Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KABANATA 2

Total questions: 209

Worksheet time: 1hrs 10mins

Name
Class
Date
1.
Ika- 19 ng Mayo 1571, mula sa Cebu ay sinakop ni Miguel Lopez de Legazpi ang Kamaynilaan. Ito ay naging simula ng pagtatatag ng iba pang pook-pamayanan sa ating bansa, tulad ng Bataan at ng mga pulo nito. Ang Bataan ay nasa gawing______________ng Luzon.
a)
Hilagang-Kanluran
b)
Hilagang Silangan
c)
Timog Kanluran<br />
d)
Timog Silangan<br />
2.
Ito ang naging simula ng pagtatatag ng iba pang pook-pamayanan sa ating bansa, tulad ng Bataan at ng mga pulo nito.
a)
Pagsakop ni Miguel Lopez de Legazpi sa Kamaynilaan noong ika-19 ng Mayo 1571
b)
Pagsakop ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu noong ika-19 ng Mayo 1571
c)
Pagsakop ni Gob Hen. Pedro Manuel de Arandia sa Kamaynilaan noong ika-19 ng Mayo 1571
d)
Pagsakop ni Miguel Lopez de Legazpi sa Zambales noong ika-19 ng Mayo 1571
3.
Ang pook ng Bataan noong panahon ng Kastila ay nahahati sa dalawa. Ang ________ ay binubuo ng mga bayan ng Mariveles, Bagac at Morong na noon ay kahangga ng bahaging nasa pamamahala ng lalawigan ng Pampanga.
a)
Corregimiento ng Mariveles
b)
Bayan ng Orion, Pilar, Balanga, Abucay, Samal, Orani, Llana hermosa, at San Juan de Dinalupihan
c)
Corregimiento ng Bataan
d)
Look ng Maynila
4.
Anong taon naihiwalay ang Bataan sa Pampanga?
a)
1754
b)
1571
c)
1753
d)
1985
5.
Inalis niya sa Zambales ang Corregimiento ng Mariveles. Ibinigay niya sa Cavite and Corregidor at Maragondon. Inalis niya sa Pampanga ang mga bayan mula sa Dinalupihan at Hermosa.
a)
Gobernador Heneral Pedro Manuel de Arandia
b)
Gobernador Heneral Pedro Manuel de Adraneda
c)
Miguel Lopez de Legazpi
d)
Pedro de San Miguel
6.
Ang Bataan ay may sukat na _____________kilometro kuwadrado
a)
1,234 kilometro kuwadrado
b)
1,243 kilometro kuwadrado
c)
1,334 kilometro kuwadrado
d)
1,214 kilometro kuwadrado
7.
Ito ang tawag sa isang distrito o lalawigan na hindi gaanong payapa at ipinailalim sa isang tagapamahalang militar o Corregidor
a)
Corregimiento
b)
Corregidormiento
c)
Dorimiento
d)
Semiento
8.
Ito ay isang sistema sa pagbibigay ng lupain sa mga taong maimpluwensya at may katungkulan sa pamahalaang Kastila
a)
Encomienda
b)
Hacienda
c)
Encocienda
d)
Barter
9.
Unti-unting nabubuwag ang Sistema ng pagbibigay ng lupain sa mga taong maimpluwensya at may katungkulan sa pamahalaang Kastila nang matatag ang lalawigan ng Bataan noong 1754 at inihiwalay ang Bataan sa Pampanga sa pagsusumikap ni ________________________________. Sa pagsisikap nya, ang kawalan ng opisyal na katayuan ng Bataan ay nalunasan. Inalis niya sa Zambales ang Corregimiento ng Mariveles. Ibinigay niya sa Cavite ang Corregidor at Maragondon. Inalis niya sa Pampanga ang mga bayan mula sa Dinalupihan at Hermosa. At ang pamayanaang nabuo ay itinatag na lalawigan ng Bataan
a)
Gobernador Heneral Pedro Manuel de Arandia
b)
Gobernador Heneral Pedro Manuel de Adraneda
c)
Gobernador Heneral Juan Manuel de Arandia
d)
Gobernador Heneral Pedro Manuel de Andrade
10.
Buwan, araw at taon kung kailan naitatag bilang pueblong Katoliko ang Abucay, ang kauna-unahang bayang naitatag sa Bataan sa ilalim ng pamamatnubay ng Dominikong pari na si Padre Domingo
a)
Hunyo 10, 1588
b)
Hunyo 11, 1588
c)
Hunyo 12, 1588
d)
Hunyo 10, 1858
11.
Ito ang bayan na ayon sa ilang mananaliksik na noon pa mang taong 1578 ay nasapit na ng congregacion ng mga prayleng Franciscano. Ito ay sakop pa ng Maragondon, Cavite.
a)
Morong
b)
Bagac
c)
Mariveles
d)
Pilar
12.
Naitatag ang bayan ng Morong noong _________ sa pamamagitan ni ___________________
a)
1607- Pedro de San Miguel
b)
1706- Pedro de San Miguel
c)
1607- Pedro de San Juan
d)
1607- Pedro San Miguel
13.
Ang mga unang pamayanan sa Samal ay ________ at _________.
a)
Sta. Lucia at Ibaba
b)
Sta. Maria at Ibaba
c)
Sta. Lucia at Rizal
d)
Sta. Maria at Rizal
14.
Mula sa lugar na ito lumitaw ang mga baryo ng Tabing-ilog, Daang Bago at Wakas
a)
Samal
b)
Orani
c)
Dinalupihan
d)
Orion
15.
Ang Samal ay itinatag ng mga paring Dominiko noong_____________.
a)
Abril 20, 1641
b)
Abril 20, 1614
c)
Abril 20, 1644
d)
Marso 20, 1641
16.
Tinaguriang kauna-unahang baryo ng Abucay.
a)
Orion
b)
Laon
c)
Bangkal
d)
Wawa
17.
Sinasabi na itinatag ang bayan ng Orion ng isang Kastilang nagngangalang __________________.Sa pamumuno niya nahawan ang madadawag na lugal. Siya ang kauna-unahang nanirahan sa Calungusan (isang nayon ng Orion sa ngayon). Mula sa Calungusan, inilipat niya ang kanyang mag-anak sa poblacion ng Orion. Habang dumarami ang kanyang anak, lumalawak naman ang mga nahahawan at nalilinis na lupang kanyang mapaghahalamanan. Nang mamatay ang asawa nito, lumipat siya sa Hagonoy. Nagkaroon din siya roon ng mga lupain.
a)
Trajano
b)
Pizzaro
c)
Tejero<br />
d)
Trillana
18.
Si Trajano ang kauna-unahang nanirahan sa ________ na isang nayon ng Orion sa ngayon.
a)
Calungusan
b)
Daang Bago
c)
General Lim
d)
Arellano
e)
Bagumbayan
19.
Nang umalis si Trajano sa Orion, ang mga ____________________ ang siyang namahala ng mga ari-ariang naiwan ni Trajano. Nang bawian ng buhay si Trajano ay naging pag-aaring lahat ito ng mga ____________.
a)
Trillana
b)
Tejero
c)
Pizzaro
d)
Pizzara
20.
Ayon naman sa tala ng mga kasaysayang naisulat ng mga Paring Dominiko, si ________________________ ang siyang nagtatag ng bayan ng Orion o maaari rin namang inabutan na nya lamang ang lugar na sinimulan at pinaunlad ni Trajano.
a)
Padre Domingo Perez
b)
Padre Sabado Perez
c)
Padre Santino Perez
d)
Padre Liwanag Perez
21.
Ang Balanga ay nasa pinakapusod ng lalawigan ng Bataan. Nasa gawing Hilaga nito ang Abucay. Sa dakong Silangan sa kabila ng Look ay matatanaw ang baybayin ng Maynila. Sa timog naman, inihiwalay lamang ng _____________________ang bayan ng Pilar. Ano ang pangalan ng ilog na ito?
a)
Ilog-Talisay
b)
Ilog-Wawa
c)
Ilog-Tala
d)
Ilog-Sibul
22.
Buwan, araw at taon na sabay na itinatag ang Balanga at Orani bilang malayang bayan.
a)
Abril 21, 1714
b)
Abril 22, 1714
c)
Abril 23, 1714
d)
Abril 21, 1741
23.
