Font size
Worksheets5TH SUMMATIVE EXAM IN AP 9
Total questions: 10
Worksheet time: 30mins
Paano nakaapekto ang presyo sa suplay ng mga kalakal na ipinagbibili ng mga Pilipino? Ipaliwanag.
Bakit gumagawa ang mga prodyuser ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng mga konsyumer?
Anong ugnayan ng demand at suplay kung ang babasihan ay ang presyo ng isang produkto? Magbigay ng halimbawa.
Paano naging banta ang climate change o ang mga bagyo sa suplay ng pagkain sa hinaharap? Basehan ang nangyari sa bagyong Odette.
Bakit mahalaga ang pamilihan sa ekonomiya? Ipaliwanag.
Bakit mabuti o hindi mabuti ang pagkakaroon ng monopolyo sa pamilihan?
7-9 Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga paksa. Suriin kung ang paksa na sinasaad ay Law of Suplay o Law of Demand. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ang klase ni Mrs. Ryan ay naglilikom ng pera para sa isang fundraising sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga donut. Bawat araw mayroon silang dalawampu’t limang (25) donut na ibebenta.
7. Sa unang araw ng klase, naibenta lahat ang mga donut ng mga mag-aaral sa unang 5 minuto. Ano ang mas mataas, ang suplay o ang demand?
7-9 Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga paksa. Suriin kung ang paksa na sinasaad ay Law of Suplay o Law of Demand. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ang klase ni Mrs. Ryan ay naglilikom ng pera para sa isang fundraising sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga donut. Bawat araw mayroon silang dalawampu’t limang (25) donut na ibebenta.
8. Sa ikalawang araw ng pasukan, ang mga mag-aaral ay nakakuha ng higit pang dalawampu’t (20) donut na ibebenta. Nagtaas ba sila ng suplay o demand?
7-9 Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga paksa. Suriin kung ang paksa na sinasaad ay Law of Suplay o Law of Demand. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ang klase ni Mrs. Ryan ay naglilikom ng pera para sa isang fundraising sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga donut. Bawat araw mayroon silang dalawampu’t limang (25) donut na ibebenta.
9. Sa Miyerkules, namigay ang mga taga kanteen ng libreng muffins sa mga mag-aaral. Sa tingin mo ba ito ang magiging sanhi ng pagtaas o pagbaba ng demand para sa mga donut?
Nalalapit na ang eleksyon at mapapalitan na ng bagong presidente ang ating bansa, kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging isang presidente sa ating bansa, paano mo mabibigyang solusyon ang problema ng ating ekonomiya ukol sa pagtaas ng mga bilihin sa pamilihan?
