NEW
Font size
WorksheetsAplikasyon (2PMSE06)
Total questions: 15
Worksheet time: 75secs
1. Nagluto ng adobo si Donato para sa mga bata.
A. Kaganapang Tagaganap
B. Kaganapang Tagatanggap
C. Kaganapang Layon
D. Kaganapang Ganapan
2. Naglalako siya sa palengke ng mga kakanin.
A. Kaganapang Ganapan
B. Kaganapang Tagaganap
C. Kaganapang Kagamitan
D. Kaganapang Direksyunal
3. Napaiyak si Joshua dahil sa matinding pagkadismaya.
A. Kaganapang Tagaganap
B. Kaganapang Kagamitan
C. Kaganapang Sanhi
D. Kaganapang Ganapan
4. Nagwawalis ng bakuran si Kardo sa pamamagitan ng walis tambo.
A. Kaganapang Ganapan
B. Kaganapang Tagaganap
C. Kaganapang Direksyunal
D. Kaganapang Kagamitan
5. Tumanggap ng parangal ang ale.
A. Kaganapang Tagatanggap
B. Kaganapang Tagaganap
C. Kaganapang Layon
D. Kaganapang Kagamitan
6. Pinagalitan ni Aling Romina ang kaniyang anak.
A. Kaganapang Tagaganap
B. Kaganapang Tagatanggap
C. Kaganapang Sanhi
D. Kaganapang Layon
7. Pumunta sa paaralan si Cassie.
A. Kaganapang Ganapan
B. Kaganapang Tagaganap
C. Kaganapang Direksyunal
D. Kaganapang Kagamitan
8. Namili ng mga mamahaling alahas si Daniella.
A. Kaganapang Tagaganap
B. Kaganapang Tagatanggap
C. Kaganapang Kagamitan
D. Kaganapang Layon
9. Kinakausap ni Inay ang batang makulit.
A. Kaganapang Tagatanggap
B. Kaganapang Tagaganap
C. Kaganapang Sanhi
D. Kaganapang Layon
10. Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral para sa pagdating ng mga panauhin.
A. Kaganapang Layon
B. Kaganapang Tagatanggap
C. Kaganapang Tagaganap
D. Kaganapang Ganapan
11. Pinitas ni Karla ang mga pulang rosas sa hardin.
A. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Layon
C. Pokus sa Ganapan
D. Pokus sa Direksyon
12. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan.
A. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Kagamitan
C. Pokus sa Tagatanggap
D. Pokus sa Sanhi
13. Ipinangguhit ko sa papel ang mga krayolang ito.
A. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Kagamitan
C. Pokus sa Tagatanggap
D. Pokus sa Sanhi
14. Ikinatuwa ni Paul ang pagdating ni Pola.
A. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Kagamitan
C. Pokus sa Tagatanggap
D. Pokus sa Sanhi
15. Si Dr. Jose P. Rizal ang sumulat ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere.
A. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Kagamitan
C. Pokus sa Tagatanggap
D. Pokus sa Sanhi