Taon kung kailan ginawang ulumbayan (capital) ng Bataan ang Balanga sa kautusan ni Gobernador Heneral Pedro Manuel de Arandia
a)
1754
b)
1745
c)
1755
d)
1744
24.
Halos magkasabay ang pagkakatatag noong 1754 ang _______ at _______.
a)
Mariveles at Bataan
b)
Morong at Bataan
c)
Pilar at Bataan
d)
Hermosa at Bataan
25.
Ang mga bahagi na kasalukuyang nasasakupan ng munisipyo ng Mariveles ay dating sakop ng lalawigang Zambales. Ngunit noong 1754 ay inihiwalay ang Mariveles sa Corregimiento sa ilalim ng “_____________________” sa pamamahala ni Gobernador Heneral Pedro Manuel de Arandia.
a)
Real Cedula Superior
b)
Real Cedula Major
c)
Real Cedula Ultima
d)
Real Cedula Maxima
26.
Ang Hermosa, bago dumating ang mga Kastilang conquistadores, ay may iba’t-ibang pangalan. Kilala ang bayan ng Hermosa sa tawag na _________________ o ____________________
a)
Mabuyan o Babuyan
b)
Mabiga
c)
Maganda
d)
Mabuco
27.
Sa buwan, araw at taon na ito naging ganap na bayan ang Hermosa sa pamamagitan ng pagsang-ayon ni Gobernador Heneral Pedro Manuel de Arandia at ito’y naging malayong sentro ng mga misyonero habang ang lungsod ng Maynila ay nasasakop ng mga Ingles.
a)
Mayo 8, 1756
b)
Mayo 7, 1756
c)
Mayo 9, 1756
d)
Mayo 6, 1756
28.
Dating nayon ng Balanga ang Pilar. Noong ika-10 ng Marso, 1801 ay binigyan ito ng “kasarinlan” bilang bayan sa pamamatnubay ng patrong Nuestra Señora del Pilar. Kaiba ang pagkakatatag ng Pilar. Ito ay ginawang pueblo ng mga paring secular (paring walang kinasasapiang order). Noong ika-10 ng Abril, 1801, ipinahayag ang pagkakaroon ng Pamahalaang Sibil ng Pilar tulad ng sa BAlanga. Naganap ito sa ilalim ng panunungkulan ni ______________________.
a)
Gobernador Heneral Aguilar
b)
Gobernador Heneral Aguiluz
c)
Gobernador Heneral Lawin
d)
Gobernador Heneral Mulawin
29.
Dating nayon ng Balanga ang _______.
a)
Pilar
b)
Mariveles
c)
Dinalupihan
d)
Hermosa
30.
Kailan binigyan ng kasarinlan bilang bayan ang Pilar?
a)
Marso 10, 1801
b)
Marso 10, 1810
c)
April 10 1801
d)
May 10, 1801
31.
Ipinahayag noong Abril 10, 1801 ang pagkakaroon ng Pamahalaang Sibil ng Pilar, tulad sa Balanga at nagnap ito sa ilalim ng panunungkulan ni __________.
a)
Gobernador Heneral Aguilar
b)
Gobernador Heneral Pedro Manuel De Arandia
c)
Padre Mariano Miranda
d)
Gobernador Heneral Francis Burton Harrison
32.
Naakit ng mga paring secular sa Kristiyanismo ang mga mamamayan sa Dinalupihan. Nagkaroon sila ng sariling simbahan sa tulong ni Gobernador Heneral Pedro Manuel de Arandia at sa pamamatnubay ni ________________________ ng Dinalupihan (paring Dominiko), naitayo ang simbahan ng Dinalupihan.
a)
Padre Mariano Miranda
b)
Padre Mariano Mirinda
c)
Padre Mariano Ponce
d)
Padre Mariano Angeles
33.
Kinilala bilang isang pueblo ang Dinalupihan noong ___________________, sa paggabay ng patrong San Juan Bautista
a)
1865
b)
1856
c)
1866
d)
1855
34.
Ito ay dating baryo o nayon lamang ng Morong.
a)
Bagac
b)
Limay
c)
Orion
d)
Mariveles
35.
Ito ay naitatag noong 1873.
a)
Bagac
b)
Limay
c)
Mariveles
d)
Orion
36.
Sino ang nagmungkahi na ihiwalay ang nayon ng Limay sa Orion noong Hulyo 4, 1877.
a)
Padre Ramon Reixach
b)
Padre Ramon Rei
c)
Padre Ramon Rich
d)
Padre Ramon Relax
37.
Kinilala bilang nagsasariling bayan noong Enero 1, 1917 ang bayan ng Limay sa bisa ng ______________________ sa ilalim ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison
a)
Executive Order No. 93
b)
Executive Order No. 94
c)
Executive Order No. 95
d)
Executive Order No. 95
38.
Ito ay dating sakop ng Orion.
a)
Limay
b)
Pilar
c)
Orani
d)
Dinalupihan
39.
Ito ang kahuli-hulihang bayan na binalak itatag ng mga Kastila -noong 1877
a)
Limay
b)
Orion
c)
Pilar
d)
Orani
40.
Ilang bayan ng Bataan ang may buo at tiyakang petsa ng pagkakatatag? Anu-ano ang mga ito?
a)
Anim (6) Abucay, Samal, Balanga, Hermosa, Orani at Pilar
b)
Anim (6) Morong, Samal, Balanga, Hermosa, Orani at Pilar
c)
Anim (6) Abucay, Samal, Mariveles, Hermosa, Orani at Pilar
d)
Anim (6) Abucay, Bagac, Balanga, Hermosa, Orani at Pilar
41.
Ilang bayan naman na taon lamang ng pagkakatatag ang nasaliksik na petsa? Anu-ano ang mga ito?
a)
Lima (5) Bagac, Dinalupihan, Mariveles, Morong at Orion
b)
Lima (5) Hermosa, Dinalupihan, Marivels, Morong at Orion
c)
Lima (5) Bagac, Dinalupihan, Orani, Morong at Orion
d)
Lima (5) Bagac, Dinalupihan, Marivels, Morong at Pilar
42.
Ito ang tawag sa sugo ng Hari sa bansang nasasakupan at siyang kinikilalang pinakamataas na pinuno rito. Bilang pinuno ng Ehekutibo, ipinatutupad nito ang mga dekrito ng Hari at mga batas mula sa Espanya. May kapangyarihan siyang humirang at magtanggal ng mga kawani ng pamahalaan, maliban sa hinirang ng Hari ng Espanya. Siya rin ang tagapangasiwa ng tanggapan ng pangungulekta ng buwis
a)
Gobernador Heneral
b)
Gobernadorcillo
c)
Tinyente mayor<br />
d)
Mayor Heneral
43.
Ang isang gobernador heneral ay maaari ring magpahayag ng proclamation o bando hinggil sa maayos na pagpapatupad ng batas, magsuspinde ng pagpapatupad ng anumang batas kung kinakailangan at ito ay tinatawag na ___________.
a)
cumplase
b)
cumpalse
c)
cumplesa
d)
cumplato
44.
Ito ang tawag sa pinakamataas na Hukuman ng bansa at nagsisilbing tagapayo ng Gobernador Heneral.
a)
Royal Audiencia
b)
Magna Audiencia
c)
Gobernador Heneral
d)
Korte Suprema
45.
Iba pang tawag sa probinsya. Ito ay pinamamahalaan ng isang alcalde mayor
a)
alcaldia
b)
mayora
c)
menora
d)
urbana
46.
Taglay ng posisyong ito ang kapangyarihang tagapagpatupad (ejecutivo) at paghukom (judicial).
a)
alcalde mayor
b)
alcalde suprema
c)
alcalde urbana
d)
royal mayora
47.
Noong 1886 ay nagkaroon ng pagbabago sa mga pamahalaang probinsyal. Naging hukom ang alcalde mayor at ang nahirang na humawak ng kanyang tungkulin at kapangyarihan bilang tagapagpaganap ay ang ___________________.
a)
gobernador-sibil
b)
gobernadorcillo
c)
gobernadoar-garcia
d)
gobernadora-mayora
48.
Ang sahod ng nanunungkulang kapitan s loob ng dalawang taon ay ________ isang buwan.
a)
P25
b)
P35
c)
P30
d)
P20
49.
