NEW
Font size
WorksheetsESP 5 SSC Q3W2 WW#2
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Natutuhan mo sa klase ang halaga ng paghihiwalay ng mga basura. Ngunit hindi ito naisasagawa sa bahay ninyo. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hayaan na lamang ang nakasanayan na gawi.
b. Hintayin na ang magulang ang magtuturo sa dapat gawin.
c. Maglaan ng mga basurahan para sa paghihiwa-hiwalay ng basura.
2. Habang naglalakad pauwi, nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa ilog malapit sa inyo ang kanilang basura. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hayaan na lamang ang nakasanayan na gawi.
b. Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura.
c. Tutulungan ang kaibigan sa kaniyang ginagawa.
3. Nakita mo na madaming disposable mask ang nakakalat sa inyong tahanan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Itapon sa tamang basurahan.
b. Labhan ito upang magamit muli.
c. Susunugin mong lahat.
4. Naglunsad ng proyekto ang inyong barangay ukol sa pagpapanatili ng kalinisan sa inyong komunidad na “Tapat Mo, Linis Mo”. Ano ang dapat mong gawin?
a. Panatilihing malinis ang bakuran o tapat ng bahay.
b. Hahayaan na lamang na iba ang gumawa.
c. Balewalain ang proyekto ng inyong barangay.
5. Napansin mong bumabaha sa inyong lugar tuwing may malakas na ulan dahil sa mga basurang nakabara sa daluyan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Maglilinis nalang kapag humupa na ang baha.
b. Makiisa sa programa ukol sa tamang pagtatapon ng basura.
c. Hahayaan nalang ang nangyayari sa paligid.
_______6. Sundin ang mga batas sa bansa lalo sa panahon ng pandemya bilang isang mamamayan.
a. Responsibilidad sa bahay
b. Responsibilidad sa paaralan
c. Responsibilidad sa pamayanan
d. Responsibilidad sa bansa
____7. Pananagutan ng mga anak na sundin ang kanilang mga magulang.
a. Responsibilidad sa bahay
b. Responsibilidad sa paaralan
c. Responsibilidad sa pamayanan
d. Responsibilidad sa bansa
____8. Sundin ang mga alituntunin sa paaralan.
a. Responsibilidad sa bahay
b. Responsibilidad sa paaralan
c. Responsibilidad sa pamayanan
d. Responsibilidad sa bansa
____9. Pananagutan na panalitihing ligtas ang pamumuhay ng mga tao sa komunidad na kinabibilangan.
a. Responsibilidad sa bahay
b. Responsibilidad sa paaralan
c. Responsibilidad sa pamayanan
d. Responsibilidad sa bansa
____10. Suportahan ang mga proyekto na ipinapapatupad ng pamayanan.
a. Responsibilidad sa bahay
b. Responsibilidad sa paaralan
c. Responsibilidad sa pamayanan
d. Responsibilidad sa bansa
