Font size
Worksheetseditoryal
Total questions: 20
Worksheet time: 52mins
Alin sa bahagi ng pahayagan ang akdang nagbibigay ng opinion ng patnugutan ukol sa napapanahong isyu?
Balita
Kuro-kuro
Opinyon
Pangulong Tudling
Alin sa bahagi ng pahayagan ang naglalayong ilarawan sa pamamagitan ng impormal na pagguhit ang panig ng patnugutan?
kartung editoryal
larawang pampahayagan
simbolismo
banner
Ang bahaging ito ng editoryal ay naglalaman ng batayang balita at reaksiyon ng patnugot.
panimula
katawan
kakalasan
kongklusyon
Ito ang bahagi ng editoryal na naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan o direksiyon na maaaring payo, hamon, mapaghamong tanong,
hula ng maging bunga o simpleng pagbubuod.
panimula
katawan
kakalasan
kongklusiyon
Nilalahad nito ang mga detalye ng mga opinion ng pahayagan at ang mga katotohanang patibay nito tungkol sa isyu.
panimula
katawan
konklusiyon
isyu
Ang mga sumusunod ay mga batayang dapat tandaan sa pagsulat ng editoryal maliban sa isa. Alin ito?
Gawing pormal ang pananalita at paglalahad ng opinion
Limitahan ang akda sa aspeto lamang ng piniling paksa
Kung magbibigay ng argumento, simulan sa pinakamahalaga
Gawing personal ang paglalahad ng panig upang mapatunayan ito.
Ito ay isang pitak na naglalaman ng kuru-kuro, ideya, opinyon at paninindigan ng manunudling tungkol sa isa o higit pang paksa.
kolum-editoryal
pangulong-tudling
balitang pandaigdigan
kartung-editoryal
Ito ay isang __________
Larawang pampahayagan
Kartung editoryal
Editoryal
kolum
Ito ay tumatalakay sa _______
paglaganap ng COVID 19 sa online
pagbebenta ng pinagbabawal na gamot ngayong pandemya.
paggamit ng online selling upang magbenta ng pinagbabawal na gamot ngayong panahon
pagiging malakas ng mga online selling ngayong pandemya
Sa Robredo-Pangilinan rally sa Nueva Ecija, hindi nagustuhan ng mga kakampinks ang inasal ni Gordon nang ipakilala niya ang senatorial slate, mayroong mga abogado, incumbent senators subalit nang ipakilala niya si dating Rep. Teddy Baguilat, ginaya niya ang katutubong sayaw para ilarawan si Baguilat sabay tawa sa bandang huli.
Okey lang naman sana ang paggaya ni Gordon sa kostumbre ni Baguilat kung hindi niya ginawang “joke-joke’’ lang at sinabayan nang malutong na tawa. Ayon sa ilang tweet ng netizens hindi lang ginagaya ni Gordon si Baguilat kundi mayroong pangungutya. Sang-ayon ako sa obserbasyon ng netizens na dapat magkaroon ng cultural sensitivity si Gordon sa ganitong pagkakataon. Maiinis ang mga kababayan ni Baguilat.
Ito ay bahagi ng balita.
Ito ay bahagi ng pangulong tudling.
Ito ay bahagi ng kolum-editoryal.
Ito ay bahagi ng kartung editoryal.
Okey lang naman sana ang paggaya ni Gordon sa kostumbre ni Baguilat kung hindi niya ginawang “joke-joke’’ lang at sinabayan nang malutong na tawa. Ayon sa ilang tweet ng netizens hindi lang ginagaya ni Gordon si Baguilat kundi mayroong pangungutya. Sang-ayon ako sa obserbasyon ng netizens na dapat magkaroon ng cultural sensitivity si Gordon sa ganitong pagkakataon. Maiinis ang mga kababayan ni Baguilat.
------------------------
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging personal na opinyon?
Okey lang naman sana....
Sang-ayon ako sa obserbasyon ng mga netizens....
Dapat magkaroon ng cultural sensitivity si Gordon....
Tama ang lahat
Patuloy ang pagdagsa ng imported na gulay sa bansa – karamihan ay produced ng China. Sa Divisoria at Blumentritt market, pawang imported na carrots ang itinitinda. Hindi maipagkakaila ang imported carrots sapagkat malalaki ang mga ito.
--------------------------
Sa anong bahagi ng editoryal ito makikita?
Pagpapakilala ng isyung susuriin
Pagpapakilala ng panig
Pagbibigay ng patunay
Kongklusyon
Hindi lamang carrots ang dumadagsa kundi pati na rin imported na luya, bawang, repolyo, cauliflower at pati strawberries. Patuloy ang vegetable smuggling at walang ibang namatay kundi ang mga lokal na maggugulay. Bigumbigo ang mga nagtatanim ng carrots sa Benguet sapagkat nawalan sila ng ikinabubuhay. Ang dati raw 200 sako ng carrots na dinadala nila sa Maynila ay naging 100 sako na lang dahil sa bumaha na ang imported sa mga palengke sa Metro Manila.
.................................................................
Sa bahaging ito, alin ang nagpapakita ng stand o panig ng editoryal?
Ang dati raw 200 sako ng carrots na dinadala nila sa Maynila ay naging 100 sako na lang....
Hindi lamang carrots ang dumadagsa kundi pati na rin imported na luya, bawang....
Bigumbigo ang mga nagtatanim ng carrots sa Benguet sapagkat nawalan sila ng ikinabubuhay.
Patuloy ang vegetable smuggling at walang ibang namatay kundi ang mga lokal na maggugulay.
Kailangan pa ang masusing imbestigasyon sa DA at BOC kung bakit patuloy ang smuggling ng gulay. Sila ang dapat managot sa nangyayaring ito. Sila ang dahilan kung bakit nawawalan ng ikinabubuhay ang mga lokal na magsasaka ng gulay.
------------------------------------
Ito ay nasa bahagi ng_____________
Isyung susuriin
Mga patunay
Stand o Panig
Kongklusiyon o wakas
Sabi ni Agot Balanoy, spokesperson ng League of Association at La Trinidad Vegetable Trading Area, P2.5 milyon ang nawawala sa mga magsasaka ng gulay partikular ang carrots dahil sa pagdagsa ng imported. Ayon pa kay Balanoy, 130,000 magtatanim ng carrots ang apektado ng smuggling.
...............................................
Ito ay isang __________.
isyu
patunay
stand o panig
panghihikayat
Ang salitang "cartoon" ay buhat sa salitang caricature at _______.
typhoon
harpoon
lampoon
spoon
Bukod sa eksaheradong larawan, nagpapakita rin ng __________ o pamumuna ang isa kartung editoryal.
ideya
kulay
panig
satiriko
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kasimplehan
nito?
simple lang ang pagguhit ng larawan
gumamit ng imahe ng tao na palasak sa lahat
sa unang tingin palang,
nauunawaan na ang mensahe
ang paksang napili ay napapanahon
Ano ang mensahe ng kartung editoryal?
natatakot ang mga tao sa pagbagsak ng ekonomiya
hindi nakatulong ang quarantine upang sugpuin ang COVID 19
Patuloy pa ring nakaaapekto sa ating ekonomiya ang pandemya
Nagrarally ang mga tao laban sa pandemya
Ano ang kinakatawan ng SEE?
simple, elaborate, excess
symbol, exact, evaluate
sign, exact, elaborate
simple, expression, exaggeration