Ito ang tawag sa pinuno ng pueblo na lalong kilala sa tawag na Capitan. Noong mga unang taon ng pamamahala ng Kastila,ito ay inihahalal ng mga may-asawang mamamayan ng bayan, ngunit nang tumagal, nabago ang ganitong pamamalakad. Ito ay inihahalal taun-taon ng 12 tao, 6 mula sa mga dating gobernadora-sibil at 6 sa mga Cabeza.
a)
Gobernadorcillo
b)
Gobernador Heneral
c)
Tinyente mayor<br />
d)
Mayor Heneral
50.
Sino ang nangangasiwa sa halalan noong panahong iyon?
a)
kura paroko at ang gobernadora sibil
b)
misyonero at ang gobernadora sibil
c)
kura paroko at ang gobernadora heneral
d)
parokyano at ang gobernadora sibil
51.
Ang panunungkulan sa mga bayan ay nakukuha sa pamamagitan botohan, palabunutan o___________________.
a)
loterya
b)
pilian
c)
sapilitan
d)
turuan
52.
Ito ang tawag sa pamahalaang bayan noon. Sakop nito ang mga nayong bumubuo sa bawat bayan.
a)
govierno pueblo
b)
govierno maora
c)
govierno ciudad
d)
govierno rural
53.
Upang mapadali at mapaayos ang pamamahala ng munisipyo, hinati ito sa mga barangay na binubuo ng ___________ at pinamumunuan ng cabeza de barangay.
a)
50 pamilya
b)
40 pamilya
c)
30 pamilya
d)
60 pamilya
54.
Noon, hindi cabeza de barangay ang nakapangyayari kundi ang ___________. Bilang kinatawan ng Hari ng Espanya, ang rekomendasyon nito ukol sa kalagayan ng bayan ang sinusunod ng mga may kapangyarihan sa pueblo. Ang kanyang mg autos ay batas na ipinatutupad. Siya ang tagapamahala ng edukasyon, kawang-gawa at iba pang gawain sa lipunan.
a)
kura paroko
b)
prayle
c)
misyonero
d)
mongha
55.
Ito ang posisyong sumunod sa kapitan.
a)
Teniente mayor
b)
Gobernadorcillo
c)
Gobernador Heneral
d)
Mayor heneral
56.
Lima (5) ang tiniente at anim (6) ang ________ na nasa ilalim ng tiniente mayor na walang sahod.
a)
cordilleras
b)
aguasil
c)
timawas<br />
d)
indios
57.
Sa ilalim ng pamumuno ng tiniente ay ang __________na siyang mensahero.
a)
aguasil
b)
cordilleras
c)
juez de policia
d)
juez de sementera
58.
Ang ___________ ang katiwala sa mga sigalot sa lupa .
a)
juez de sementera
b)
aguasil
c)
cordilleras
d)
juez de policia
59.
Ang______________ ang namahala sa katahimikan at kalagayan ng mga taong-bayan.
a)
juez de policia
b)
juez de sementera
c)
aguasil
d)
cordilleras
60.
Gobernador Heneral hanggang Cabeza de Barangay ang bumuo ng pamunuang -sibil. Ngunit silang lahat, maging ang gobernadora heneral ay laging sunud- sunuran lamang sa mga prayle. Ang magkalakas-loob na manungkulan nang taliwas sa kagustuhan ng mga pari ay nanganganib na maalis sa tungkulin o mapahamak. Isang halimbawa ay ang nangyari kay _________ na pinaksa ni Padre Jose Burgos sa sinasabing isinulat niyang ‘La Loba Negra” o “The Black She-wolf”.
a)
Gobernador Heneral Bustamante
b)
Gobernador Heneral Aguinaldo
c)
Gobernador Heneral Leopoldo
d)
Gobernador Heneral Bernardo
61.
Ang mga Kastilang ipinanganak sa Espanya ay tinaguriang ______________________.
a)
Peninsular
b)
Insular
c)
Puro
d)
Natural
62.
Iyon naming Kastila ang ama at ina ngunit ditto ipinanganak sa Pilipinas ay tinawag na ___________________.
a)
Insular
b)
Peninsular
c)
Puro
d)
Natural
63.
Ang mga mestizo ay tinawag na ____________________
a)
Filipino
b)
Indio
c)
Peninsular
d)
Insular
64.
at ang mga katutubo ay siyang binansagang ________________.
a)
Indio
b)
Peninsular
c)
Insular
d)
Filipino
65.
Sa unang dalawang pangkat, Peninsular at Insular, nanggaling ang mga unang pinuno ng pamahalaang Kastila. Tanging ang pagiging ______________ o katulong sa paggawad ng hustisya ang inilaan sa mga dating datu o pinuno na katutubo upang mapaamo ang mga ito. Noong lumaon, ang mga Filipino ay naging pinuno rin.
a)
Juez
b)
Mayor
c)
Henral
d)
Indio
66.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga Filipino at Indio na namuno sa bayan bago naghimagsik ang Katipunan ay naging mga aktibong Katipunero. Sila rin ang namuno sa pamahalaang rebolusyonaryo. Isa na rito si _________________________ng Balanga.
a)
G. Pedro de Leon
b)
G. Pedro de Vera
c)
G. Pedro de Vivar
d)
G. Pedro de Luna
67.
Siya ay matatas sa Espanyol. Naging isa siyang pinuno ng Katipunan. Kasama siya nina Kap. Benito Sioson at Zacarias David na nagtungo sa Kawit, Cavite upang humingi ng armas kay Emilio Aguinaldo. Kilala siya sa kasipagan bilang kabesa at sa kahusayan sa kwentong-bayan.
a)
Gervacio Dionisio
b)
Justo Carlos Gabaya
c)
Georvani Abrigoso
d)
Baldomero Gonzales
68.
Siya ay naging tininte ng barangay bukod sa kanyang pagiging kabesa. Anak niya si Isabelo.
a)
Julian Dizon
b)
Gervacio Dionisio
c)
Julian Izon
d)
Julian Pasion
69.
Siya ang pinakahuling naging kabesa sa Puerto Rivas. Kauupo pa lamang niya sa tungkulin ay sumiklab na ang himagsikan.
a)
Baldomero Gonzales
b)
Georvani Abrigoso
c)
Gervacio Dionisio
d)
Julian Dizon
70.
Siya ang nagtatag ng Katipunan sa Puerto Rivas
a)
Justo Carlos Gabaya
b)
Georvani Abrigoso
c)
Gervacio Dionisio
d)
Julian Dizon
71.
Siya ay naging guro sa wikang Kastila. Nakaabot siya ng pagtuturo hanggang sa Bataan, Kalungusan, Santo Domingo, Camachile at Poblacion ng Orion. Nag-aral siya ng pagkapari ngunit nang mamatay ang kanyang ama ay natigil siya at itinalaga ang sarili sa pagtuturo ng kartilya at katon.
a)
Mariano Alonzo
b)
Gervacio Dionisio
c)
Julian Izon
d)
Julian Pasion
72.
Siya ay naging isang heneral ng Katipunan. Siya ang nagtatag ng Katipunan sa Salinas, Cavite. Mabilis na lumaki ang bilang ng mga tagasunod niya. Nakipag-ugnayan sa kanya ang puno ng Katipunan sa Morong, si Heneral Gregorio Gonzales.
a)
Domingo “Inggo” Alonzo
b)
Baldomero Gonzales
c)
Georvani Abrigoso
d)
Gervacio Dionisio
73.
Siya ay naging pinuno ng Katipunan sa buong Bataan. Sa pangunguna niya, itinanghal sa buong Pilipinas ang mga Katipunerong taga-Bataan na unang nakapagpasuko ng Kastilang pinuno sa lalawigan. Nang bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga katipunero, umabot ang pangkat ng heneral na ito hanggang Zambales. Siya ay may kababaan ng loob, hindi takaw-puri. Nang maging payapa na ang bayan, nagbalik siya sa karaniwang pamumuhay. Namatay siyang limot na bayani.
a)
Heneral Inggo Alonzo
b)
Heneral Domingo Alonzo
c)
Heneral Inggo Malonzo
d)
Heneral Gregorio Nacpil
74.
May bahagi ang Bataan sa landas ng kabanalang tinahak ni Lorenzo (Ruiz) de Manila kasama ang mga misyonerong Dominiko patungo sa Hapon. Noong HUNYO 10, 1636 palihim na lumunsad sa baybayin ng Bataan ang pangkat sakay ng ____________. Buhat dito ay tumulak sila at naglakbay tungo sa Hapon.
a)
batel
b)
sibul
c)
wawa
d)
sisiman
75.
