wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino G6 4th FA

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pautos na gamit ng pangungusap?

a)

Pakiabot naman ang aking charger na nasa mesa.

b)

Sige, patuluyin mo na rito ang iyong mga kaibigan.

c)

Doon tayo sa may kanto sasakay ng dyip.

d)

Marami akong natutuhan sa Life Class kahapon.

2.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng patanong na gamit ng pangungusap?

a)

Kumusta na kaya si Yuki?

b)

Maaari bang bilhan mo ako ng chocolate chip?

c)

Puwede bang pakikuha ang sandok sa kusina?

d)

Maaari bang kausapin mo si Maya para sa akin?

3.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pasalaysay na gamit ng pangungusap?

a)

Lutuin mo nga ang daing at tinapa para sa ating almusal.

b)

Makisuyo naman akong ihatid mo ito kay Letisha.

c)

Huwag na huwag mong sasaktan ang damdamin niya.

d)

Ang sipag at tiyaga ay magdadala sa iyo sa tagumpay.

4.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Bilisan mo! May ahas ata rito sa kinatatayuan ko.

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Pakiusap

d)

Pasalaysay

5.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Huwag kang manood ng mga palabas na hindi kaaya-aya para sa iyong edad.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

6.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Nagkainitan ang magkaibigan dahil sa maling impormasyon na ibinalita sa kanila.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

7.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Puwede mo ba akong turuan mag-bake ng custard cake?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

8.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Ano ba ang kulay na magko-complement sa kulay lila?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

9.

Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.

a)

Iyan talagang si Buknoy, sakit sa ulo!

b)

Tulong! May sunog.

c)

Aray! Napaso ako.

d)

Huwag mo akong iwan.

10.

Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.

a)

Ano ba talaga ang nais mong sabihin?

b)

Puwede bang unawain mo pa ako?

c)

Nahihirapan ka na ba?

d)

Saan mo nakita ang damit kong ito?

11.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng padamdam na gamit ng pangungusap?

a)

Pakiusap, umalis ka na.

b)

Tigilan mo na ang pang-aasar, Jacob.

c)

Aba! Mukhang nanalo ka ata sa lotto. Ang dami mong pinamili.

d)

Kakayanin mo iyan.

12.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Maaari bang tulungan mo ako sa asignatura natin sa Matematika?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

13.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Tunay na mahusay ang batang iyan! Kaya nga ako humahanga sa kanya.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Padamdam

d)

Pakiusap

14.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Maganda ang mag-ipon para sa iyong kinabukasan.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Padamdam

d)

Pakiusap

15.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Kumuha ka nga ng yelo sa ating ref.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

16.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba.

Ang mga tao ay nagtutulungan upang maging maayos ang lahat.

a)

Payak

b)

Tambalan

17.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba.

Nagtatalo ang mga mambabatas dahil sa panukalang batas samantala naghihintay ang pangulo na ito ay pirmahan.

a)

Tambalan

b)

Hugnayan

18.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba.

Nag-aral nang mabuti si Anita kaya nagtagumpay sa buhay.

a)

Hugnayan

b)

Payak

19.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba.

Ang buhay sa Maynila ay mahirap kaya kailangang magsikap.

a)

Payak

b)

Hugnayan

20.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba?

Enhinyero ang kanyang ina at doktor naman ang kanyang ama.

a)

Tambalan

b)

Hugnayan

21.

Anong kayarian ng pangungusapa ang ipinapakita sa ibaba?

Ang aking pangarap ay makapagtapos ng pag-aaral at makahanap nang magandang trabaho.

a)

Hugnayan

b)

Payak

22.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba?

Naglalaba si Olga habang nagluluto ang kanyang ina sa kusina.

a)

Tambalan

b)

Payak

23.

Anong kayarian ng pangungusapa ang ipinapakita sa ibaba?

Si Donna ay nagtagumpay sa buhay kasi nag-aral nang mabuti.

a)

Tambalan

b)

Hugnayan

24.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba?

Pagpipiloto ang gustong kurso ng aking kapatid.

a)

Payak

b)

Hugnayan

25.

Anong kayarian ng pangungusap ang ipinapakita sa ibaba?

Ang aking ama ay mabuting sundalo dahil dito marami siyang natulungan.

a)

Payak

b)

Hugnayan

26.

Malaki ang silid-tulugan at malinis ang buong bakuran.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

27.

Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan umalis ng bahay.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

28.

Kapayapaan at kaayusan ay nais ng mga mamamayan sa Mindanao.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

29.

Dahil masipag at desidido sya, nakatayo siya ng sarili niyang negosyo.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

30.

Unti-unting nauubos ang mga puno at nawawalan ng tirahan ang mga hayop.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

31.

Upang lalong maunawaan niyo ang aralin, magbibigay ako ng halimbawa.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

32.

Nagpatahi ng uniporme si Natalie sa kanyang tita na modista.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

33.

Kumain ng almusal si Noel at nagbibihis si Sonia sa kwarto.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

34.

Habang umaawit si Fiona, si Jenny ay tumutogtog ng piano.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

35.

Ang kalayaan ay matatamo ng mga mamamayan na nagkakaisa.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan