahalaga ang pinakikita mo?

a)

Pakikisama

b)

Pakikilaramay

c)

Pagmamalasakit

10.

May mga ordinansang ipinatutupad ang lungsod laban sa COVID 19

pandemya. Kasama dito ang pagpapanatili ng kalinisan ng sarili at ng ating

kapaligiran. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Pagmamalasakit sa kapwa at sa kapaligiran

b)

Mag-antay ng tulong galing sa iba.

c)

Pagbabaliwala sa ordinansa.