Sino ang puno ng Katipunan sa Morong at nakipag-ugnayan kay Heneral Inggo Alonzo?
a)
Heneral Gregorio Gonzales
b)
Baldomero Gonzales
c)
Justo Carlos Gabaya
d)
Gervacio Dionisio
76.
Bukod kay Lorenzo Ruiz ng Maynila, pinagpala rin ang Bataan ng dalawang banal. Sinu-sino ang mga ito?
a)
Cecilia Tongol at Melchora, La Beata
b)
Cecilia Tongol at Melchora, La Beau
c)
Cecilia Tongol at Melchora Aquino
d)
Teresa Agustin at Melchora, La Beata
77.
Ayon kay Padre Gainza, noong dumating ang mga paring Dominiko sa Abucay, naratnan nila rito si ______________, isang paring Dominiko na mag-isa at kusang-loob na nagpalaganap ng Kristiyanismo sa lalawigan.
a)
Pari Christopher Salvatierra
b)
Pari Christopher Salvacion
c)
Pari Silvester Salvatierra
d)
Pari Paul Saliente
78.
Pinakaunang bayan na naitatag bilang parokya sa Bataan ng ABUCAY. Malaki ang naitulong ng mga paring Dominiko sa pagkakatatag ng bayang ito sa pangangasiwa ni Padre Juan Santo Tomas Ormaza noong Setyembre 1587, subalit noong Hunyo 10, 1588 lamang tinanggap at itinatag ng mga paring Dominiko bilang isang parokya. Pangalawa ito sa mga unang lugal na kanilang misyon sa Pilipinas. Pinangalanan nila ito na ________________________ sunod sa pangalan ng patron dito. Ibinalik nila dito ang tawag na Abucay noong 1646.
a)
Santo Domingo
b)
Santo Cristo
c)
Santa Barbara
d)
Santo Tomas
79.
Ayon sa aklat ni Fr. Paguio, sa bayan ng Abucay naganap ang pag-urong ng Almiranteng Olandes na si Gertzen noong 1647 pagkaraang mabigo sa pagsakop sa Cavite. Nasakop niya ang Abucay at sa maikling panahong pananakop ay naganap ang _________ o ang pagpatay sa lahat halos ng mamamayan ng Abucay sa patyo ng simbahan.
a)
Abucay Massacre
b)
Hermosa Massacre
c)
Balanga Massacre
d)
Orion Massacre
80.
Ang unang simbahan sa Abucay ay natayo sa lugal na sa kasalukuyan ay kinatatayuan ng bahay-pamahalaan. Ito ay nasunog kaya nagpatayo ng bagong simbahan na ang bubong ay yari sa ________ maliban sa tapat ng pinaka-altar nito na yari sa laryo o tisa.
a)
pawid
b)
kugon
c)
pila
d)
putik
81.
Nasunog din ang simbahang naturan noong Abril, 1870. Ang bahay ng isang Intsik na si ________ na malapit sa simbahan ang pinagmulan ng sunog.
a)
Quimson
b)
Tiu
c)
Chuson
d)
Wusung
82.
Muling nagtayo ng simbahang higit na malaki kasama ang kumbento. Naitayo ito sa pamamagitan ng sapilitang paggawa sa pamamahala ni_____.
a)
Padre Jose Diego
b)
Padre Jesus Sarmiento
c)
Padre Diosdado Pelaez
d)
Padre Jose Claveria
83.
Pinakamayaman sa buong lalawigan ng Bataan ang simbahan ng _________ at pinakamalaki ang kumbento nito.
a)
Abucay
b)
Morong
c)
Orion
d)
Orani
84.
Nang masunog ang simbahan sa Abucay, muling nagtayo ng simbahan sa pamamagitan ng sapilitang paggawa. Kailangang magbigay ng isang ________ ang sinumang lalaki na nakatakdang ikasal at pinagawa ng 3 araw sa loob ng isang linggo ang mga lalaking nasa tamang gulang.
a)
troso
b)
acasia
c)
mahogany
d)
ipil-ipil
85.
Hinihila ng mga lalaki ang troso mula sa kabundukan hanggang sa ______ at mula dito, panibagong pangkat naman ang humihila hanggang sa makasapit sa bayan habang sinusundan ng orkestra.
a)
Sibul
b)
Gabon
c)
Laon
d)
Capitangan
86.
Pinakamayaman sa buong lalawigan ng Bataan ang simbahan ng Abucay at pinakamalaki ang kumbento nito. Lahat ng mga seryales at kandelero ay yari sa purong _____ at pawang malalaki ang mga kampana nito.
a)
pilak
b)
ginto
c)
bato
d)
dyamante
87.
Nananatili pang nasa tore ng simbahan ng Abucay hanggang sa kasalukuyan ang kampanang yari sa purong pilak at nakaukit dito ang pangalan nino?
a)
Padre Meliton Moreno
b)
Padre Diego
c)
Melchora, La Beata
d)
Fr. Paguio
88.
Kailan ang petsa ng pagkakagawa ng kampana ng simbahan sa Abucay?
a)
DISYEMBRE 1892
b)
DISYEMBRE 1982
c)
NOBYEMBRE 1892
d)
NOBYEMBRE 1982
89.
Nang magkasakit si Padre Diego at malapit nang mamatay, nag-iwan siya ng isang SULAT kay NICOLAS DE GUZMAN na lalong kilala sa tawag ng ______ para ibigay sa kanyang kahaliling si Padre Meliton
a)
Piskal
b)
Paskil
c)
Pakil
d)
Kalpis
90.
Isang banal na babae at tubong Abucay na karaniwang tinatawag na Beata. Sino siya?
a)
Sierva de Dios Melchora
b)
Melchora Aquino
c)
Gloria Macapagal Arroyo
d)
Santa Elizabeth
91.
Anong edad namatay si Melchora, La Beata.
a)
46
b)
45
c)
44
d)
64
92.
Kaugnay ng ika 400 taong pagdiriwang o quadricentennial ng pagkakatatag ng parokya ni Santo Domingo de Guzman, ayon kay _________ na isang Papal Chaplain, may ginawang pribadong nobena ang maraming taga- Abucay kay Melchora, La Beata.
a)
Monsenyor Renato Manansala
b)
Padre Rodrigo de San Miguel
c)
Padre Ramon Rodriguez
d)
Padre Miguel Lerma
93.
Ano ang ipinadala ng Kura Paroko ng Morong sa Gobernador Eklesiastiko sa arsobispo ng Maynila noong ika-12 ng DISYEMBRE, 1890, at napag-alamang ang pansamantalang simbahan ay sinira ng bagyo noong ika-30 ng Setyembre, 1890.
a)
kalatas
b)
papel
c)
lapis
d)
kwento
94.
Sa kapilya ng Calaguiman sa Samal , sino ang patron nito?
a)
San Vicente Ferrer
b)
San Joaquin
c)
Santo Tomas
d)
San Bartolome
95.
Ilan ang sukat ng simbahan ng Samal?
a)
68 yarda ang haba, 14 yarda ang lapad at 9 yarda ang taas
b)
14 yarda ang haba, 68 yarda ang lapad at 9 yarda ang taas
c)
14 yarda ang haba, 14 yarda ang lapad at 9 yarda ang taas
d)
68 yarda ang haba, 14 yarda ang lapad at 10 yarda ang taas
96.
Saan gawa ang kauna-unahang simbahan at kumbento sa Orion at saan ito itinayo?
a)
gawa sa tabla at kahoy na itinayo sa tabing-ilog ng baryo Sto. Domingo
b)
gawa sa laryo at tisa na itinayo sa tabing-ilog ng baryo Sto. Domingo
c)
gawa sa tabla at kahoy na itinayo sa tabing-ilog ng General Lim
d)
gawa sa tabla at kahoy na itinayo sa tabing-dagat
97.
Kailan nawasak ang simbahan ng Orion, pero ito ay muling naipatayo nina Padre Ramon Rodriguez, Andres Chaveli at Padre Pedro Rodriguez.?
a)
Setyembre 16, 1862
b)
Setyembre 16, 1962
c)
Setyembre 16, 1762
d)
Setyembre 26, 1862
98.
