NEW
Font size
WorksheetsEPP - AGRICULTURE WEEK 3-5
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitakbitak, nararapat na haluan ito ng mga organikong bagay gaya ng binulok (decomposed) na mga halaman tulad ng mga sumusunod maliban sa isa.
tinabas na damo
dayami
mainit na tubig
dumi ng hayop
Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay mabuhaghag.
Piko
Asarol
Pala
Itak
Ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran. Tinitipon nito ang mga kalat sa halaman tulad ng mga dahong tuyo, tuyong damo, at iba pang kalat. Maaari din itong gamitin sa pag-aalis ng malalaki at matitigas na tipak ng lupa at bato sa taniman.
Asarol
Kalaykay
Regadera
Tulos at Pisi
Ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin ang mga malalaking tipak na bato.
Regadera
Dulos
Kalaykay
Piko
Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng mga punla.
Pala
Dulos
Kalaykay
Asarol
Ginagamit ito sa pagdidilig. Ito’y may mahabang lagusan ng tubig na may maliit na butas sa dulo.
Regadera
Compost
Kalaykay
Piko
Ito’y ginagamit sa paglilipat ng lupa. Ginagamit din ito sa paghuhukay ng butas o kanal sa lupa at pagsasaayos ng lupa sa tamang taniman.
Pala
Dulos
Piko
Itak
Ito ay pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking halaman.
Kalaykay
Pilo
Dulos
Itak
Ang mga ito ay ginagamit na gabay sa paggawa ng mga hanay sa tamang taniman sa pagbubungkal ng lupa. Tinutusok ang may tulos sa apat na sulok ng lupa at tinalian ng pisi upang sundin bilang gabay.
Kalaykay
Asarol
Tulos at Pisi
Pala
Ito ay ang mga halaman na pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o pampapaganda ng lugar.
Halamang Ornamental
Organikong Halaman
Artipisyal na Halaman
Non organic na Halaman
