NEW
Font size
WorksheetsFilipino 8 Quiz Bee Easy Round
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Anong karunungang-bayan ang tumutukoy sa isang patulang pahayag na nagbibigay ng aral, payo, o mensahe na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay?
salawikain
kasabiha
bugtong
sawikain
Anong uri ng karunungang-bayan ang ginagamit bilang pang-aliw, panudyo o bukambibig batay sa karanasan, at pampadulas-dila o tila larong pangkasanayang-dila?
salawikain
kasabihan
bugtong
sawikain
Anong anyo ng panitikan ang isang kathang-isip na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng isang bagay o pook?
alamat
karunungang-bayan
epiko
maikling kwento
Anong anyo ng panitikan ang tulang pasalaysay na naglalahad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng hindi pangkaraniwang katangian ng isang tao?
alamat
karunungang-bayan
epiko
maikling kwento
Anong uri ng pang-abay ang nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang isang kilos?
pang-abay na panlunan
pang-abay na pamanahon
pang-abay na pamaraan
pang-abay na pamilang
Ano ang lipon ng mga salita na nagbibigay turing sa mga pandiwa, pang-uri, at pang-abay?
pangngalan
panghalip
pandiwa
pang-abay
Anong uri ng pang-abay ang ginagamit sa pagtujoy sa pook kung saan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa?
pang-abay na panlunan
pang-abay na pamanahon
pang-abay na pamaraan
pang-abay na pamilang
“Araw-araw pumupunta si Jennie sa bahay ng kaniyang mga magulang.” Anong uri ng pang-abay na pamanahon ang ginagamit sa pangungusap?
walang pananda
may pananda
nagsasaad ng dalas
nagsasaad ng dalang
“Magkakaroo ng pagsasanay sa pagkukuwento ang mga estudyante ni Bb. Mariel mamayang hapon.” Anong uri ng pang-abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap.
walang pananda
may pananda
nagsasaad ng dalas
nagsasaad ng dalang
Ano ang angkop na mensahe na nais iparating ng epikong Bidasari?
Mag-ingat sa mga taong magaganda.
Ang kasamaan ay hindi kailanman magtatagumpay
Ang inggit ay maaaring magdulot sa isang tao na gumawa ng kasamaan.
Ipinagbunyi ng langit ang sino mang gumagawa nang mabuti sa kapwa.
Sanhi at Bunga: “Gabi-gabi bago matulog ay nag-aaral muna sa kaniyang aralin si Joan.” Ano ang maaaring bunga ng kaniyang ginawa?
Kung kaya siya ay hinirang na bayani ng kanilang paaralan.
Kaya siya ay ginawaran ng medalya ng kabutihan
Kung kaya siya ang nakakuha nang pinakamataas na marka sa kanilang pagsusulit.
Sapagkat siya ay mabuting estudyanteng mapagkakatiwalaan ng kaniyang guro.
Sanhi at Bunga: “Halos lumubog ang bayan ng San Juan nang aking makita habang tinatalunton ko ang daan patungo sa bahay ni Inay.” Alin sa mga sumusunod ang angkop na sanhi ng pangyayari?
dahil sa matinding buhos ng ulan kagabi.
kung kaya pinutol ang mga puno sa kagubatan
sapagkat maraming mga tambak na basura sa daan.
marahil ito ay ganti ng kaliksan.
Ano ang sukat ng tulang Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez?
wawaluhin
lalabindalawahin
lalabing-animin
lalabingwaluhin
Ano ang himig ng may-akda sa tulang Isang Dipang Langit?
nagdurusa
nagagalak
nangugutya
nasasabik
Ano ang tawag sa tagisan ng talino sa pamamagitan ng pangangatwiran sa pamamaraang patula?
tulaan
debate
balagtasan
fliptop battle
Alin sa mga sumusunod na katangian ang hindi kailangan ng isang mambabalagtas sa isang balagtasan?
Malinaw na pangangatwiran
Mabilis na pag-iisip
Kahusayan sa wika
Kagandahan ng mukha
Anong akdang pampanitikan ang ipinakilala ng mga mananakop sa Pilipinas na itinatanghal sa entablado sa paraang pakanta o pasayaw?
dula
sarsuwela
maikling kwento
tula
Sino ang tinaguriang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”?
Severino Reyes
Jose P. Rizal
Amado V. Hernandez
Nick Joaquin
Ano ang pamagat ng isang dula tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na sina Julia at Tenyong?
Isang Dipang Langit
Uhaw ang Tigang na Lupa
Walang Sugat
El Filibusterismo
Anong anyong pampanitikan ang naglalahad ng kuro-kuro, kaisipan, saloobin, at reaksiyon ng may-akda hinggil sa isang paksa?
tula
sanaysay
maikling kwento
Epiko
