wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Worksheet 2 Aral Pan 9 4th Quarter

Total questions: 25

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Sa anong subsektor ng paglilingkod kabilang ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga bangko, sanglaan, kooperatiba at iba pang institusyong pampinansyal?

a)

Pammpublikong Paglilingkod

b)

Pananalapi

c)

Kalakalan

d)

Transportasyon, komunikasyon at imbakan

2.

Kabilang sa sektor na ito ang lahat ng serbisyo o trabahong ipinagkakaloob ng pamahalaan.

a)

Pampublikong Paglilingkod

b)

Paupahang bahay at real estate

c)

Kalakalan

d)

Pampribadong paglilingkod

3.

Mga trabaho o serbisyong ipinagkakaloob ng pribadong sektor

a)

Pananalapi

b)

Pampribadong Paglilingkod

c)

kalakalan

d)

Transportasyon, komunikasyon at imbakan

4.

Mga trabaho o serbisyong may kaugnayan sa pagpapalitan ng kalakal at serbisyo

a)

Paupahang bahay at real estate

b)

Pananalapi

c)

Kalakalan

d)

Pampublikong paglilingkod

5.

Ang persepsiyon o paniniwala na may mga trabaho o katangian na nakalaan sa ispesipikong kasarian lamang ay tinatawag na

a)

Racial Discrimination

b)

Gender sensitivity

c)

Gender Stereotyping

6.

Ang tinaguriang ikatlong sektor ng ekonomiya na umaalalay sa buong proseso ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo sa loob o labas ng bansa

a)

Sektor ng Agrikultura

b)

Sektor ng Industriya

c)

Sektor ng Paglilingkod

d)

Impormal na sektor

7.

"Salamin ng maunlad na ekonomiya ang sektor ng paglilingkod na nagtataglay ng malawak na kakayahan". Ano ang maaaring mahinuha sa pahayag na ito?

a)

Makalilikha nang mas maraming kalakal at paglilingkod ang bawat kasapi ng lipunan kung nagtataglay ito ng sapat na kakayahan.

b)

Nakabatay sa dami ng bumubuo sa sektor ng paglilingkod ang kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa.

c)

Pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ang sektor ng paglilingkod.

d)

Nakadepende ang kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa sa sektor ng paglilingkod

8.

Pangunahing gampanin ng sektor ng paglilingkod

a)

Magkaloob ng mga hilaw na materyales para sa produksyon

b)

Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao

c)

Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal

d)

Magkaloob ng buwis sa pamahalaan

9.

Ang mga Pulis, Bumbero, Sundalo at lahat ng kawani ng pamahalaan ay kabilang sa anong subsektor ng paglilingkod?

a)

Paglilingkod na pampribado

b)

Paglilingkod na pampubliko

c)

Pananalapi

d)

Kalakalan

10.

Paano nakakasama sa isang manggagawa ang lipunang may pagtatangi sa isang kasarian sa larangan ng paggawa?

a)

Nalilimitahan nito ang kakayahan at dignidad ng isang tao.

b)

Labag ito sa pagkakapantay-pantay ng tao.

c)

Magdudulot ito nang higit na di-pagkakapantay-pantay sa lipunan.

d)

magdudulot ito ng kahirapan

11.

Ang isang _____ ay isang buwis kung saan

ang pagtaas ng antas ng buwis habang nadaragdagan

ang halaga ng pagbubuhos.

a)

INDIRECT TAX

b)

DIRECT TAX

c)

REGRESIBONG BUWIS

d)

PROGRESIBONG BUWIS

12.

Ito ay kabaligtaran ng progresibong

buwis, lumiliit ang porsyento ng buwis na

babayaran habang lumalaki ang kita.

a)

INDIRECT TAX

b)

DIRECT TAX

c)

REGRESIBONG BUWIS

d)

PROGRESIBONG BUWIS

13.

Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay kalakal.

a)

INDIRECT TAX

b)

DIRECT TAX

c)

REGRESIBONG BUWIS

d)

PROGRESIBONG BUWIS

14.

Buwis na ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo

a)

INDIRECT TAX

b)

DIRECT TAX

c)

REGRESIBONG BUWIS

d)

PROGRESIBONG BUWIS

15.

Ito ay ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya

upang maging matatag ang pambansang ekonomiya sa

pamamagitan ng paghahanda ng badyet.

a)

PATAKARANG PISKAL

b)

Expansionary Fiscal Policy

c)

Contractionary Fiscal Policy

d)

AD VALOREM TAX

16.

Ang pinakamalaking porsyento ng badyet ng gobyerno ay nakalaan para sa edukasyon.

a)

Serbisyong Panlipunan

b)

Pagtataguyod ng Kompetisyon

c)

Pagpapatatag ng Ekonomiya

17.

Pagpapatupad ng price freezer sa panahon ng kalamidad.

a)

Serbisyong Panlipunan

b)

Pagtataguyod ng Kompetisyon

c)

Pagpapatatag ng Ekonomiya

18.

Pagbuwag ng pamahalaan sa monopolyo sa kalakalan.

a)

Serbisyong Panlipunan

b)

Pagtataguyod ng Kompetisyon

c)

Pagpapatatag ng Ekonomiya

19.

Pagtataguyod sa mga produktong lokal.

a)

Serbisyong Panlipunan

b)

Pagtataguyod ng Kompetisyon

c)

Pagpapatatag ng Ekonomiya

20.

Pakikialam sa presyo para sa kapakinabangan ng mga konsyumer at mga prodyuser.

a)

Serbisyong Panlipunan

b)

Pagtataguyod ng Kompetisyon

c)

Pagpapatatag ng Ekonomiya

21.

Tungkulin ng pamahalaan na itaguyod at pangalagaan ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay may layuning balansehin ang ekonomiya.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Ang pangingialam ng pamahalaan sa pamilihan ay ginagawa upang maiwasan ang pagkabigo nito o tinatawag na market failure.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Ang pagtatakda ng SRP sa mga produkto at serbisyo ay nagsisilbing gabay ng mga konsyumer sa kanilang pamimili.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Nagkakaroon ng kakulangan sa suplay kapag itinatakda ng pamahalaan ang presyo.

a)

Tama

b)

Mali