wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 3 Qtr 3 Review

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1. Ito ang tawag sa pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng mga tao sa isang lugar, komunidad at bansa na nagpapakita ng paraan ng pamumuhay ng mga naninirahan dito.

a)

kultura

b)

pamilya

c)

pamayanan

d)

pamahalaan

2.

2. Ito ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa mga bagay na nakikita, nahahawakan at ginagawa ng mga tao o naninirahan sa isang partikular na lugar.

a)

pamayanan

b)

pamahalaan

c)

materyal na kultura

3.

3. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na walang kuwelyo at manggas. Anong uri ng kasuotan ito?

a)

bahag

b)

baro

c)

kangan

d)

putong

4.

4. Ang paggamit ng “po” at “opo” at “pagmamano sa nakatatanda” ay bahagi na ng kultura nating mga Pilipino na magpahanggang ngayon ay patuloy na makikita sa ating magandang pag-uugali. Anong uri ng di-materyal na kultura nabibilang ang pag-uugaling ipinapakita?

a)

Paniniwala

b)

Kaugalian

c)

Relihiyon

d)

Tradisyon

5.

5. Ang Lungsod ng Malabon ay malapit sa Look ng Maynila. Ano kaya ang maaaring maging hanapbuhay ng mga tao rito?

a)

Pagmimina

b)

Pagsasaka

c)

Pangangaso

d)

Pangingisda

6.

6. Maraming nagtataasang mga gusali ang matatagpuan sa Lungsod ng Makati. Kung ang iyong kuya na nakatapos ng kolehiyo ay maghahanap ng trabaho sa lungsod na ito, anong uri ng hanapbuhay ang maaaring niyang pasukan dito?

a)

Pagmimina

b)

Pangingisda

c)

Pag-oopisina

d)

Pagsasaka

7.

7. Ang klima sa Lungsod ng Pasay ay mainit o maalinsangan. Anong uri ng kasuotan ang dapat isuot ng mga Pasayeño sa ganitong uri ng panahon?

a)

Makapal na damit

b)

Manipis na damit

c)

Dyaket at pantalon

d)

Sweater

8.

8. Anong pagdiriwang ang nagaganap sa Valenzuela tuwing ika-7 ng Nobyembre bilang paggunita sa pagiging lungsod nito?

a)

Pamaypay Festival

b)

Valenzuela Foundation day

c)

Putong Polo Festival

d)

Pista ng Mangingisda

9.

9. Ito ay idinaraos tuwing ika-9 ng Enero kung saan iniikot ang imahe ng Itim na Nazareno sa mga kalsada sa Maynila. Ito ay tinatawag na Traslacion.

a)

Caracol Festival

b)

Aliwan Festival

c)

Wattah-watah Festival

d)

Pista ng Itim na Nazareno

10.

10. Nagtitipon-tipon ang mga senior citizen ng Pateros tuwing bilog ang buwan kung saan nagkakaroon ng mga pagtatanghal ng mga minanang kultura tulad ng harana, balagtasan, pangdangguhan at iba pa. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ito?

a)

Aliwan Festival

b)

Sunduan

c)

Full moon Festival

d)

Water lily Festival

11.

11. Itinayo ito bilang pag-alala sa unang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalong Espanyol at ng rebolusyonaryong grupo ni Andres Bonifacio.

a)

Monumento i Jose Rizal

b)

Monumento ni Andres Bonifacio

c)

Bahay ni Dr. Pio Valenzuela

d)

Bahay ni Kapitan Moy

12.

12. Dito naganap ang mapayapang rebolusyon bilang protesta sa pagmamalabis sa kapangyarihan ng pamahalaang pinamunuan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong taong 1986.

a)

Parola ng Napinda

b)

Coconut Palace

c)

Rizal Park

d)

EDSA Shrine

13.

13. Tinawag itong “Freedom House” dahil ang parehong paksyon ng pampulitika ay maaaring gamitin ang bahay bilang isang lugar para sa kanilang lihim na pagpupulong.

a)

Arkong Bato

b)

Bahay ni Dr. Pio Valenzuela

c)

Bahay na Tisa

d)

Asilo de Herfanos

14.

14. Ito ay isang makasaysayang instrumentong natatangi sa mundo na matatagpuan sa St. Joseph Church na binubuo ng 1,031 na tubo na yari sa kawayan ang 902 nito at bakal naman ang iba.

a)

Organong kawayan

b)

Parol

c)

Simbahan ng St. Joseph

d)

Libingan ng mga Bayani

15.

15. Ito ay kilala sa tawag na “Tahanang Pilipino” na isang gusali ng pamahalaan na matatagpuan sa Sentro ng Kultura ng Pilipinas at naging opisyal na tirahan ng Bise-Presidente sa panahon ni Jejomar Binay.

a)

Bahay na Tisa

b)

EDSA Shrine

c)

Coconut Palace

d)

Folk Arts Theater

16.

16. Sa mga lungsod na ito ginaganap ang mga tradisyong Buling-Buling Festival at Panatang Sayaw o Bailes de los Archos na parehong nilalahukan ng mga dalagang nagsasayawan.

a)

A. Lungsod ng Manila at Makati

b)

B. Lungsod ng Pasay at Quezon

c)

C. Lungsod ng Quezon at Makati

17.

17. Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga lungsod ng Pasig at San Juan.

a)

A. Ang mga lungsod na ito ay parehong may tradisyon na ipinagdiriwang na may kaugnayan sa relihiyon o pananampalataya ng mga tao.

b)

B. Nagdiriwang ang mga lungsod na ito ng Ka-Angkan Festival at Lavandera Festival na parehong nagpapakita ng kaugalian nating mga Pilipino.

c)

C. Isinasagawa sa mga lungsod na ito ang Sapatos Festival na may layunin na mapalakas ang industryia ng sapatos sa lungsod at ang Basaan Festival na ginagawa bilang pag-alala sa buhay at misyon ni San Juan.

18.

18. Ito ay isang magandang katangian na parehong tinataglay ng mga naninirahan sa CALABARZON at ng mga taga-NCR. Sila ay gumagamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.

a)

matipid

b)

magalang

c)

masipag

d)

matapat

19.

19. Ang tradisyon na pagdiriwang tuwing buwan ng Disyembre ng mga Kapampangan at taga taga Las Pinas. Isa itong Festival.

a)

Palay

b)

Lantern

c)

Aliwan

d)

Palis Lasa

20.

20. Ang Lungsod ng Marikina ay katulad ng lalawigan ng Laguna na itinatampok ang produkto sa kanilang pagdiriwang.

a)

damit

b)

pagkain

c)

sapin sa paa

d)

walis