WorksheetsFilipino 7 - Review (Term 3)
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Piliin ang uri ng pangungusap na walang simuno/paksa na tinutukoy sa ibaba.
Makikiraan. (po)
a. Penominal
b. Pakiusap
c. Sambitla
d. Eksistensyal
Piliin ang uri ng pangungusap na walang simuno/paksa na tinutukoy sa ibaba.
Aray!
a. Penominal
b. Pakiusap
c. Sambitla
d. Eksistensyal
Alin sa mga sumusununod ang nagpapakita ng pangungusap na walang paksa na nasa anyong ‘eksistensiyal’?
a. Ansakit!
b. May kanin pa?
c. Lumilindol!
Paano maipakikita ang pasukdol na paglalarawan sa pangungusap?
“Si Maricar ang nanalo bilang _____________ sa ginanap na paligsahan.” (bilis)
a. higit na mabilis
b. pinakamabilis
c. mabilis
d. mas mabilis
Tauhan : Mga Karakter : : Banghay : _____________________
a. lugar/oras/panahon
b. resulta ng suliranin
c. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
d. suliraning haharapin ng mga karakter
Tukuyin ang kohesyong gramatikal na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Naglaba si Kathy ng damit sapagkat siya ay inutusan ng kanyang nanay."
a. Anapola
b. Anapora
c. Katapola
d. Katapora
Tukuyin ang kohesyong gramatikal na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Pumunta sila sa parke . Masayang naglaro sina Annie at Marie doon"
a. Anapola
b. Anapora
c. Katapola
d. Katapora
Ang Ibong Adarna ay isang uri ng tulang pasalaysay na _______.
a. Awit
b. Korido
c. Oda
e. Elehiya
Kung ang awit ay mayroong 12 pantig, ilan naman ang sa korido?
a. 6 na pantig
b. 8 na pantig
c. 10 na pantig
d. 12 na pantig
Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa Ibong Adarna?
a. May himig na mabilis o allegro at isinulat upang basahin
b. May himig na mabagal o andante at isinulat upang awitin
c. May himig na mabilis o allegro at isinulat upang awitin
d. May himig na mabagal o andante at isinulat upang basahin
Saan makikitang dumadapo ang Ibong Adarna?
a. Bundok Tabor
b. Berbanya
c. Piedras Platas
d. Reyno de los Cristales
Pitong beses na umaawit ang Ibong Adarna, ano ang kanyang ginagawa kada paghinto niya
sa pag-awit?
a. Nagpapalit ng kulay ng balahibo
b. C. Pinapagaspas ang pakpak
c. Nagbabawas/ Dumudumi
d. Nagbabago ng anyo
Tukuyin ang antas na wikang ginamit sa pangungusap.
“Nagtatainga-taingahang kawali na naman si Juan dahil siya ay inuutusan ng kanyang ina.”
a. Balbal
b. Jargon
c. Pampanitikan
d. Lalawiganin
Tukuyin ang antas na wikang ginamit sa pangungusap.
““Mesakit ku bitis keng kakalakad.”
a. Balbal
b. Jargon
c. Pampanitikan
d. Lalawiganin
Ang pananda ay __________ kung sa isang pangungusap o teksto nauuna ang panghalip na sinusundan ng pangngalan.
a. Anapora
b. Katapora
Kung ang parabula ay mga kuwentong kapupulutan ng aral na nagmula sa Bibliya, ano naman ang kuwentong pinagbibidahan ng mga hayop na mayroong katangian ng tao?
a. Alamat
b. Epiko
c. Pabula
d. Sanaysay
Ang sumusunod ay totoo tungkol sa pangungusap na walang paksa maliban sa ___________________.
a. Ito ay palaging mayroong simuno at panaguring nagbibigay ng ay buong diwa.
b. Ang “Takbo!” at “Sulit.” ay mga halimbawa ng pangungusap na walang paksa.
c. Ito ay maaring ekspreyong natural na nababangit bilang tugon sa isang sitwasyon.
Sino ang nagpadala ng kanyang alagang lobo upang iligtas at gamutin si Don Juan sa ilalim ng balon?
a. Maria Blanca
b. Juana
c. Leonora
d. Isabel
Ilang Negrito ang nasa loob ng prasko na pinakawalan ni Haring Salermo sa karagatan upang isilid muli sa ginintuang lalagyan?
a. Labing-isa
b. Labimdalawa
c. Labintatlo
Sa lahat ng ating napag-aralan mula 1st Term hanggang 3rd Term, ano ang aralin o lesson na pinakatumatak sa iyo?
Isulat ang iyong sagot nang hindi bababa sa 25 na salita.