Tatlong bugso ang nagpagawa ng simbahan ng Orion pagkatapos na mawasak ito. Ang mga sumusunod ay kabilang sa tatlong bugso MALIBAN SA___.<br />
a)
Unang pangkat na naghingi ng pampagawa ng simbahan
b)
Isang pangkat ang nagpagawa ng kumbento na ang bubong ay YARI SA YERO
c)
Ang ikalawang pangkat naman ay siyang nangalap ng mga kagamitan para sa simbahan
d)
Ang ikatlong pangkat ang siyang nagtapos sa pagpapagawa ng simbahan na nakokoranahan ng isang malaking SIMBORYO
99.
Nakalagda sa partido bautismo ng mga katutubo ang mga sumusunod at sila ang unang misyonero sa bayan ng Orion MALIBAN SA ___
a)
Justo Carlos Gabaya
b)
Padre Domingo Perez
c)
Baltazar de Sta. Cruz
d)
Joseph de Ysusi
e)
Francisco de Villalba
100.
Si ______ ang unang paring regular na humawak sa parokya ng Orion noong 1932 at ito ay dahil sa bisa ng dekrito noong 1776 at ng Cedula Real noong 1826.
a)
PADRE MIGUEL LERMA
b)
Padre Domingo Perez
c)
Padre Meliton Mariano
d)
Pari Christopher Salvatierra
101.
Sino ang huling paring nanungkulan sa parokya ng Orion katulong si Padre Julian Misol?
a)
Padre Ulpiano Herrero
b)
Padre Miguel Lerma
c)
Padre Domingo Perez
d)
Padre Meliton Mariano
102.
Ito ang dating visita ng Abucay
a)
Balanga
b)
Orani
c)
Bagac
d)
Dinalupihan
103.
Isa sa mga naging kura paroko ng Balanga ay si _________ na sa Puerto Rivas nagtira. Marami siyang katangi-tanging nagawa sa Puerto Rivas kaya ang pook na iyon ay ipinangalan sa kanya. Sino siya?
a)
Padre Benito Rivas
b)
Padre Raymond Rivas
c)
Padre Melito Rivas
d)
Padre Puerto Rivas
104.
Ito ay naging nagsasariling sentro ng misyon ng Iglesia Apostolika Romana noong taong 1714. Sakop nito ang Hermosa at Dinalupihan.
a)
Orani
b)
Orion
c)
Bagac
d)
Abucay
105.
Sinasabing ang mapagmaghimalang Imahen ng Mahal na Birhen del Rosario ay dinala sa Bataan ng mga misyonerong Dominiko noong 1587. Nililok ito ng isang dating aliping Griyego na si _____ noong 1360.
a)
Parek Morey
b)
Pareng Derek
c)
Parek Money
d)
Parek-parek
106.
Anong klase ng puno, ayon sa matatanda, natagpuan ang imahen ng mahal na Birhen del Rosario?
a)
punong kamatsile
b)
punong mangga
c)
punong acasia
d)
puno ng sampalok
107.
Ilang beses inihatid ang imahen sa Samal ngunit sa kinaumagahan ay muling natatagpuan sa ilalim ng kamatsileng ito kaya dito na ipinagpatayo ng dambana ng Mahal na Birhen?
a)
3 beses
b)
2 beses
c)
4 na beses
d)
5 beses
108.
Ito ang isa sa pinakaunang ugat ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
a)
Birhen del Rosario ng Orani
b)
Santa Catalina de Sienna
c)
San Juan Bautista
d)
Santo Domingo de Guzman
109.
Matatagpuan dito ang isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas na kung saan itinayo sa pamamagitan ng sapilitang paggawa.
a)
Bagac
b)
Dinalupihan
c)
Hermosa
d)
Orion
110.
Nang dumating si Padre Rodrigo de San Miguel sa Bagac, siya ay nakatagpo ng mga 1,500 binyagan. Nagpatayo siya rito ng isang magandang kumbento na tinawag niyang ________.
a)
Kumbento ng Luzon
b)
Kumbento ng Visayas
c)
Kumbento ng Bagac
d)
Kumbento ng Mindanao
111.
Siya ang sinasabing unang Pilipinong nakipagkita kay Papa Urban VIII.
a)
D. Miguel de Calimbas
b)
Parek Morey
c)
Tomas Pinpin
d)
Padre Benito Rivas
112.
Nang dahil sa nangyaring pagpatay kay Padre Varas ng Hermosa, si Padre Jose San Juan nang may maramdamang panganib ay dumaan sa bintana ngunit siya ay bumagsak sa kamay ng mga rebelde. Dinala siya sa bundok ng kung tawagin ay _______ at doon siya ay pinatay. Pinutol ang ulo ng pari at isinabit sa sanga ng punungkahoy upang kainin ng mga ibon.
a)
Ibabao
b)
ilalim
c)
sagigilid
d)
namamahay
113.
Kinilala ang ______ sa karangyaan at kabanalan ng pagbibinyag at paglilibing. Dahil sa pagkakaloob ng mga mamamayan sa mga kura paroko ng malalawak na lupain, kinilalang PINAKAMAYAMANG PAROKYA ang _____sa buong lalawigan.
a)
HERMOSA
b)
DINALUPIHAN
c)
BAGAC
d)
ORANI
114.
Noong Nobyembre 20, 1896, si PADRE DAVID VARAS ng Hermosa ay hinuli at pinutulan ng kamay sa plasa. Pinagmartsa siya hanggang Dinalupihan at doon ay itinali siya sa isang puno. Anong puno ito?
a)
puno ng Calumpang
b)
puno ng kamatsile
c)
puno ng ipil-ipil
d)
puno ng sampalok
115.
Sino ang sumaksak sa dibdib ni PADRE DAVID VARAS ng HERMOSA?
a)
Marcos Lucban
b)
Mariano Medina
c)
D. Miguel de Calimbas
d)
Padre Benito Rivas
116.
Siya ang kumuha ng malaking gulok at tinagpas ang ulo at tinadtad ng taga ang katawan ng paring si PADRE DAVID VARAS. Sino siya?
a)
Mariano Medina
b)
Marcos Lucban
c)
D. Miguel de Calimbas
d)
Padre Benito Rivas
117.
Siya ang kauna-unahang paring misyonerong nakarating sa Mariveles noong 1578.
a)
Padre Sebastian de Baesa
b)
Padre Ulpiano Herrero
c)
Padre Miguel Lerma
d)
Padre Domingo Perez
118.
Ayon sa "Datos Facilitados por el Presidente Municipal ala Secretaria Ejecutivo" noong Agosto 21, 1811, inulat ni Presidente Municipal valentin Semilla y Guevarra na ang mga katutubong taga-Mariveles noon ay nakatira sa isang pook na tinawag nilang ________. Dito nila ginaganap ang kanilang pagsamba sa "BALONG ANITO"
a)
samento
b)
simento
c)
cement
d)
samenta
119.
Sino ang unang Kastilang misyonerong tumigil sa bayan ng Mariveles na isang Agustino-Recoleto?
a)
Padre Miguel de Santa Maria
b)
Padre Sebastian de Baesa
c)
Padre Ulpiano Herrero
d)
Padre Miguel Lerma
120.
Ano ang dahilan ng naging kamatayan ni Padre Miguel de Santa Maria na unang Kastilang misyonerong tumigil sa bayan ng Mariveles?
a)
pambabato ng mga katutubo habang nagsesermon
b)
pagbaril ng mga katutubo
c)
pagsaksak
d)
pagtaga ng gulok
121.
Itinayo ang unang simbahan sa ____ ngunit ito'y pinagnakawan at sinunog ng masasamang-loob.
a)
samento
b)
simento
c)
cement
d)
samenta
122.
Dahil sa mga pananalantang ng mga katutubo, kinailangang magtayo ng mga kuta sa piling lugal sa samento sa Mariveles. Ang isa ay itinayo sa_____, isa sa mga dalampasigan at ang isa ay sa likod ng gusaling munisipal.
a)
Punta Kamaya
b)
Balong Anito
c)
Anvaya Cove
d)
dagat
123.
Noong ika-4 ng Hulyo, 1887, iminungkahi ni PADRE RAMON RAIXACH na ang LIMAY, na sakop noon ng ORION ay gawing isang ______ sapagkat ito ay may kalayuan sa Orion.
a)
mission station
b)
evacuation center
c)
arsenal
d)
tambayan
124.
Yari saan ang kauna-unahang simbahang itinayo sa parokya ng Limay?
a)
yari sa pawid at kahoy
b)
yari sa marmol
c)
yari sa tisa
d)
yari sa purong pilak
125.
