Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Long Test in Filipino 6 Q3

Total questions: 35

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Mga salitang nagbibigay - turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

a)

Pang-abay

b)

Pangngalan

c)

Pandiwa

d)

Pang-uri

2.

Mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw

a)

pang-uri

b)

pandiwa

c)

pang-abay

d)

pangatnig

3.

Mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan o panghalip.

a)

Pang-uri

b)

Pandiwa

c)

Pang-abay

4.

Pang-abay na nagsasaad ng paggalang.

a)

Pamitagan

b)

Panggaano

c)

Panturing

5.

Pang-abay na nagsasabi ng pagpayag o pagsang-ayon

a)

Pamitagan

b)

Panturing

c)

Panlunan

d)

Panang-ayon

6.

Ito ay nagsasaad ng ayos o kalagayan.

a)

Panturing

b)

Panunuran

c)

Pamaraan

7.

Pang-abay na nagpapahayag ng pasasalamat o pagkilala ng utang na loob.

a)

Pamaraan

b)

Panulad

c)

Pang-agam

d)

Panturing

8.

Katagang pang-ugnay sa dalawang magkasunod na salita na malimit ay naglalarawan at inilalarawan upang dumulas at gumanda ang tunog ng pagsasalita.

a)

Pangatnig

b)

Pang-angkop

c)

Pang-abay

9.

Bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnat at pangungusap.

a)

Pangatnig

b)

Pang-angkop

c)

Pandiwa

10.

Pang-abay na ginagamit sa paghahambing ng pang-uri o pang-abay.

a)

Panulad

b)

Inklitik

c)

Pang-agam

11.

Pang-abay na nagsasabi ng panahon ng paggawa ng kilos o kaganapan ng pang-uri.

a)

Pamaraan

b)

Panlunan

c)

Pamanahon

12.

Pang-abay na nagpapahayag ng alinlangan.

a)

Pang-agam

b)

Panulad

c)

Pamaraan

13.

Oo, nagkulang ako sa inyong mag-iina.

Anong uri ng pang-abay ang nakasalungguhit?

a)

Pamitagan

b)

Panturing

c)

Panang-ayon

14.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng ayos o kalagayan?

a)

Pampitong gumamit ng aking bolpen ang aplikanteng iyon.

b)

Patalong lumipat sa kabilang bakod ang bata.

c)

Salamat at ligtas kang nakabalik sa amin.

15.

Di -malayong magkasakit ka kapag nagpatuloy ka sa gabi-gabi mong puyat.

Ano ang ipinahahayag ng salitang may salungguhit?

a)

pagtanaw ng utang na loob

b)

pag-aalinlangan

c)

pagsang-ayon

16.

Punan ng wastong pangatnig.

Kumain kang mabuti __________ lumusog ang katawan mo.

a)

para;upang

b)

kaya

c)

dahil

17.

Ang sarap sarap ng kinakain mo (a)   ako'y nagdidildil ng asin.

18.

__________ mo inaalagaan ang iyong mga magulang, _________ ang gagawin sa iyo ng mga anak mo.

a)

Kung ano, siya rin

b)

Kung paano, gayon din

c)

Kung gaano, gayon din

19.

_______________ lumigaya na rin si Cinderella.

a)

Sa lahat ng ito

b)

At sa wakas

c)

nang

d)

Sa bagay na ito

20.

_____________ isa kang mabait na anak, pinagpapala ka ng Diyos.

a)

Sapagkat

b)

Para

c)

Upang

21.

__________ makita mo si John Lloyd, pakisabing umuwi muna siya.

a)

Kasi

b)

Habang

c)

Sakali

22.

Gusto mo bang magswimming ______ maglakad sa tabing dagat?

a)

o

b)

at

c)

ni

23.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may maling gamit ng pang-angkop?

a)

Ang bata na mabait sa Diyos ay malapit.

b)

Ating purihin at pasalamatan ang mga bayaning Pilipino.

c)

Magbibigay ng libreng konsiyerto ang sikat na mang-aawit.

24.

Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang ginagamit upang linawin ang nasabi na?

a)

dahil

b)

samakatwid

c)

kung di

25.

Ito ay ginagamit sa kaisipang nagsasaad ng pasubali o pasakali.

a)

Pananhi

b)

Panubali

c)

Panlinaw

26.

Pangatnig na nagsasaad ng kadahilanan.

a)

Pananhi

b)

Paninsay

c)

Pamukod

27.

Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang ginagamit sa mga tambalang pangungusap kung ang unang parte ay salungat sa ikalawa?

a)

datapwat

b)

samakatwid

c)

kung kaya

28.

Pangatnig na ginagamit upang itangi ang isa sa ibang bagay o kaisipan.

a)

pamukod

b)

paninsay

c)

panubali

29.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng pagtangi sa isang bagay o kaisipan?

a)

Baka pupunta tayo sa Tagaytay o magsiswimming sa Pansol.

b)

Tinanggal niya ang tali ng aso para makatakbo naman iyon sa bakuran.

c)

Aalis muna ako para makapag-usap kayong mabuti ni Ryan.

30.

Punan ng wastong pangatnig.

Ang pagmamahal _____ pag-aalaga ninyo ang nagbibigay sa akin ng bagong pag-asa.

a)

sapagkat

b)

at

c)

kaya

31.

Alin sa mga sumusunod na pang-abay ang nagbibigay -turing sa kapwa pang-abay?

a)

Ang dalagita ay sadyang mahilig mag-ayos ng sarili.

b)

Sadyang tapat sa tungkulin ang mga empleyado ni G. Santos.

c)

Ang aking mga kapatid ay puspusang nagbabalik-aral para sa pagsusulit.

32.

" Si Wilma ay napakahusay sumayaw."

Anong bahagi ng pananalita ang binibigyang-turing ng pang-abay?

a)

pang-abay

b)

pandiwa

c)

pang-uri

33.

Ito ay mga katagang pang-abay.

a)

Pananggi

b)

Inklitik

c)

Pamitagan

34.

Pang-abay na ginagamit sa pagtatanong.

a)

Pananong

b)

Panunuran

c)

Pang-agam

35.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasabi ng pagpayag o pagsang-ayon?

a)

Ang binata ay talagang mapagpasensiya kahit kanino man.

b)

Isang buwang naghintay sa tawag ng manedyer sa bangko ang aking pamangkin.

c)

Ano't ayaw mo nang sumama ngayon?