Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Q3 SUMMATIVE 2

Total questions: 20

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang paraan sa pagpapanatili ng

kaayusan sa mga babalang pantrapiko?

a)

Tumatawid ako kahit saan

b)

tumatawid ako sa tamang tawiran.

c)

tumatakbo ako ng mabilis sa gitna ng daan.

2.

2. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa tamang pagtatapon ng

basura upang mapanatili ang kalinisan

ng ating kapaligiran maliban sa isa. Alin ang hindi?

a)

Pinababayaan ko ang mga nagkakalat ng basura.

b)

Pinaghihiwalay ko ang mga nabubulok at di nabubulok na basura.

c)

Pinupulot ko ang mga kalat at itinatapaon sa tamang basurahan

3.

3. Ito ay isang paraan ng pagpapanatili ng kaayusan sa mga babalang pantrapiko.

a)

ipinaparada ni tatay ang sasakyan sa tamang lugar.

b)

Ipinaparada ni tatay ang sasakyan kahit saan niya gusto.

c)

Ipinaparada ni tatay ang sasakyang sa harap ng maraming tao

4.

4. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagtatapon ng basura upang magkaroon ng malinis na kapaligiran.

a)

Tinitingnan ko lang ang mga kalat.

b)

Pinupulot ko ang mga kalat at tinatapon lahat sa basurahan.

c)

Pinupulot ko ang mga kalat at hinihiwalay ang ang nabubulok at di nabubublok

5.

5. Alin sa mga sumusunod na paraan ang nagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran?

a)

Sinisira ko ang mga tanim na bulaklak ni inay.

b)

Nagtatanim ako ng mga bulaklak sa harap ng bahay.

c)

doon kami naglalaro sa lugar kung saan nakatanim ang mga halaman ni inay.

6.

6. Maagang nagising si Tonyo sa araw na iyon. Pagkabangon niya ay

pinatay niya lahat ng nakabukas na ilaw sa kanilang bahay.

a)

MASINOP

b)

DI MASINOP

7.

7. Nakita ni Ara na may tagas ang kanilang gripo sa may banyo pero

pinabayaan lang niya ito at hindi niya sinabi sa kanyang mga

magulang.

a)

MASINOP

b)

DI MASINOP

8.

8.Sa loob ng silid aralan ni Bell ay may mga bentilador na nakaandar

kahit hindi naman ginagamit. Upang makatipid sa kuryente ay pinatay

ni Bell ang bentilador na walang gamit.

a)

MASINOP

b)

DI MASINOP

9.

9.Itinapon ni Arvin ang kanilang sobrang pagkain dahil ayaw na niya

itong kainin.

a)

MASINOP

b)

DI MASINOP

10.

10. Ayaw mag-aksaya ng tubig ni Nita, kaya naman ay gumagamit siya

ng palanggana sa paghuhugas ng pinggan upang magamit niyang

pandilig ang tubig.

a)

MASINOP

b)

DI MASINOP

11.

11. Magkakaroon ng Oplan Linis Bakuran sa inyong

barangay. Ano ang iyong magagawa?

a)

Tutulong ako sa pagwawalis at pamumulot ng basura sa

bakuran ng aming bahay.

b)

Manonood lang ako ng telebisiyon at hahayaan na si Nanay

lang ang maglinis.

c)

Hindi ko papansinin ang aktibidad ng barangay at makikipaglaro

lamang ako sa aking mga kaibigan.

12.

12. Nakita mo na nagkakalat ang iyong bunsong kapatid sa

parke. Ano ang gagawin mo?

a)

Panonoorin ko ang aking kapatid.

b)

Pupulutin ko ang kalat at pagsasabihan ang aking kapatid.

c)

Hahayaan ko na lang ang ikinalat ng aking kapatid.

13.

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakitang pakikiisa

sa kalinisan ng paaralan?

a)

Hinihiwalay ko ang plastik sa papel.

b)

Tumutulong ako sa paggawa ng hardin ng mga gulay sa paaralan.

c)

Isinisiksik ko sa upuan ang balat ng kendi.

14.

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pakikiisa sa

kalinisan at kaayusan ng pamayanan?

a)

Nagtatapon ako ng basura sa kalsada.

b)

Sinusunog ko ang mga plastik na basura.

c)

Sumasabay at tumutulong ako kay nanay sa pamumulot ng basura

tuwing may Oplan Linis ang aming barangay.

15.

15. Gusto mong itapon ng balat ng iyong kendi ngunit puno na

pala ang basurahan ng inyong sa silid-aralan. Ano ang maaari mong

gawin?

a)

Itatapon parin ang balat ng kendi sa basurahan kahit puno na ito.

b)

B. Ilalagay ko na lang sa ilalim ng mesa ang balat ng kendi.

c)

Sa bag ko na lang ilalagay ang balat ng aking kendi at sa bahay na

lang ito itatapon.

16.

16. Lumipat ng tahanan ang pamilya ni Gng. Abby dahil sa kaguluhan sa

kanilang barangay. Ayaw niyang masangkot sa gulo ang kanyang mag-

anak.

a)

Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw

b)

Karapatang makapag-aral

c)

Karapatang magkaroon ng tahimik at payapang lugar

d)

Karapatang maisilang

17.

17. Nagsilang si Elma ng isang malusog na sanggol at pinangalanan niya

itong Erin.

a)

Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw

b)

Karapatang makapaglaro at makapaglibang

c)

Karapatang magkaroon ng aktibong katawan

d)

Karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan

18.

18. Kahit nasa murang edad pa si Ethan, nabibigyan siya ng pagkakataon na

makapagpahayag ng kanyang sariling opinyon tungkol sa isyu ng COVID-

19.

a)

Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw

b)

Karapatang makapaglaro at makapaglibang

c)

Karapatang magkaroon ng aktibong katawan

d)

Karapatang maisilang

19.

19. Kahit sa hirap ng buhay nila Romel, pinag-aaral pa rin siya ng kanyang mga

magulang.

a)

karapatang makapag aral

b)

Karapatang magkaroon ng tahimik at payapang lugar

c)

Karapatang maproteksiyonan laban sa mga karahasan

d)

Karapatang magkaroon ng sapat na pagkain

20.

20. Tuwing pagkatapos magsimba ng Pamilyang Sore, dinadala nila ang

kanilang mga anak sa parke.

a)

Karapatang makapaglaro at makapaglibang

b)

Karapatang magkaroon ng sapat na pagkain

c)

Karapatang makapag-aral

d)

Karapatang maisilang