Anong taon nagsimula ang pormal na edukasyon sa Bataan?
a)
1587
b)
1571
c)
1754
d)
1895
126.
Nagsimula ang pormal na edukasyon sa Bataan taong 1587 sa pamamahala nino?
a)
Padre Pedro Balańos
b)
Padre Sebastian de Baesa
c)
Padre Ulpiano Herrero
d)
Padre Pedro Balanos
127.
Kailan nagkaroon ng imprenta sa Abucay?
a)
1610
b)
1607
c)
1571
d)
1754
128.
Sino ang sumulat ng Arte y Reglas de la Lengua Tagala?
a)
Padre Fray Francisco de San Joseph
b)
Padre Pedro Balańos
c)
Padre Sebastian de Baesa
d)
Padre Ulpiano Herrero
129.
Siya ang sumulat ng Librong Pag-aaralan ng mga Tagalog ng Wikang Kastila
a)
Tomas Pinpin
b)
Padre Fray Francisco de San Joseph
c)
Padre Sebastian de Baesa
d)
Padre Ulpiano Herrero
130.
Noong taong 1876, ilang mamamayan ang bumubuo sa Bataan?
a)
36, 086
b)
36860
c)
36000
d)
38680
131.
Sino ang sinasabing UNANG GURONG PILIPINO sa ABUCAY?
a)
Urbano Limcangco
b)
Josefa Llanes Escada
c)
Princess Gamban
d)
Mary Noreen Songco
132.
Sinasabing si Urbano Limcangco ang UNANG GURONG PILIPINO sa ABUCAY. Magkano ang tinanggap nyang sahod sa isang buwan?
a)
P11.00
b)
P12.00
c)
P25.00
d)
P9.00
133.
Si Urbano Limcangco ay si MAESTRONG BANO sa mga taga-ABUCAY. Siya ay namatay noong 1902 sa sakit na ano?
a)
kolera
b)
kinulam
c)
bato
d)
kanser
134.
Sino itong pari na ito na pinagsumikapang maitayo ang paaralan na yari sa bato at ginawang dalawang palapag?
a)
Padre Meliton Moreno
b)
Padre Miguel Porteli
c)
Padre Fray Francisco de San Joseph
d)
Padre Sebastian de Baesa
135.
Sinasabing pinakamahusay ang paaralan sa bayan ng ______ sa buong lalawigan sa panahong ito ng mga Kastila?
a)
Hermosa
b)
Dinalupihan
c)
Orani
d)
Abucay
136.
Utang naman kay ______ sa pagpapatayo ng paaralan sa bayan ng Orion.
a)
Padre Ulpiano Herrero
b)
Padre Meliton Moreno
c)
Padre Miguel Porteli
d)
Padre Manuel Pastor
137.
Saan naitatag ang unang paaralang publiko? Ito'y matapos maipahayag ni Jose dela Concha ang batas na walang bayad na edukasyon noong 1863.
a)
Orani
b)
Hermosa
c)
Dinalupihan
d)
Abucay
138.
Si Bb. Trinidad Moreno ay isa sa mga gurong nagtapos sa Paaralang Normal sa Maynila at kilala sa tawag na _____.
a)
Maestrang Trining
b)
Maestrang Moreno
c)
Maestrang Tililing
d)
Maestrang Trinining
139.
Sa mga kataasang-lugar , tuwing tag-ulan lamang sila nakapagtatanim ng palay at ito ay sa paraang _____ o sahod-ulan
a)
paraang pabakal
b)
paraang pakabal
c)
paraang patanim
d)
paraang barter
140.
Ito ang pumapangalawang produkto pang-agrikultura sa Bataan ayon kay Buzeta.
a)
tubo o cańa dulce
b)
mais
c)
palay
d)
tabako
141.
Kapag dumarating ang buwan ng Oktubre o Nobyembre, inihahahanda ng mga magsasaka ang kanilang lupa para matamnan ng tubo. Ilang ulit nilang inaararo ang lupa?
a)
apat na ulit
b)
limang ulit
c)
tatlong ulit
d)
dalawang ulit
142.
Pinuputol ng mga magsasaka ang tibtib ng tubo nang 10 sentimetro mula sa huling buko, pagkatapos ay ibababad sa tubig ng DALAWANG ARAW. Tinatakpan nila ito ng _____ upang bumilis ang pag-uugat at pagkatapos ay ililipat sa kalakhan ng bukid.
a)
dayami
b)
dahon ng saging
c)
anahaw
d)
tubo
143.
Ang mga sumusunod ay pwedeng gawin sa tubo MALIBAN SA ____
a)
krema
b)
panotsa
c)
kariba
d)
ginaok
144.
Ito'y mga halamang pinagkukunan ng tina na pangkulay sa damit.
a)
tintaron at ańil
b)
tabako at kakaw
c)
abaca at tabako
d)
tintaron at tabako
145.
Sinabi ni Senor VIDAL sa _______ na ang Bataan ang may pinakamaraming lisensyadong lagarian at pinakamaraming trosohan sa lahat ng lalawigan sa buong Pilipinas., sa kabila ng pagkakaingin ng mga mamamayan.
a)
Manual de Maderero
b)
Manual
c)
Maderero
d)
tintaron at ańil
146.
Ang balat nito ay ginagamit sa panlinis ng buhok
a)
baging ng gugo
b)
yantok
c)
buho
d)
kawayan
147.
Bilihan ng PAWID ang mga bayan ng _____ at _____.
a)
Orani at Hermosa
b)
Dinalupihan at Hermosa
c)
Bagac at Orion
d)
Orani at Dinalupihan
148.
Pangkaraniwan sa mga ilog at baybay-dagat ang _____ kaya itinatag ang Commandencia Heneral de Marina noong Nobyembre 7, 1846 upang maiwasan ang mga sakunang dulot nito sa nabigasyon
a)
baklad
b)
lambat
c)
harang
d)
daungan
149.
Ang Ilog-Talisay ay matatagpuan saan?
a)
Balanga
b)
Orani
c)
Hermosa
d)
Mariveles
150.
Ang elektrisidad ay likha ng mga platang pinatakbo nang mabilis na agos ng mga ilog tulad ng Ilog Talisay sa Balanga na sa simula ay tinawag na _____ at ______.
a)
Ogong at Ilog-Calaguiman
b)
Ugong
c)
Ilog Almacen
d)
Ogong at Ilog Almacen
151.
Karaniwang inuuling ng mga taga-BATAAN ang mga sumusunod MALIBAN sa ______
a)
mangga
b)
bayabas
c)
kakawati
d)
bakawan
152.
Ilang pagawaan ng palayok ang mayroon sa lalawigan?
a)
7
b)
6
c)
5
d)
4
153.
Nagkaroon dito ng DALAWANG PLANTANG pagawaan ng ASUKAL.
a)
Abucay
b)
Balanga
c)
Orani
d)
Hermosa
154.
Dahil malapit sa dagat ang mga pamayanan sa Abucay, bukod sa PANGINGISDA, ang _____ ay naging isang mahalagang hanapbuhay sa bayang ito.
a)
paggawa ng asin
b)
paggawa ng araro
c)
paggawa ng pawid
d)
paghahabi ng tela
155.
Ang mga sumusunod ay mga pinagkakakitaan ng mga taga-ABUCAY MALIBAN sa _____
a)
pagtotroso
b)
paggawa ng asin
c)
paggawa ng bangka
d)
paggawa ng bagoong at tinapa
156.
Ang mayamang karagatan sa BAGAC ay balitang-balita noon na pangitlugan ng _______ o bangus na malaki na ang mga binhi o similya ang siyang pinakakawalan sa mga palaisdaan upang maging bangus.
a)
isdang sabalo
b)
isdang tuna
c)
isdang tilapya
d)
isdang galunggong
157.
Ano ang tawag sa mga taong gumagawa ng bangka sa ABUCAY?
a)
anluwagi-atsero
b)
kartero
c)
bangkero
d)
tindero
158.
Ang ilog Talisay na matatagpuan sa Balanga ay tinatawag ding _______.
a)
Ogong
b)
Ugong
c)
Gong
d)
Guong
159.
Ang mga sumusunod ay mga pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa HERMOSA, noong mga unang taon ng pagkakatatag MALIBAN SA ______.
a)
pagtitinda ng ice cream
b)
paggawa ng pawid mula sa dahon ng sasa
c)
pagraraheta ng mga kahoy-panggatong
d)
pagtotroso
160.
