NEW
Font size
WorksheetsIkatlong MarkahanMahabang Pagsusulit
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
1. Pahayagang nakasulat sa tagalog o lokal na wika.
A. Tabloid
B. Komiks
C. Magasin
D. Kontemporaryong Dagli
2. Mga larawang-kuwentong sumasalamin sa isyung panlipunan.
A.Tabloid
B. Komiks
C. Magasin
Kontemporaryong Dagli
3. Babasahing nakapaloob ang mga nauuso o patok.
A. Tabloid
B. Komiks
C. Magasin
D. Kontemporaryong Dagli
4. Ito ay maikling maikling kuwentong mabilis ang pangyayari at iba pa.
A. Tabloid
B. Komiks
C. Magasin
D. Kontemporaryong Dagli
5. Isang bidyo na kinukwento ang buhay.
A. Kontemporaryong dagli
B. Print Media
C. Blog
D. Tabloid
6. Ang unang itinuturing na una sa pinagkakatiwalaang pinagkukunan ng pampolitikong impormasyon sa Pilipinas.
A. Internet
B. Opinyon
C. Radyo
D. Personal na Interpretasyon
7. Ito ay sapantaha, o palagay sa isang isyu o paksa ng mga mamahayag o broadcaster.
A. Hinuha
B. Katotohanan
C. Opinyon
D. Personal na Interpretasyon
8. Ito ay ang pahayag na ang impormasyon ay balido dahil ito ay may pinagbatayan. Ito rin ang nagiging daan upang ang isang broadcaster ay magkakaroon ng kredibilidad sa pamamahayag.
A. Hinuha
B. Katotohanan
C. Opinyon
D. Personal na Interpretasyon
9. Ayon kay Elena Botkin-Levy, ito ay nagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu.
A. debate
B. social media
C. komentaryong panradyo
D. personal na interpretasyon
10. Tukuyin kung katotohanan, hinuha, opinyon o personal na interpretasyon ang mga sumusunod na pahayag.
Batay sa school calendar na ibinaba ng DepEd, sa Hunyo 2021 ang pagtatapos ng Taong Panuruang 2020-2021.
A. hinuha
B. katotohanan
C. opinyon
D. personal na interpretasyon
11. Ito ay tumutukoy sa sound effects na inilalapat sa radyo.
A. BIZ
B. Chord
C. SFX
D. SOM
12. Ito ang tunog na nangangahulugang naririnig mula sa malayo o background.
A. Chord
B. SFX
C. SOM
D.Standard Chord
13. Ito ay ang pambungad na tunog sa pagkakakilanlan ng programa.
A. BIZ
B. SOM
C. CHORD
D. SFX
14. Ang sumusunod na ekspresyon ay nagpapahayag ng mga pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw, maliban sa isa.
A. sa isang banda
B. sang-ayon sa
C. sa kabilang dako
D. samantala
15. Batay sa dulaang radyo na “Tapat na Pag-ibig”, ano ang nais gawin ni Mutyang Pedrin na ayaw gawin ni Jose?
A. sila ay magtanan
B. maging isang tulisan
C. magpunta sa isang bayan
D. umalis ng kanilang tahanan
16. Anong palabas sa programang pantelebisyon ang sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
A. dokumentaryo
B. game show
C. teleserye
D. variety show
17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng programang pantelebisyon?
A. Nagbibigay ng totoong kalagayan ng mga tao sa isang lugar
B. Nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao
C. Nagbibigay-serbisyo sa mga tao na malaking bagay para sa masang Pilipino.
D. Nagbibigay ng angkop na ekspresyon sa bawat sitwasyong kinakaharap ng mga Pilipino
18. Ito ay bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap.
A. Tono
B. Layon
C. Paksa
D. Kontemporaryong Telibisyon
19. Ito ay intensiyong tinutukoy sa isang akda.
A. Paksa
B. Layon
C. Tono
D. Kontemporaryong Pantelibisyon
20. Ito ay tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.
A. Tono
B. Layon
C. Paksa
D. Kontemporaryong Pantelibisyon
21. Piliin ang wastong hudyat na bubuo sa mga pangungusap.
Tulong-tulong sa paghahanda ng pagkain ang pamilya Lustre __________ may mapagsaluhan sila sa Noche Buena.
A. dahil
B. dahil sa
C. kaya
D. upang
22. Hindi makakauwi mula Saudi ang tatay ni Noli __________ malungkot siya sa darating na pasko.
A. dahil
B. dahil sa
C. kaya
D. upang
23. __________ pagpupursigi niya sa pag-aaral, may magandang trabaho siya ngayon.
