WorksheetsPASULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
PAGPIPILI:
Ang proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo.
Pagsusuri
Pagsulat
Pagbasa
Panonood
PAGPIPILI:
Hakbang sa pagbabasa na tumutukoy sa proseso ng pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na salita o simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
Pag-unawa
Integrasyon
Reaksiyon
Persepsiyon
PAGPIPILI:
Teorya sa pagbasa na nagsasabing ang pag-unawa sa binasa ay nag-uumpisa sa mga simbolo papuntang utak matapos maproseso ng mata at utak.
Interaktiv
Iskema
Itaas-pababa
Ibaba-pataas
PAGPIPILI:
Hakbang sa pagbabasa na tumutukoy sa proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto.
Pag-unawa
Reaksiyon
Integarsyon
Persepsiyon
PAGPIPILI:
Hakbang sa pagbabasa na tumutukoy sa kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kaniyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
Pag-unawa
Reaksiyon
Integrasyon
Persepsiyon
PAGPIPILI:
Proseso ng pagbabasa kung saan nagkakaroon ng transaksiyon at interaksiyon sa pagitan ng teksto at mambabasa.
Itaas-pababa
Iskema
Interaktiv
Ibaba-pataas
PAGPIPILI:
Isang awtor ng English-Tagalog Dictionary na nagsaad na ang pagbasa/pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita.
James Coady
Kenneth Goodman
Leo James English
James Dee Valentine
PAGPIPILI::
Ang pagbasa ay isang saykolingguwistiks na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe.
James Dee Valentine
James Coady
Leo James English
Kenneth Goodman
TAMA o MALI:
Isa sa mga layunin ng Pagbasa ay nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at maiimbak sa ating isip.
Tama
Mali
TAMA o MALI:
Nagbabasa tayo upang mabagot ay layunin ng pagbasa
Tama
Mali
TAMA o MALI:
Layunin din ng pagbasa ay mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
Tama
Mali
TAMA o MALI:
Layunin ng tekstong Deskriptibo na magbigay ng mahahalangang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay ng isang paksa o isyung tinatalakay.
Tama
Mali
TAMA o MALI:
Mahalaga at napapanahong paksa ang piliin kung magkakaroon ng isang debate.
Tama
Mali
TAMA o MALI:
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto sa tekstong Persweysib
Tama
Mali
PAGPUPUNA:
Nakapaloob dito ang kasangkapan o kagamitang kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto. (a)
PAGPUPUNA:
Ito ay ang pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang panig. (a)
PAGPUPUNA:
Ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong bagay, konsepto, at maging pangyayari. (a)
PAGPUPUNA:
Naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
(a)
PAGPUPUNA:
Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. (a)
PAGPUPUNA:
Ang tekstong (a) ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran.