Matatagpuan sa kabundukan ng Hermosa ang mga punong ito na ginamit sa paggawa ng bangka at barko.
a)
Tanguile at Lauan
b)
Acasia
c)
Kamagong at Kamachile
d)
Narra at Molave
161.
Ang tawag sa lugar na ito ay BAYAN ng KASAPATAN
a)
Orion
b)
Samal
c)
Orani
d)
Hermosa
162.
Ang mga sumusunod ay ang tatlong uri ng industriya na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga-PILAR MALIBAN SA_____.
a)
pagkokonstruksyon
b)
pangingisda
c)
pagsasaka
d)
paglalala
163.
Sa bayang ito ay may nakatayong pagawaan ng tela at pagawaan ng mga palayok, paso at tapayan na imbakan ng asukal.
a)
Samal
b)
Orani
c)
Orion
d)
Morong
164.
Muling ipinamalas ng mga taga-Bataan ang kanilang katapangan sa naganap na pagbabangon noong ________, nang ang lalawigan ay nasa ilalim pa ang pamamahala ng Pampanga. Nagpulong ang konseho ng mga Mayor nang di alam ng Alkalde Mayor tungkol sa pagmamalabis sa tungkulin at kapangyarihan, kakulangan ng sahod ng mga katiwala at kawalan ng sapat na pagkain ng mga manggagawa.
a)
Setyembre 1, 1660
b)
Setyembre 11, 1660
c)
Setyembre 16, 1660
d)
Setyembre 1, 1690
165.
Petsa ng kamatayan ng GOMBURZA
a)
Pebrero 17, 1872
b)
Setyembre 1, 1660
c)
Pebrero 17, 1972
d)
Pebrero 14, 1872
166.
Ang himagsikan sa Bataan ay nahahati sa TATLONG PANAHON at ito ang mga sumusunod .. Alin ang HINDI kasali sa tatlong panahon na ito?
a)
panahon ng pakikipaglaban laban sa lahat ng klase ng tao
b)
panahon ng pagtatatag at kanya-kanyang pakikipaglaban sa mga Kastila
c)
panahon ng panlalawigang pagkakaisa sa ilalim ng panlalawigang pamunuan
d)
panahon ng "pagsuko" o pagsasalong ng sandata sa pamahalaang itinatag ng Amerikano
167.
Dito nangyari ang UNANG SAGUPAAN sa BATAAN. Nagkaisa ang mga mamamayan na magpatayo ng isang kapilya sapagkat malayo ang simbahan sa kabayanan ngunit ito ay sinunog ng mga Kastila.
a)
Kabalutan sa Orani
b)
Tala, Orani
c)
Nagbalayong, Morong
d)
Luacan, Dinalupihan
168.
Naging malupit ang mga Kastila sa Mariveles. Noong 1896, isang nagngangalang ________ ang binaril ng mga Kastila sa bintang na isang rebelde, dahil lamang siya ay nagbuhat sa Naic, Cavite
a)
Macario Trinidad ng Lucanin
b)
Roberto Rodriguez
c)
Isabelo Simbol
d)
Apolonio Balan
169.
Isa syang taga-Tapulao na namundok laban sa Kastila. Madalas siyang lumusob sa bayan upang lumaban sa pamahalaang Kastila.
a)
Roberto Rodriguez
b)
Macario Trinidad ng Lucanin
c)
Isabelo Simbol
d)
Apolonio Balan
170.
Ang mga sumusunod ay mga taga TAPULAO na matatapang na rebelde at lumaban sa Kastila MALIBAN KAY____.
a)
Pedro Mina
b)
Isabelo Simbol
c)
Apolonio Balan
d)
Roberto Rodriguez
171.
Ang mga sumusunod ay mga taga HERMOSA na kabilang sa isang pangkat ng katipunan MALIBAN KAY ____.
a)
Apolonio Balan
b)
Marcos Tantiangco
c)
Pedro Mina
d)
Marcelo Arellano
172.
Sino itong isang abusadong pinuno na pinalaki ang garison sa Mariveles. Ipinag-utos niya na lahat ng naninirahan sa Mariveles ay magdilig ng tubig sa daan sa bawat harap ng kanilang bahay o tindahan. Pagdaan niya nang nakakabayo at napuna niya na hindi ayos ang pagkakadilig ng dinaraanan niya, ang may-ari ng katapat na bahay ay ibinibilanggo at pinarurusahan. Sino siya?
a)
Ten. Juan Pavon
b)
Ten. Juan Dominguez
c)
Urbano De Guzman
d)
Justo Carlos Gabaya
173.
Noong 1896, mula sa Corregidor ay dumating sya sa CABCABEN, MARIVELES. Sino siya?
a)
Francisco Dinglas
b)
Teodoro Barkase
c)
Ciriaco Ramos
d)
Florentino Llagas
174.
Noong 1896, mula sa Corregidor ay dumating si Francisco Dinglas sa CABCABEN, MARIVELES na gumamit ng nom de plum o sagisag na __________.
a)
WALANG SUGAT
b)
MAY SUGAT
c)
ISANG SUGATAN
d)
WALANG SAGISAG
175.
Isa pa ring pangkat ng naghihimagsik noong 1897 ang binuo nina Florentino Llagas, Deogracias Rojas, Vicente Angeles at Ciriaco Ramos. Ginawa nilang himpilan ang ______ kung saan ang katiwala roon ay kanilang itinapon sa dagat ngunit nakalangoy ang katiwala at nagsuplong sa mga Kastila, nadakip ang mga pinuno, at si Llagas ay ginutom hanggang sa mamatay sa bilangguan
a)
Sisiman
b)
Cabcaben
c)
Balong Anito
d)
Lucanin
176.
Siya ang naging tagapagtatag ng Katipunan sa BAGAC.
a)
Jose Noriega
b)
Ildefonso Batol
c)
Francisco Dinglas
d)
Teodoro Barkase
177.
Ano ang tawag sa pangkat ng kabataang kalalakihan sa ORION na sinanay ni URBANO DE GUZMAN sa sining ng pakikipaglaban?
a)
Pangkat-Dampulan
b)
Pangkat-etniko
c)
Pangkat-pangkat
d)
Pangkat-Dampol
178.
Sino ang nagsanay sa PANGKAT-DAMPULAN - pangkat ng kabataang kalalakihan- para sa sining ng pakikipaglalaban (manu-mano at arnis)?
a)
Urbano de Guzman
b)
Jose Noriega
c)
Ildefonso Batol
d)
Francisco Dinglas
179.
Tinawag na DAMPULAN ang mga kabataang kalalakihan sa ORION na sinanay ni URBANO DE GUZMAN sa sining ng pakikipaglaban dahilan sa kasuutan nilang DINAMPOL NA SALAWAL. Ano ba ito?<br />
a)
pinakuluan sa nigi at bakawan
b)
pinakuluang mais
c)
pinakuluan sa kalan
d)
pinakulang tubig
180.
Ito ang naging unang mga kasapi ni VICTOR BALTAZAR sa kanyang pangkat ng Katipunan sa ORION.
a)
Pangkat-DAMPULAN
b)
Pangkat-etniko
c)
Pangkat-pangkat
d)
Pangkat-Dampol
181.
Anong sining ng pakikipaglaban ang sinanay ni URBANO de GUZMAN sa PANGKAT DAMPULAN?
a)
manu-mano at arnis
b)
suntukan at sipaan
c)
taga at saksak
d)
manu-mano at barilan
182.
Ang UNANG LABANAN na ang apoy ay di na nagbawa, bagkus ay lalo pang nagpaalab sa damdamin ng paghihimagsik ay ang labanan ng Katipunan at Guwardiya Sibil sa _________, nayon sa Balanga. Ito rin ang naging daan ng UNANG UGNAYAN ng mga pangkat ng Katipunan sa BATAAN.
a)
Puerto Rivas
b)
Tenejero
c)
Kabalutan
d)
Ibaba
183.
Ito ay isang bayan sa kabila ng Look ng Maynila na madalas pundohan ng mga mangingisda sa ABUCAY, PUERTO RIVAS at ORION.
a)
Salinas
b)
Naic
c)
Corregidor
d)
Balanga
184.
