wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

BATAYANG KONSEPTO AT SIMULAIN SA PAGSASALING WIKA

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay proseso ng pagpapahayag ng isang mensahe mula sa wikang isinasalin tungo sa pinagsasalinang wika nang pinapanatili ang orihinal na diwa.

(a)  

2.

Ang pagbibigay ng pinakamalapit na katumbas na diwa ng isang mensahe sa pinagsasalinang wika mula sa wikang isinalin ay nagaganap sa pagsasaling- wika

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Sa pagsasaling- wika, pagpapakahulugan sa pinagsasalinang wika ng mensahe ang isinasaalang- alang hindi ang pagtutumbas.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Ang pagsasaling-wika ay pagsasatitik sa pinagsalinang wika ng sariling kaisipan batay sa pagkakaunawa nito

sa isinasaling wika.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Sa sinaunang panahon, ang mismong mensahe ang

pinahahalagahan sa pagsasaling- wika.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Sa sinaunang panahon higit na isinasaalang- alang

ang bawat salita at balangkas ng pangungusap o pahayag.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Sa makabagong panahon mas pinahahalagahan ang harmonya ng diwa at anyo

ng akda sa proseso ng pagsasalin.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Naging 'sampay- bakod' ang pagsasaling- wika sa panahon ng Kastila.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Ang pagsasaling- wika ay nagpapakilala ng iba’t ibang kultura at

pagkakakilanlan.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Alin ang hindi kabilang sa mga simulain sa pagsasaling- wika sa sinaunang panahon?

a)

Dapat maging himig orihinal ang salin.

b)

Dapat manatili o pangibabawin sa salin ang istilo ng awtor.

c)

Ang wika ay makamuhon sa kultura ng mga taong likas na gumagamit

nito.

d)

Hindi maaaring baguhin, dagdagan o bawasan ang diwa, ng orihinal na

akda sa pagsasalin.

11.

Alin ang hindi kabilang sa makabagong proseso ng pagsasalin?

a)

May tiyak na kahulugan sa ibang wika ang karamihan sa mga salita ng

isang wika.

b)

Dapat maging himig salin ang salin.

c)

Hindi kailangang ilipat sa pinagsasalinang wika ang kakanyahan ng

wikang isinasalin

d)

Ang wika ay makamuhon sa kultura ng mga taong likas na gumagamit

nito.

12.

Ano ang nais ipakahulugan ng “style is the man” sa pagsasaling- wika?

a)

Dapat manatili o pangibabawin sa salin ang istilo ng awtor

b)

May kani-kanyang natatanging kakanyahan ang bawat wika

c)

Dapat manatili sa salin ang himig kapanahon ng awtor sa orihinal

d)

Isaalang-alang ang wikang kasalukuyang sinasalita ng bayan sa pagsasaling-

wika

13.

Alin sa tatlong paraan ng pagsasalin ayon kay Jakobskon ang INTERSEMIYOTIKONG PAGSASALIN

a)

pagsasalin mismo

b)

paglilipat-anyo

c)

paglilipat-salita

14.

Sa prosesong ito ng pagsasalin, inihahanap ng tagapagsalin ng katapat na salita/pahayag sa isinasaling wika ang isinasalin.

a)

Sistemang adapsyon

b)

Pagtutumbas

c)

Panghihiram

d)

pagsasaling pampanitikan.

15.

Alin sa mga sumusunod na katangian ang hindi kailangang taglayin ng mga tagasaling teknikal?

a)

Kaalaman sa paksa

b)

Mga kasanayan sa saliksik

c)

Mga kasanayan sa pagsulat

d)

Wala sa nabanggit