WorksheetsQUIZ: FILI2112
Total questions: 20
Worksheet time: 18mins
1. Isang tekstong naglalarawan, naglalaman ng mga impormasyon na may kaugnayan sa katangian ng tao, bagay, lugar at pangyayari.
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Naratibo
2. Ito ay nagbibigay ng tiyak na impormasyon kaugnay sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari.
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Naratibo
3. Nagtataglay ng mga impormasyon na may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging sa katangiang taglay ng isang tao, pangkat ng mga tao; kadalasan itong sumasagot sa tanong na ano.
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Naratibo
4. Malinaw na naglalahad ng mga bagay-bagay upang malinaw na maibahagi ang impormasyong nararapat na malaman ng mambabasa.
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Naratibo
5. Ito ay nagpapahayag ng mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay.
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Naratibo
6. Ang tekstong deskriptibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at mahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.
TAMA
MALI
7. Isang tiyak na paksa na lamang ang tinatalakay sa tekstong impormatibo. Kung magkaroon ng kaugnay na paksa, dapat na makita ito sa kasunod na talata.
TAMA
MALI
8. Sa pagbasa ng Tekstong Impormatib, magkaroon ng focus sa mga impormasyong ipinapahayag isulat kung kinakailangan.
TAMA
MALI
9. Sa pagsulat ng tekstong deskriptib, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.
TAMA
MALI
10. Itinuturing na pinakamataas na antas ng wika, karaniwan itong gamit sa pakikipagtalastasan ng mga propesyunal o mga nakapag-aral gayundin ang mga nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng wika.
(a)
11. Ito ay uri ng tekstong deskriptibo na may layuning maglarawan sa detalyadong pamamaraan.
Deskripsyong Teknikal
Deskripsyong Formal
Deskripsyong Impresyunistiko
Deskripsyong Pampanitikan
12. Layunin nitong maglarawan ayon sa pansariling pananaw o saloobin
at nagpapakita at naglalarawan ito ng opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
Deskripsyong Teknikal
Deskripsyong Formal
Deskripsyong Impresyunistiko
Deskripsyong Pampanitikan
13. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay o pangayayari na tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap.
(a)
14. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
Lantay
Pinakamasidhi
Katamtamang antas
Pampanitikan
15. Ito ay uri ng wikang sinasalita sa paaralan, tanggapan ng pamahalaan, sa pagsulat ng konstitusyon, sa simbahan, sa mga pagpupulong sa kongreso at senado at maging sa Palasyo ng Malacañang.
balbal
pambansa
kolokyal
pampanitikan
16. Ang tawag sa wikang ginagamit sa mga akda upang maging masining, malikhain, matalinghaga ang paglalahad o pagpapahayag.
balbal
pambansa
kolokyal
pampanitikan
17. Ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
balbal
pambansa
kolokyal
pampanitikan
18. Wikang gamit sa isang pook o lipon ng mga tao, tinatawag itong dayalekto sa kasalukuyan.
lalawiganin
pambansa
kolokyal
pampanitikan
19. Itinuturing na pinakamababang uri ng wika, karaniwang gamit ng mga taong walang pormal na edukasyon.
lalawiganin
pambansa
kolokyal
balbal
20. Ang tawag sa gamit ng wika kapag ang mga salita at pahayag na ginamit ay pinili at maayos na inihanay upang mailahad ang ideya.
formal
di-formal
lalawiganin
balbal
