WorksheetsAP4-MIDTERM EXAM REVIEWER
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ang mga kalamidad (calamities) na nararanasan sa bansa ay isa sa mga hamong kinahaharap ng mga Pilipino.
TAMA
MALI
Makatutulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas kung tayo ay bibili ng mga lokal na produkto.
TAMA
MALI
Ang muling paggamit ng mga patapong bagay (recycle) na maaari pang pakinabangan ay nagdudulot ng panganib sa mga mamamayan.
TAMA
MALI
Ang "composting" ay programa ng United Nation na naglalayong tulungan ang mga tao sa wastong paggamit at pagpreserba ng ating likas na yaman upang may magamit pa ang mga susunod na henerasyon.
TAMA
MALI
Ang pangunahing pangkat-etnolingiwistiko na ito kilala sa pagluluto ng masasarap na putaheng Pilipino. Sila rin ay kilala sa pagiging mitikloso sa kalinisan.
Cebuano
Tagalog
Kapampangan
Pangunahing pangkat etniko na kilala sa pagiging malumanay at malambing na pananalita.
Tagalog
Pangasinense
Ilonggo
Ang mga ___________ ay kilala sa pagkakaroon ng matinding pagkakabuklod ng pamilya. Sila rin ay magalang at magiliw sa pagtanggap ng mga panauhin.
Tagalog
Cebuano
Pangasinense
Ang minoryang pangkat etniko na ito ay kilala sa tawag na mga "sea gypsies" dahil sa kanilang kakayahang manatili sa ilalim ng tubig. Sila ay matatagpuan sa mga isla ng Jolo at Sulu.
Badjao
Waray
Mangyan
Ang minoryang pangkat na ito ay matatagpuan sa Batanes. Sila ay kilala dahil sa kanilanfg mga tirahan na yari sa bato.
Maranao
Ivatan
Negrito o Aeta
Ang minoryang pangkat na ito ay matatagpuan sa Lanao del Sur. Sila ay kilala sa paghahabi ng makukulay na tela, sa sayaw na singkil at sa intrumentong kulintang.
Maranao
Mangyan
Negrito o Aeta
Si Pedro ay nagmula sa Cebu, kung kaya't may pagkakaiba ang pagbigkas niya ng ilang salitang Tagalog. Pinagbasa siya ng iyong guro sa harap ng klase at nagtawanan ang iyong mga kamag-aral, ano ang gagawin mo?
Sasawayin ang mga kamag-aral at kakausapin si Pedro pagkatapos ng klase upang matulungan siya sa pagbabasa ng mga salitang Tagalog.
Tatanungin ang mga kamag-aral kung ano ang nangyayari at makikitawa sa kanila.
Hindi papansin ang mga kamag-aral na nagbibiro kay Pedro dahil ayaw mong mapasali sa kanilang gulo.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng paghahanda tuwing darating ang araw ng kapistahan?
Maghanda ng kahit simpleng salu-salo bilang pasasalamat sa maayos at magandang biyaya sa loob ng isang taon.
Magsimba at magdala ng bulaklak sa simbahan bilamng alay sa mahal na birhen o kung sinuman ang santo na ipagdiriwang
Ipagyabang sa mga kakilala ang mga pagkain, kagamitan at iba pang paghahanda na ginagawa para sa darating na kapistahan.
Ito ang institusyong nangangalaga at nagtataguyod para sa karapatan ng mga mamamayan.
PAMAHALAAN
HOSPITAL
PAARALAN
Ano ang tawag sa dalawang pinakamataas na posisyon sa ating pamahalaan?
Mga Senador at Mga Kinatawan
Pangulo at Pangalawang Pangulo
Kapitan at mga Kagawad
Alin sa mga sumusunod ang tatlong sangay ng pamahalaan?
Ehekutibo, Lehislatura, Hudikatura
Kristiyanismo, Kayamanan at Kapangyarihan
Soberanya, Pamahalaan at Mamamayan
Sa darating na Mayo ay magkakaroon ng halalan, alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang ni Miriam para sa kanyang pagboto?
Iboto ang mga magnanakaw at may rekord ng kurapsyon
Pag-aralan at kilalanin mabuti kung sino ang karapat-dapat iboto bilang susunod na mga lider ng ating bansa.
Piliin ang pinakasikat na tumatakbo kahit walang sapat na kakayahan sa pagsisilbi sa ating pamahalaan.
Masiguro na walang ilegal na pumapasok sa loob ng ating teritoryo. Anong kahalagahan ng ating pamahalaan ang tinutukoy sa sitwasyon?
Pangangalaga at pagpapanatili ng katatagan at katahimikan ng bansa
Pagpapaunlad ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa
Pagpapabuti ng panlipunang kalagayan ng mga mamamayan
Maraming bilang ng mga Pilipinong nakatira sa kalsada ang tinulungan ng ating pamahalaan. Anong kahalagahan ng pamahalaan ang tinutukoy sa sitwasyon?
Pangangalaga at pagpapanatili ng katatagan at katahimikan
Pagpapaunlad ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa
Pagpapabuti ng panlipunang kalagayan ng mga mamamayan.
Sa papaanong paraan mas magiging epektibo ang pakikipaglaban ng Pilipinas sa pamumuno ng DOH sa pandemya na COVID 19?
Hayaan ang mga taong lumabas kahit walang face mask
Makiisa sa programa ng pamahalaan na "stay at home, social distancing at pagsusuot ng face shield at face mask".
Hikayatin ang mga banyaga (foreigners) na pumnta sa ating bansa kahit walang COVID TEST RESULTS.
Maraming mga kabataan ang nasa labas pa ng kanilang tahanan kahit malalim na ang gabi. Ano ang dapat gawin ng barangay nina Claire upang maiwasan ang paglabas ng mga kabataan lalo na sa panahon ngayong may pandemya?
Hayaan ang mga kabataan na nasa labas dahil sila ay nagkekwentuhan lamang
Magtinda ng mga Kpop merch dahil ito ang nais ng mga kabataan.
Mag set ng curfew para sa paglabas ng mga kabataan.
