NEW
Font size
WorksheetsSUKAT KAALAMAN
Total questions: 20
Worksheet time: 24mins
Pumunta si Melody sa Silid-Aklatan upang humanap ng mga lathalaing kinasusulatan ng mga ulat ng mga mananaliksik tungkol sa kanilang isinagawang pag-aaral. Karaniwang halimbawa ng mga ito ay interbyu, journal, at diary. Saang sanggunian niya ito maaaring mahanap?
Pangkalahatang Sanggunian (General Reference)
Pangunahing Sanggunian (Primary Sources)
Pangalawang Sanggunian (Secondary Sources)
Lokal na Sanggunian (Local Sources)
Nakahanap si Lovely ng mga batas at direktiba ng mga departamento katulad ng sirkular, memorandum, order, at iba pa namay kaugnayan sa pag-aaral. Saan ito karaniwang inilalagay na kabanata sa isang pananaliksik?
Kabanata I – Ang Suliranin at Sanligan Nito
Kabanata II – Ang Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Kabanata III – Pamamaraan ng Pananaliksik
Kabanata IV – Paglalahad at Pagsusuri ng Datos
Base sa Sarbey, sa Gulang na 16 ay nagkaroon ang mga mananaliksik na 16 bilang ng mga lalaki na nakakuha ng mababang grado dahil sa paglalaro ng Mobile Legends. Sa kabuuang 50 na mag-aaral na napili nilang respondente. Ilang bahagdan ito sa kabuuang bahagdan na 100%?
30%
36%
32%
34%
Base sa Sarbey sa 150 na mag-aaral, sa Baitang 12 sa istrand ng HUMSS ay nakakuha ng 16 bahagdan ang mga mag-aaral na nakaranas ng mahinang koneksiyon ng internet sa klase. Ang 16 bahagdan ay binubuo ng ilang mag-aaral?
22
25
21
24
“Persepsyon ng mga mag-aaral sa Divorce Bill.” Ang ganitong uri ng paksa ay gumagamit ng anong pamaraang pananaliksik?
Palarawan
Historikal
Eksperimental
Deskriptibo
“Napagdesisyonan nila Dianne at Rose sa isasagawang sarbey sa kanilang pananaliksik na magkaroon ng 30 respondente na nasa Ika-11 Baitang sa istrand ng HUMSS.” Alin sa pahayag ang tinutukoy na populasyon at sample?
Populasyon: Dianne at Rose, Sample: 30 respondente
Populasyon: Ika-11 Baitang sa istrand ng HUMSS, Sample: 30 respondente
Populasyon: 30 respondente, Sample: Ika-11 Baitang sa istrand ng HUMSS
Populasyon: Ika-11 Baitang sa istrand ng HUMSS, Sample: Dianne at Rose
“Ano ang epekto ng online learning sa pisikal at sikolohikal na na aspekto ng mag-aaral?”
Batay sa pahayag sa itaas, saang bahagi ito ng Kabanata I matatagpuan?
Balangkas Teoretikal
Balangkas Konseptuwal
Paglalahad ng Suliranin
Saklaw at Delimitasyon
Anong ibig sabihin ng mga letra na ginamit sa pormyula sa pagkuha ng bahagdan?
P = Percentage
F = Frequency Count
N = Total Frequency
P = Perspective
F = Frequency Celcius
N = No Frequency
P = Number of Persons
F = Frequency Count
N = Total Persons
P = Pertile
F = Frequency Pertile
N = Total Pertile
Anong pormyula ang ginagamit sa pagkuha ng bahagdan?
F = P/N X 100
N = P/F X 100
P = N/F X 100
P = F/N X 100
Inilalarawan sa bahaging ito kung ano at kung paano isinasagawa ang pag-aaral batay sa disenyong ginamit sa pananaliksik.
Pamagat
Metodolohiya o pamamaraan
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Lagom, Konglusyon, Rekomendasyon
Sa bahaging ito nakapaloob ang kinalabasan ng mga datos na ibinigay sa mga kalahok.
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Layunin o Paglalahad ng Suliranin
Resulta ng Pag-aaral o Pagtalakay
Buod o Lagom
Masinop na kinukuha ni Julia ang bawat pangalan ng manlilimbag, pamagat, website, URL na kaniyang pinagkukunan ng mga datos upang ito ay mailagay sa anong bahagi ng kanilang pag-aaral?
Panimula
Apendises/Apendiks
Buod o Lagom
Talasanggunian
“Ang pag-aaral na ito ay inaasahang matamo na matukoy ang mga epekto ng paglalaro ng Call of Duty na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng Monmilar Development Academy Inc.” Ang pahayag na ito ay nabubuo sa anong bahagi ng pananaliksik?
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Layunin o Paglalahad ng Suliranin
Resulta ng Pag-aaral o Pagtalakay
Buod o Lagom
Piliin ang mga dapat tandaan na tagubilin sa pagsulat ng Lagom.
Hindi na kailangan ang anumang eksplanasyon o pagpapalawig.
Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga importanteng datos.
Huwag magdagdag ng mga bagong datos o impormasyon sa lagom.
Lahat ng nabanggit
Ito ay mga lathalaing kinasusulatan ng mga paglalarawan ng mga may-akda sa resulta ng pananaliksik ng ibang awtor.
Pangkalahatang Sanggunian (General References)
Pangunahing Sanggunian (Primary Sources)
Pangalawang Sanggunian (Secondary Sources)
Specific References
Piliin ang wastong tagubilin sa pagsulat ng kongklusyon.
Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga factual na napag-alaman sa pagsisiyasat.
Kung may mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy, at pagpapabuti ng mga iyon at mga hakbang o paraan kaugnay niyon.
Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.
a at c
“Epekto ng Self- Learning Modules sa Academic Performance sa mga mag-aaral na nasa Senior High School ng
Monlimar Development Academy Inc. Taong Panuruan 2021-2022, Lungsod ng Taguig.” Alin sa paksa ang tinutukoy na populasyon?
Monlimar Development Academy Inc.
Taong Panuruan 2021-2022
Mag-aaral na nasa Senior High School
Academic Performance
Sila ang grupong inaaplayan ng paglalahat o generalization.
Sample
Populasyon
Mananaliksik
Lahat ng nabanggit
Ito ang pinakamadaling paraan sa pangangalap ng datos o impormasyon sa isang pag-aaral.
Pakikisalamuha
Paghahanap sa Internet
Pagbuo ng Talatanungan
Lahat ng nabanggit
“Bakas ng Subersiyon: Martial Law at Dekada 70 ni Karl Christian Alcover ng University of Hawaii at Manoa,
karlchri@hawaii.edu.” Anong pamaraan ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na ito?
Palarawan
Historikal
Eksperimental
Deskriptib
