Worksheetsthird quarter Music Test
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Ang tunog na prrrt….. prrrt…. ay mula sa pito, saan naman galing ang tunog na kokak- kokak?
pusa
baboy
palaka
aso
2. Si Margie ay naatasang gayahin ang tunog ng tambol, alin ang tunog na dapat niyang bigkasin ?
A. tik – tak - tik - tak
B. ngiyaw – ngiyaw – ngiyaw
C. pip – pip – pip - pip
D. bum – bum – bum -bum
3. Sinabihan ka ng iyong guro na gayahin ang tunog ng kambing , alin ang sasabihin mo?
A. kokak - kokak
B. meee – meee
C. twit-twit
D. oink – oink
4. Si Mila ay naatasang gayahin ang tunog ng orasan, alin ang tunog na dapat niyang bigkasin ?
A. tik – tak - tik - tak
B. pip – pip – pip – pip
C. ngiyaw – ngiyaw - ngiyaw
D. bum – bum – bum - bum
5. Ang banda ang nanguna sa parada ng paaralan, anong uri ng tunog ang maririnig mula dito?
A. mahinang tunog
B. malakas na tunog
C. walang tunog
D. katamtamang tunog
6. Ang lakad ng elepante ay naiuugnay sa malakas na tunog, anong kilos ng hayop naman maiuugnay ang mahinang tunog?
A. lakad ng daga
B. takbo ng ostrich
C. takbo ng kabayo
D. lakad ng kalabaw
7. Sa pangkatang gawain, naatasan ang inyong pangkat na isagawa ang malakas na bahagi ng awit. Ano ang inyong maaaring gawin?
A. kumembot
B. tumalon ng mataas
C. lumakad ng dahan – dahan
D. ipaikot ang balikat
8. Sa paligsahan ng pagkanta at pagtula, ang mga kalahok ay inasahan na gamitin ang dynamic levels . Sino sa kanila ang nakagawa nito?
A. Si Gemma na kumanta ng mahina sa bawat bahagi ng awit .
B. Si Adrian na kumanta ng malakas sa bawat bahagi ng awit.
C. Si Aldrin na bumigkas ng tula ng mahina sa bawat bahagi ng tula.
D. Si Aldrich na umawit nang may malakas at mahinang tunog.
9. Ang dalawang bata ay nag-uusap tungkol sa kanilang aralin. Anong uri ng tinig ang kanilang ginamit?
A. singing voice
B. melismatic
C. speaking voice
D. pasyon
10. Anong uri ng tinig ang gagamitin kung ikaw ay sasali sa isang paligsahan sa pag-awit?
A. singing voice
B. melismatic
C. speaking voice
D. lipsynch
