NEW
Font size
WorksheetsWastong Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Kapag ang ulam ay masebo o mamantika gaya ng adobo, gumamit ng
malamig na tubig sa pababanlaw ng mga pinggan at kubyertos.
Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy, bago iligpit
ang mga kasangkapang ginamit. Sa ganitong paraan walang ipis o
daga na pupunta.
Huwag pagtuunan ng pansin sa paghuhugas ng mga baso ang paikot na bibig nito kung saan lumalapat ang ating mga labi at nalalawayan. Nandito kasi ang mga mikrobyo galing sa bibig.
Unang gawin ang paglagay sa isang lalagyan ng mga “mumu” o mga tirang pagkain. Kung mayroong aso o baboy sa kapitbahay, maaaring ibigay na lamang sa kanila ang mga tirang pagkain. Makatutulong ka pa.
Walang mikrobyo at insektong dadapo kapag hindi maayus at malinis ang mga pinaggamitan pagluluto at pinagkainan.
iayos ang mga kasangkapan tulad ng baso, pinggan at kubyertos sa lalagyan ng pagkapare-pareho.
Balawan at sabunin ang pagkasunod-sunod:
a. baso o glassware
b. plato o chinaware
c. kubyertos o silverware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa.
Itago ang mga natira o hindi naubos na pagkain at linisin ang mesa.
Hindi pinupunasan ang mga baso upang hindi lumabo.
Gamit ang maliit na palanggana na may sabon
o dishwashing liquid at espongha o sponge ay sabunin ito. Tiyaking malinis
ang mga ito bago gamitin.
