NEW
Font size
WorksheetsThird Quarter Arts
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
1. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglilipat o pagpaparami ng mga teksto o larawan at pag-iiwan ng bakat gamit ang tinta sa papel o iba pang kagamitan.
A. printing
B. pagguhit
C. pagkulay
D. pagpinta
2. Ito ay isang sining na ginagamitan ng tubig sa paggawa ng disenyo na may hinalong pintura at inilimbag sa papel o tela.
A. stencil
B. finger printing
C. marbling
D. stamp printing
3. Ang mga bagay tulad ng sanga at balat ng kahoy, bato,dahon at balahibo ng hayop ay tinatawag na______?
A. artificial na bagay
B. likas na bagay
C. karaniwang bagay
D. plastic na bagay
4. Ito ay isang tatak na karaniwang ginagamit sa pangkomersiyong pagawaan,organisasyon,at ng mga indibidwal upang makapagtaguyod ng publikong pagkilala.
A. islogan
B. printing
C. logo
D. marbling
5. Anong uri ng paglilimbang ang ginamit sa larawan?
A. stencil
B. marbling
C. stamp printing
D. finger printing
6. Ito ay isang uri ng paglilimbag ng paulit-ulit na disenyo na ipinadadaan o inililipat ang tinta,pintura o wax sa mga butas o hiwa sa kardbord o metal.
A. stencil
B. marbling
C. logo
D. finger printing
7. Ano ang tawag sa disenyong di makatotohanan?
A. Likas na bagay
B. abstract
C.plastik
D. natural
8. Ang stamp printing ay isang pamamaraan ng________?
A. pagguhit
B. pagkulay
C. paglilimbag
D. pagpinta
9. Paano magagawa ang paglilimbag sa pamamagitan ng daliri?
A. sa pamamagitan ng pagdiin ng daliri
B. sa pag-ihip ng pintura
C. sa pagguhit
D. sa paglagay ng tubig
10. Ang isang stencil ay maaaring gamitin muli para sa reproduksiyon ng marami pang disenyo.
A. tama
B. mali
C. hindi pwede
D. hindi sigurado
