Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP tayahin march 29

Total questions: 10

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang magandang paalaala tungkol sa pagpapanatili ng kaayusan?

a)

Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang basurahan?

b)

Huwag magkalat. Magmumulta ka kapag nahuli ka

c)

Pakitapon ang inyong mga kalat sa basurahan.

d)

Sa tingin mo tama ba dito ang pagkakalat?

2.

Sa panahon ng Quarantine dahil sa COVID-19, ano kaya ang iyong maaring gawin para makatulong sa kalinisan?

a)

Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil malawak ito.

b)

Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasiya tungkol dito

c)

Maglinis ng bahay at magtanim ng mga gulay sa paligid.

d)

Gumawa ng mga islogan na may tema ng pagtatanim ng puno.

3.

Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay dahil sa bawal lumabas dahil sa COVID 19. Bilang miyembro ng isang organisasyong pangkabataan sa inyong pamayanan, paano ka makatutulong sa proyektong ito?

a)

Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gustong gawin.

b)

Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para sa pinakamaraming bilang ng maitatanim na mga halamang gulay sa bawat barangay.

c)

Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto.

d)

Ikaw mismo ang magsimulang magtanim sa tulong ng iyong mga kapatid at patnubay nina nanay at tatay.

4.

Ang iyong nanay ay naglilinis sa mga kalat sa kalsada na malapit sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?

a)

Magkunwaring wala kang nakita.

b)

Hihingi ng mungkahi sa mga magulang kung ano ang iyong maaaring maitulong.

c)

Magkikibit-balikat na lamang dahil wala ka namang magagawa.

d)

Hayaan ang mga magulang sa paglilinis kasama ang ibang miyembro ng pamilya.

5.

Nakasakay ka sa dyip papuntang paaralan. Napansin mo na ang unahang dyip ay nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Ano ang gagawin mo?

a)

Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok arawaraw.

b)

Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.

c)

Sabihan ng may paggalang ang drayber na maaring magdulot ng sakit at nakasasama sa kapaligiran ang maitim na usok ng kaniyang dyip.

d)

Magsumbong sa mga magulang.

6.

Nagbakasyon ka sa probinsiya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na inuutusan ang isa niyang tauhan na magkaingin o pagsunog sa k matataas na damo sa bukid. Ipinagbabawal ito dahil may masamang epekto ito sa tao at sa kapaligiran. Ano ang gagawin mo?

a)

Ipaliliwanag mo sa mahinahon na paraan sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin din ang masamang epekto nito sa tao at sa kapaligiran.

b)

Magagalit ka sa lolo mo.

c)

Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad.

d)

Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito.

7.

Maraming mga bote at bag na plastic ang nanay mo. May proyekto ka sa paaralan na nangangailangan ng mga plastic na bote at bag. Ano ang gagawin mo?

a)

Susunugin mong lahat.

b)

Sasabihin mo sa kaniya na ipamigay na lang ang mga iyon.

c)

Babalewalain mo ang tungkol sa bagay na iyon.

d)

Humingi ng pahintulot sa nanay mo na gamitin ito para gawing proyekto.

8.

Natutuhan mo sa klase ang halaga ng paghihiwalay ng mga basura ayon sa nabubulok, hindi nabubulok at maaaring i-recycle. Ngunit hindi ito naisasagawa sa bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin?

a)

Turuan ang mga kasama sa bahay na maghiwalay ng basura.

b)

Hayaan lamang sila sa kanilang gawain

c)

Hintayin ang iyong mga magulang na sila ang magturo sa mga kapatid mo.

d)

Kausapin si nanay na maglaan ng mga basurahan para sa paghihiwahiwalay ng mga basura at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa pagaalaga sa kapaligiran.

9.

May maliit na bakanting lote sa inyong bakuran. Gusto mo sanang magtanim ng ilang mga halaman dito. Ayaw kang payagan ng tatay mo dahil hindi mo naman daw maaalagaan ang mga ito. Ano ang gagawin mo?

a)

Hihilingin mong payagan kang magtanim para makita niyang may pananagutan ka sa pag-aalaga ng halaman.

b)

Hahanap ka ng ibang bakanteng lote na mapagtataniman.

c)

Hindi ka na magtatanim dahil iyon ang sinasabi ng tatay mo.

d)

Iba na lang ang gagawin mo kahit labag sa kalooban mo.

10.

Habang naglalakad pauwi, nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa ilog malapit sa inyo ang kanilang basura. Ano ang iyong gagawin?

a)

Hayaan lang siya dahil gawain mo din iyon.

b)

Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura.

c)

Hindi papansinin ang kaniyang ginagawa

d)

Tutulungan ang iyong kaibigan sa kaniyang ginagawa.