A. Dahil
B. Dahil sa
C. Kaya
D. Upang
24. Nakapagtapos ng pag-aaral si John __________ labis ang tuwa ng kaniyang mga magulang.
A. dahil
B. dahil sa
C. kaya
D. para
25. Maganda ang inani ni Mang Bernie sa mga pananim na palay __________ inalagaan niya ito nang mabuti
A. dahil
B. dahil sa
C. kaya
D. para
26. Ito ay salitang karaniwang ginagamit sa mga pelikulang Pilipino.
A. ingles
B. taglish
C. sariling wika
D. hiram na salita
27. Karaniwang salitang ginagamit sa mga pelikulang drama, komedya, romansa at pag-ibig.
A. balbal
B. pormal
C. di-pormal
D. lalawiganin
28. Ito ay katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula.
A. Protagonista
B. Antagonista
C. Tema
D. Tauhan
29. Mahalagang mapukaw ang interes at pananaw ng mga tagapanood sa isang pelikula upang____________.
A. hindi masayang ang pinagpagurang pelikula
B. mas maging kaabang-abang ang bawat eksena
C. masulit ang pagod at hirap ng mga artistang nagsiganap
D. mas maging tutok at hindi nawawala ang abilidad sa pagtingin sa katotohanan
30. Mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa isang pelikula upang mas ______.
A. lumutang ang damdamin ng may akda
B. lalong makasabay ang mga tagapanood
C. mabigyang-kahalagahan ang diyalogo ng mga nagsiganap
D. lalong maunawaan ng mga tagapanood ang nais iparating nito
31. Suriin ang pagkamakatotohanan ng mga pahayag. Piliin ang T kung Tama at M kung Mali ang pahayag.
Ginagamit sa impormal na komunikasyon. Ito ay maaaring mapabilang sa balbal (salitang kalye o imbento), kolokyal (mga pinaikli o pagpapaikli ng salita) o banyaga (salita mula sa ibang wika).
T
M
32. Paunang Balita isang ulat ito ng mga hindi inaasahan o biglaang pangyayari tulad ng mga aksidente.
T
M
33. May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa radyo, ito ay ang Amplitude Modulation (AM) at Frequency Modulation (FM).
T
M
34. Sa pagpapahayag ng isang broadcaster sa kaniyang programa, malimit na gumagamit ng sapantaha o hinuha.
T
M
35. Radio Broadcasting-ay isang uri ng pagsasahimpapawid ng impormasyon o balita, lokal man o internasyonal sa pamamagitan ng radio waves.
T
M
36. Dulaang panradyo-isang klase ng pagtatanghal na ginagamit lamang ang boses at iba’t ibang tunog katulad ng yabag ng mga tauhan, kalansing o tunog ng mga kagamitang kanilang hinahawakan, at iba pa. Ginigising nito ang ating panlasa, pang-amoy at pandama sapagkat nahuhubog nito ang malikhaing kamalayan sa ating naririnig
T
M
37. Binabawal sa komentaryong panradyo ang pagbibigay ng personal na interpretasyon.
T
M
38. Ang napapanahong isyu sa isang bansa ay maaaring pag-usapan sa isang komentaryong panradyo
T
M
39. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.
T
M
40. Paraan at Layunin ang gumagamit ng mga pang-ugnay na para, upang o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.
T
M
41. Artista –kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad sa pelikula kasama ang detalye ng aksyon at mga patnubay na teknikal na kailangan sa produksyon.
T
M
42. Bida – tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
T
M
43. Lights,camera,action – tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at pag-arte.
T
M
44. Una sa pormat ng panunuring pelikula ang I. Buod ng Pelikula
T
M
45. Ikatlo sa Pormat ng panunuring pelikula ay ang III. Mga Tauhan
T
M
46. Si Tonyo at Lea ang pangunahing tauhan sa Kita- kita.
T
M
47. Ang gumanap na Stella (Bela Padilla) at Fidel (JC Santos).
T
M
48. Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang suringpelikula ay kailangan upang maging epektibo ang pagsulat. Ang maling paggamit ng bantas ay nagbubunga ng maling interpretasyon sa ipinahihiwatig na ideya
T
M
49. Ang tunay na pag-ibig ay walang halong pagkukunwari at hindi dapat maging basehan ang hitsura ng isang tao kundi ang kabutihan nitong taglay.
T
M
50. Wala namang tama o maling tao. Wala ring tama o maling pagkakataon para magmahal. Pagnagmahal ka kailangan mo magmahal. Period. Tayo lamang ang lumilikha ng kategorya ng tama o mali sa pag-ibig. Ang mga desisyon natin ang mag-uukit ng kung paano ang magiging takbo ng ating kwento.
T
M
