Font size
WorksheetsIkatlong Markahan Balik - Tanaw
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ito ay uri ng moral na birtud na kakayahang magpigil at kontrolin ang sarili.
Pagtitimpi
Katatagan
Katiyagaan
Intelektwal
Sa kabila ng tinatamasa ni Julius, pinili niyang ilaan ang kanyang panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan sa Tondo. Ipinamahala niya ang kanyang negosyo sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kanyang yaman sa mga batang kanyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na kapalit. Nasa anong antas ng pagpapahalaga si Julius.
Pambuhay na Pagpapahalaga
Ispirituwal na Pagpapahalaga
Banal na Pagpapahalaga
Pandamdam na Pagpapahalaga
Sino ang bumuo ng Hirarkiya sa Pagpapahalaga?
Mark Sheller
Max Scheler
Max Sheller
Mark Scheler
Ang __________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
Pambuhay na Pagpapahalaga
Pandamdam na Pagpapahalaga
Ispiritwal na Pagpapahalaga
Banal na Pagpapahalaga
Tinatawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga dahil:
a. Ang puso ng tao ay may kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi nauunawaan ng isip.
b. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi kailanman ang isip.
c. Ang puso ng tao ay may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na pandalian.
Galing sa salitang latin na virtus (vir) na nangangahulugang “pagiging tao”.
ito ay nagtuturo sa tao upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti.
Katarungan
Katatagan
Karunungan
Katapatan
Ibigay ang 2 uri ng Birtud.
Nagmula sa salitang latin na “valore na nangangahulugang pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay.
Pagpapasya
Pagpapahalaga
Pagtatalaga
Pagpapatala
Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa pagpapahalaga sa tahanan kung:
Naipapakita lamang ang natutunang mga pagpapahalaga sa tuwina na may kaharap na ibang tao.
Walang sinuman sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging maingat sa kanilang mga paghuhusga.
Tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak.
Nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang parehong halaga na kanilang itinuro.
