WorksheetsScience Quiz
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Dahil sa pandemya, hindi kayo pinapayagang lumabas ng bahay para maglaro. Araw ng Sabado at walang pasok. Alin sa sumusunod ang inyong dapat na gawin upang mapakinabangan ang inyong oras?
A. Maglalaro ng Mobile Legend buong maghapon
B. Manood ng telebisyon buong maghapon.
C. Tumulong sa paglilinis ng bahay at maglagay ng tapunan ng basura ayon sa uri nito.
D. Mag-Facebook sa buong araw.
2. Alin sa sumusunod ang pandaigdigang samahan na nagtataguyod ng kapakanan at edukasyon ng mga kabataan?
A. UNICEF
B. WHO
C. UN
D. ASEAN
3. Si Mang Danilo ay isang drayber ng jip. Araw-araw siyang namamasada. Maaga pa siyang nagigising upang magtrabaho. Alas singko ay pinapaandar niya ang dyip at malakas ang tunog ng makina, busina at tambutso nito kaya nagigising kayong mga kapitbahay niya. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isumbong agad si Mang Danilo sa barangay.
B. Sigawan si Mang Danilo na patayin ang makina ng dyip.
C. Awayin si Mang Danilo.
D. Kakausapin si Mang Danilo na lagyan ng “muffler” ang tambutso ng dyip at hinaan ang busina
4. Ipagpalagay mo na ang iyong ama ay mahilig manigarilyo. Paano sasabihin sa kaniya na tigilan na niya ang paninigarilyo?
A. Tatay, amoy usok ka palagi. Tigilan mo na ang paninigarilyo
B. Tatay, may pambili ka ng sigarilyo pero hindi mo kami mabilhan ng gamit para sa online class.
C. Tatay, kung gusto mong mamamatay ng kanser ay huwag mong tigilan ang paninigarilyo
D. Tatay, alam mo ba na masama ang epekto ng paninigarilyo? Maaari bang itigil mo ang paninigarilyo?
5. Panahon man ng pandemya o hindi, ang mga menor de edad na kabataang tulad mo ay pinagbabawalang lumabas ng bahay lalo na kung dis-oras ng gabi. Bilang isang mamamayan, ano ang dapat mong iwasang gawin?
A. Palihim akong aalis ng bahay at pupunta sa perya.
B. Manatili sa bahay at sundin ang “curfew hours”.
C. Gawin ang mga Takdang Aralin at proyekto
D. Manood ng balita sa telebesiyon kasama ang pamilya.
6. Bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga taong nahawa ng sakit dala ng COVID-19, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Maglako ng mga gulay na inani namin sa aming hardin.
B. Sumunod sa health protocols ng pinaiiral ng DOH at ng IATF.
C. Sasama sa nanay ko sa pamamalengke kung araw ng Sabado.
D. Pupunta sa liga ng basketball sa kabilang barangay.
7. Si Rod ay magaling umukit ng larawan mula sa mga pinatuyong dahon ng guyabano o anahaw. Isa sa mga obra niya ay ang larawan ni Hidilyn Diaz. Kung ikaw si Rod, alin sa sumusunod ang maaaring mong gawin?
A. Araw-araw magpraktis ng paggawa ng larawan upang lalong mapahusay ang kakayahan.
B. Itatago ko ang aking mga gawa
C. Ipagmayabang ko ang aking kakayahan
D. Sasarilinin ko ang aking talino at hindi ko ipamahagi ang aking “technique” dito.
8. Maraming batas ang ipinapatupad ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, kalusugan at kapayaan sa ating bansa. Alin sa sumusunod na batas ang naglalayon ng malinis na hangin?
A. Republic Act No. 7586 s. 1992
B. Republic Act No. 8749 s. 1999
C. Republic Act No. 9003 s. 2003
D. Republic Act No. 7943 s. 1995
9. Aling ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga batas tungkol sa kaligtasan sa paglalakbay at mga himpilan ng mga sasakyan?
A. Department of Environment and Natural Resources
B. Department of Public Works and Highways
C. Department of Interior and Local Government
D. Department of Transportation
10.Bakit naging kasapi ang Pilipinas sa mga samahan ng mga bansa sa Asya at sa buong mundo?
A. Upang madaling makautang ng pera para sa pandemya.
B. Upang may kakampi ang Pilpinas sa panahon ng giyera.
C. Upang mapanatili ang demokratikong ugnayan, pakikipagkaibigan at kalakalan sa karatig bansa at sa buong mundo.
D. Upang madaling makapaglakbay sa ibang bansa ang mga Pilipino.
