NEW
Font size
WorksheetsELEMENTARY
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ito ang paksa ng pangungusap na batayan ng mga detalyeng inilahad sa teksto.
Pangunahing Ideya
Pangungusap
Talata
Salita
'Ang manika ni Lina ay maganda. Mahaba ang buhok niya. Malaki ang mga mata ng manika. Ang pangalan niya ay Nika. Puti ang damit niya.' Ano ang maaaring pamagat ng talata?
Ang Pangalan Niya ay Nika
Ang Manika
Maganda ang Manika
Si Lina
'Si Mira ay may aso at pusa. Ang mga ito ay masasaya. Ang pusa ay may laso. Ang aso ay may laso rin. Ang laso ng pusa ay puti. Ang laso ng aso ay pula. Laro nang Laro ang mga alaga ni Mira.' Ano ang Pangunahing Ideya o kaisipan ng talata?
Ang Laso
Laro nang Laro ang mga hayop
Ang Aso at Pusa ni Mira
Ang mga ito ay masasaya
'Ang mga bata ay nasa parke. May dalang bola at istik ang mga bata. Kasama pa ng mga bata ang mga alaga nila na maglaro sa parke.' Ano ang Pangunahing Ideya o kaisipan ng talata?
Ang Bola at Istik na Dala ng mga Bata
Ang Mga Bata
Ang Mga Alaga sa Parke
Naglalaro sa Parke
'Si Bugoy unggoy na hindi marunong lumangoy ay nahulog sa ilog, ang ulo ay nauntog. Si Bugoy ay inanod, nawala at nalunod.' Ano ang Pangunahing Ideya o kaisipan ng talata?
Ang Ilog
Si Bugoy ay Isang Unggoy
Nalunod si Bugoy
Inanod si Bugoy
'Ang sampaguita ay mabango ng bulaklak. Gustong-gusto ko ang amoy nito. Tuwing Linggo ay bumibili nito ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ang sampaguita ay paborito Kong bulaklak.' Ano ang Pangunahing Ideya o kaisipan ng talata?
Ang sampaguita ay mabangong bulaklak.
Ang paborito Kong bulaklak.
Maganda ang bulaklak ng sampaguita.
Gustong-gusto ko ang amoy ng sampaguita.
'Isang mabait na bata si Carol. Magalang siyang makipag-usap sa mga tao. Sinusunod niya ang mga payo ng kaniyang mga magulang at guro. Siya ay tumutulong sa mga Gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan.' Ano ang Pangunahing Ideya o kaisipan ng talata?
Isang mabait na bata si Carol.
Magalang makipag-usap si Carol sa mga tao.
Sinusunod ni Carol ang payo ng kaniyang mga magulang at guro.
Si Carol ay tumutulong sa mga Gawaing bahay.
Si Leo ay palaging sabik mag-aral. Gusto niya ang nagbabasa at nagsusulat. Palagi siyang sumasagot kapag may tanong ang kanyang mga guro. Masaya siya kapag nagbibilang siya sa Math.
Masaya si Leo kapag nag-aaral.
Gusto ni Leo and magbasa at magsulat.
Marunong magbilang si Leo.
Alin ang pangunahing kaisipan sa talata?
Isang mabait na bata si Carol. Magalang siyang makipag-usap sa mga tao. Sinusunod niya ang mga payo ng kanyang mga magulang at guro. Siya ay tumutulong sa mga gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan.
Siya ay tumutulong sa mga gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan.
Sinusunod niya ang mga payo ng kanyang mga magulang at guro.
Magalang siyang makipag-usap sa mga tao.
Isang mabait na bata si Carol.
Alin ang pangunahing kaisipan sa talata?
Ang ngipin ay dapat na mapangalagaan. Maganda itong tingnan kung ito’y mapuputi. Mabango ang hininga kung walang sira ang ngipin. Walang sasakit o walang masisirang ngipin kung magsisipilyo tatlong beses sa isang araw.
Ang ngipin ay dapat na mapangalagaan.
Maganda itong tingnan kung ito’y mapuputi.
Mabango ang hininga kung walang sira ang ngipin.
Walang sasakit o walang masisirang ngipin kung magsisipilyo tatlong beses sa isang araw.
Alin ang pangunahing kaisipan sa talata?
Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba’t ibang kaalaman. Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Ang pagbabasa araw araw ay nakatutulongdin sa pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao. Nalilinang din nito ang bokabolaryo ng mambabasa. Mas maraming salita kang matututunan kung ikaw ay magbabasa. Napakarami talagang benepisyong makukuha ang isang tao kung siya ay palaging magbabasa.
Nalilinang din nito ang bokabolaryo ng mambabasa.
Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba’t ibang kaalaman.
Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay.
Ang pagbabasa araw araw ay nakatutulongdin sa pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao.
Alin ang pangunahing kaisipan?
Maaga pa ay gising na ang lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papuntang simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ay araw ng kaniyang kasal.
Maaga pa ay gising na ang lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Isidro.
Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papuntang simbahan.
Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa.
Ito ay araw ng kaniyang kasal.
Alin ang pangunahing kaisipan?
May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Kasaganaan naman ang berde at kaluPag-ibig naman ang kahulugan ng rosa at panibugho naman ang dilaw. Kalungkutan ang itim. Marami pang kahulugan ang kulay.
May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay.
Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan.
Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosa at panibugho naman ang dilaw.
Marami pang kahulugan ang kulay.
Alin ang pangunahing kaisipan?
Matalinong bata si Nalyn. Mula elementarya ay kinikilala na ang kanyang karunungan. Palagi siyang kasali at nananalo sa anumang pang-akademiyang paligsahan. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral na may mataas na karangalan.
Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral na may mataas na karangalan.
Palagi siyang kasali at nananalo sa anumang pang-akademiyang paligsahan.
Mula elementarya ay kinikilala na ang kanyang karunungan.
Matalinong bata si Nalyn.
Alin ang pangunahing kaisipan?
Magalang na bata si Carlo. Palagi siyang gumagamit ng po at opo kapag kausap ang nakatatanda sa kanya. Hindi rin niya nakakaligtaang magmano. Palagi siyang naghihintay ng oras niya upang magsalita at hindi basta sumasabat sa usapan.
Magalang na bata si Carlo.
Palagi siyang gumagamit ng po at opo kapag kausap ang nakatatanda sa kanya.
Hindi rin niya nakakaligtaang magmano.
Palagi siyang naghihintay ng oras niya upang magsalita at hindi basta sumasabat sa usapan.