Sa lilim ng anong puno madalas sanayin ni Heneral Inggo ang kanyang mga tauhan sa pakikidigma at disiplina militar? Ito ay nasa maliit na pulo ng TORTUGAS na kalapit ng PUERTO RIVAS.
a)
punong niyog
b)
punong camachile
c)
punong acasia
d)
puno ng Calumpang
185.
Siya ang Heneral ng mga Katipunero sa MORONG at nagpahayag ng pagkilala kay Heneral Inggo Alonzo bilang PINAKAMATAAS NA PINUNO NG HIMAGSIKAN SA BATAAN.
a)
Gregorio Gonzales
b)
Justo Carlos Gabaya
c)
Urbano de Guzman
d)
Jose Noriega
186.
Siya ang kinilalang pinakamatas na pinuno ng himagsikan sa Bataan.
a)
Heneral Inggo Alonzo
b)
Gregorio Gonzales
c)
Justo Carlos Gabaya
d)
Urbano de Guzman
187.
Iilan-ilan ang mga baril ng Katipunero nang sumalakay sila sa Balanga ngunit dahil sa magaling na istratehiya ni Heneral Inggo, sa dami ng bilang ng mga nakapaligid sa kwartel, at sa tulong ng mga gawa nilang __________, napipilan nila ang mga nasa kwartel. ITO ANG MGA KATUTUBONG BAKAL NA PINATIBAY NILA SA NAKAIKID NA ALAMBRE
a)
lantaka
b)
lubid
c)
baril-barilan
d)
gulok
188.
Masasabing sa buong Pilipinas, BATAAN ang UNANG LALAWIGANG NAKAPAGPASUKO ng isang ____________ noong rebolusyon laban sa Espanya.
a)
Alkaldeng Kastila
b)
Cabeza de Barangay na Kastila
c)
Presidente
d)
Mayor na Kastila
189.
Ang UNANG PAGBAGSAK NG BATAAN ay ang nangyari noon sa Balanga at Abucay sa pamumuno ni Heneral Inggo , ang PANGATLONG PAGBAGSAK NG BATAAN ay naganap noong ______.
a)
1942
b)
1571
c)
1754
d)
1943
190.
Sino ang supremo heneral ng ORANI?
a)
Mariano Medina
b)
Jose Noriega
c)
Gregorio Gonzales
d)
Francisco Dinglas
191.
Nang salakayin ni Heneral Inggo ang kwartel sa Balanga, humingi ng saklolo si Koronel Bacquero at bilang tugon sa panawagang ito, may 50 kawal-Kastila na may makabagong ripleng "muzzer" ang lulan ng __________, ang dumaong sa PANTALANG LUMA, isang baryo ng ORANI sa Tabing look.
a)
Dońa Dominga
b)
Dońa Corazon
c)
Don Pepot
d)
Don Facundo
192.
Si VICENTE LOPEZ y SEVILLA ay isang Kastilang naninirahan sa ORANI, ang nagdagdag ng pagmamalabis sa mga taga-ORANI. Sinunog niya ang _________.
a)
PANTALANG-LUMA
b)
Tala, Orani
c)
Vista Tala
d)
Kabalutan, Orani
193.
Ang Massacre sa Orani ay naganap sa isang nayon nito. Saan eksaktong nangyari ito?
a)
PANTALANG-LUMA
b)
Tala, Orani
c)
Vista Tala
d)
Kabalutan, Orani
194.
Ano ang tawag sa pangyayari sa kasaysayan na kung saan ang sabi ng isang nakasaksi ay " PUMUPULANDIT ANG DUGO SA NATAGPAS NA LEEG. ANG NAKALUHOD NA BIHAG, WALA NANG ULO, AY TATAYO AT TATAKBO NG ILANG HAKBANG SAKA MABUBUWAL." Ito ang tinagurian sa kasaysayang Pilipino na ________.
a)
Massacre sa SAMAL
b)
Massacre sa ORANi
c)
Cope de Mariveles
d)
Massacre sa BAGAC
195.
Siya ang kinilalang Puno ng Rebolusyonaryo sa Zambales.
a)
Mariano Medina
b)
Gregorio Gonzales
c)
Justo Carlos Gabaya
d)
Urbano de Guzman
196.
Siya ay isang edukadang babae na nagtapos sa isang kolehiyong pambabae sa Maynila na kaagad nagtaas ng isang malaking bandilang puti bilang sagisag ng pagsuko. Siya ang patuloy na nakiusap na patawarin na ng mga Katipunero ang mga taga-HERMOSA
a)
Tandang Sula
b)
Tandang Sora
c)
Aling Sule
d)
Tandang Pananong
197.
Ano ang hinipan ni Heneral Mariano Medina bilang hudyat sa mga rebolusyonaryo ng pag-alis sa bayan ng Hermosa?
a)
tambuli
b)
kandila
c)
plawta
d)
hangin
198.
Si Padre David Varas na kura paroko ng Hermosa ay pinugutan ng ulo ng grupo ng mga katipunero sa pamumuno ni Heneral Medina. Isinabit nila ang ulo ng prayle sa _______.
a)
puno ng Calumpang
b)
puno ng kamatsile
c)
puno ng acasia
d)
puno ng niyog
199.
Siya ang tagapag-ugnay sa himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo at tagabili ng sandatang dala ni Aguinaldo na bagong dating mula sa Hongkong.
a)
Rafael Echevarria
b)
Antonio Mendoza
c)
Tenyente Juan Dominguez
d)
Tenyente Juan Pavon
200.
Siya ang pangulo ng kilusan sa Mariveles.
a)
Antonio Mendoza
b)
Rafael Echevarria
c)
Tenyente Juan Dominguez
d)
Tenyente Juan Pavon
201.
Napagkayarian ng mga pangkat ng mga rebolusyonaryo sa Mariveles na iuna ng isang araw- sa ikaw 28- ang pagsalakay. Dahil dito binansagan tuloy ang Bataan ng _______.
a)
Bataang Maagap
b)
Batang Maagap
c)
Bataang Masipag
d)
Batang Masipag
202.
Ang Copo de Mariveles ay tinatawag ding _______.
a)
Coup d' etat sa Mariveles
b)
Tambulan
c)
Barilan sa Mariveles
d)
Massacre sa Mariveles
203.
Siya ang pinuno ng himagsikan sa BAGAC.
a)
Jose Noriega
b)
Rafael Echevarria
c)
Antonio Mendoza
d)
Mariano Medina
204.
Siya ang tinaguriang Bayani ng Calumpit na taga-Hermosa
a)
Pedro Mina
b)
Domingo Alonzo
c)
Jose Noriega
d)
Mariano Medina
205.
Sino itong piping saksi ng karahasan at lagim sa Morong, kasama siya noon ng kanyang ina sa pagsisimba at nasaksihan ang pangyayari. Ayon sa kanya, sa galit ng mga Kastila sa mga Pilipino dahil sa kalapastanganang naganap sa simbahan, tinipon ang lahat ng may sakit na KOLERA at BULUTONG sa bayan at ang mga ito ay sama-samang sinunog nang buhay.
a)
Melito de Jesus
b)
Pedro Mina
c)
Rafael Echevarria
d)
Antonio Mendoza
206.
Anong pangyayari ito na kung saan ay matatandaang ang mangangaso sa gubat ang humahabol sa isang usa , napana nya ito ngunit ito ay umabot pa sa loob ng simbahan at doon ay nabuwal. Ang usa ay dinala sa plaza para doon ito katayin at doon tumunog ang tambol at sinalakay ng mga katipunero ang mga Kastila.
a)
Massacre sa BAGAC
b)
Massacre sa ORANI
c)
Copo Mariveles
d)
Massacre sa SAMAL
207.
Pangalawa ito sa pinakamatandang simbahan sa buong Pilipinas.
a)
Parokyang Sto. Domingo de Guzman
b)
Parokya ng Sta. Catalina de Sienna
c)
Parokya ng San Pedro de Varona
d)
Parokya ng San Juan Bautista
208.
Sa patyo ng parokya ng Sto. Domingo de Guzman nangyari ang __________ ng halos lahat ng taga Abucay.
a)
Dutch Massacre
b)
Copo De Mariveles
c)
Massacre sa Bagac
d)
Massacre sa Samal
209.
Ang kinakandiling parokya ng Nuestra Seńora del Pilar sa bayan ng Pilar ay kapansin-pansing nakaharap sa ______, tulad ng sa Morong.
a)
Kanluran
b)
Hilaga
c)
Timog<br />
d)
Silangan