Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 6

Total questions: 50

Worksheet time: 46mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pautos na gamit ng pangungusap?

a)

Pakiabot naman ang aking charger na nasa mesa.

b)

Sige, patuluyin mo na rito ang iyong mga kaibigan.

c)

Doon tayo sa may kanto sasakay ng dyip.

d)

Marami akong natutuhan sa Life Class kahapon.

2.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng patanong na gamit ng pangungusap?

a)

Kumusta na kaya si Yuki?

b)

Maaari bang bilhan mo ako ng chocolate chip?

c)

Puwede bang pakikuha ang sandok sa kusina?

d)

Maaari bang kausapin mo si Maya para sa akin?

3.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pasalaysay na gamit ng pangungusap?

a)

Lutuin mo nga ang daing at tinapa para sa ating almusal.

b)

Makisuyo naman akong ihatid mo ito kay Letisha.

c)

Huwag na huwag mong sasaktan ang damdamin niya.

d)

Ang sipag at tiyaga ay magdadala sa iyo sa tagumpay.

4.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Bilisan mo! May ahas ata rito sa kinatatayuan ko.

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Pakiusap

d)

Pasalaysay

5.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Huwag kang manood ng mga palabas na hindi kaaya-aya para sa iyong edad.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

6.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Nagkainitan ang magkaibigan dahil sa maling impormasyon na ibinalita sa kanila.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

7.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Puwede mo ba akong turuan mag-bake ng custard cake?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

8.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Ano ba ang kulay na magko-complement sa kulay lila?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

9.

Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.

a)

Iyan talagang si Buknoy, sakit sa ulo!

b)

Tulong! May sunog.

c)

Aray! Napaso ako.

d)

Huwag mo akong iwan.

10.

Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.

a)

Ano ba talaga ang nais mong sabihin?

b)

Puwede bang unawain mo pa ako?

c)

Nahihirapan ka na ba?

d)

Saan mo nakita ang damit kong ito?

11.

kapilas ng buhay

a)

tatay

b)

mayaman

c)

asawa

d)

mabait

12.

bukas ang palad

a)

nanay

b)

mabait

c)

matalino

d)

matulungin

13.

tuyo ang papel

(a)  

14.

pagsusunog ng kilay

a)

nagsusunog ng kaniyang kilay

b)

pagsisipag sa pagaaral

c)

iyakin

15.

Nagsusumikap sa pag-aaral si Juncel sa kabila ng pagiging isang anak dalita.

a)

sagabal sa ninanais

b)

mahinhin

c)

mahirap

d)

madaling maiyak

16.

Umiral na naman ang taingang kawali ni Fidel nang tawagin siya ng kaniyang ina para maghugas ng pinggan.

a)

namatay o namayapa na

b)

nagbibingi-bingihan

c)

masipag

d)

pagpapakasal

17.

Ikinagulat ng pamilya ni Sarah ang balitang pantay na ang mga paa ng kaniyang ama na nagtratrabaho s Zamboanga.

a)

mahimbing na pagkatulog

b)

ubos na ang pera

c)

mag-aral nang mabuti

d)

namatay o namayapa na

18.

Pawang balitang kutsero pala ang pagkapanalo ni Theresa sa paligsahan sa pagkanta.

a)

kwentong hindi totoo

b)

walang maaasahan

c)

tambay

d)

hindi tunay na kadugo

19.

Kinagigiliwan si Princess ng kaniyang guro dahil siya ay 'di makabasag pinggan sa klase.

a)

mahinhin

b)

kalimutan na lang

c)

mabagal kumilos

d)

mahirap

20.
Ang mga bata ay naglalaro sa
 
parke.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
21.
Si Gng. Bautista ay nagluto ng pritong manok.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
22.
Ang school bus ay sumusundo sa mga mag-aaral.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
23.
Natutulog nang maaga si G. Antonio.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
24.
Nagbigay ng pasalubong ang aking pinsan.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
25.
Sumisikat ang araw sa Silangan.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
26.
Matulungin sa kapwa ang mga Lasalyano.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
27.
Ang aking lola ay maalaga at mapagmahal.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
28.
Ang aming klase ay naglilinis ng silid-aralan araw-araw.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
29.
Nagmimisa tuwing Linggo ang aking pamilya.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
30.

Ano ang ayos ng pangungusap?

Ako ay nanguha ng mga kabibe sa dalampasigan.

a)

karaniwan

b)

di-karaniwan

31.

Ano ang ayos ng pangungusap?

Ang bag na binigay sa akin ay mula sa balat ng buwaya.

a)

karaniwan

b)

di- karaniwan

32.

Ano ang ayos ng pangungusap?

Ang kailangan natin ay pag-ibig.

a)

karaniwan

b)

di- karaniwan

33.

Ano ang ayos ng pangungusap?

Mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay.

a)

karaniwan

b)

di- karaniwan

34.

Ano ang ayos ng pangungusap?

Ang pagmamahal sa bayan ay pagmamahal din sa Diyos.

a)

karaniwan

b)

di- karaniwan

35.

Ano ang ayos ng pangungusap?

Bakit mahal mo ang iyong bayan?

a)

karaniwan

b)

di- karaniwan

36.

Gawing di-karaniwan ang pangungusap sa ibaba.

Magigiting ang mga sundalo sa Mindanao.

a)

Ang mga sundalo sa Mindanao ay magigiting.

b)

Magigiting ang mga sundalo.

c)

Sa Mindanao, magigiting ang mga sundalo.

37.

Alin ang pangungusap na di- karaniwan ang ayos?

a)

Madalas bumabagyo sa Pilipinas tuwing Hulyo.

b)

Sinususpinde ang klase kapag may bagyo.

c)

Barado ang mga kanal.

d)

Ang mga basura ay nagkalat sa mga kalsada.

38.

Alin ang pangungusap na di- karaniwan ang ayos?

a)

Mahal ko ang Pilipinas.

b)

Ang Pilipinas ay isang mainit na lugar.

c)

Maraming magandang pasyalan sa Pilipinas.

d)

Dapat nating libutin ang magagandang lugar sa Pilipinas.

39.

Ano ang ayos ng pangungusap?

Ipagmalaki natin ang pagiging Pilipino.

a)

karaniwan

b)

di- karaniwan

40.

Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

41.

Ayon kay Santiago et al., (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga Pilipino.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

42.

Sa palagay ko ay si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

43.

Ang konsensiya ay nakamamatay.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

44.

Naniniwala ako na lahat ng tao ay mamamatay.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

45.

Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

46.

Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa mga magulang.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

47.

Ayon kay Padre Serrano, magkakaroon ng handaan mamayang gabi.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

48.

Sa pagkakaalam ko, karamihan sa mga lalaki ay manloloko.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

49.

Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talinto at kakayahan.

a)

KATOTOHANAN

b)

OPINYON

50.

Ito ay uri ng pangungusap na nagkukwento o naglalahad at nagtatapos sa tuldok.

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Pautos

d)

Patanong