WorksheetsAP4-Q4-Subukin
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang pagiging
kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng
batas?
Pagkamakabayan
Pagkamaka-Pilipino
Pagkamakatao
Pagkamamamayan
2. Sino sa mga sumusunod ang maituturing na mamamayang
Pilipino?
Si Ana na isinilang sa Amerika.
Si Maria na ang ama at ina ay kapwa mga Pilipino.
Si Carlos na anak ng mag-asawang Hapones na
matagal nang naninirahan sa Pilipinas.
Si Donna na ang ama ay Chinese at ang ina ay
Vietnamese na may malaking negosyo sa Pilipinas.
3. Sino ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino?
Ang isang batang may ama o ina na mamamayang
Pilipino.
Ang isang taong isinilang sa Canada.
Ang isang taong mamamayan na ng Pilipinas bago pa
pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987.
Ang mga dayuhang naging naturalisadong
mamamayan ayon sa batas.
4. May dalawang uri ng ang pagkamamamayan: ang likas o
katutubo at naturalisado. Ano ang ibig sabihin ng likas o
katutubong pagkamamamayan?
Ang mga mamamayang anak ng isang Pilipino.
Ang mga mamamayang maaaring isa lamang sa
kaniyang mga magulang ay Pilipino.
Ang mga mamamayang parehong mga Pilipino ang
mga magulang.
Lahat ng nabanggit ay tama.
5. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang naaayon sa dugo
o pagkamamamayan ng magulang?
Jus sanguinis
Pandarayuhan
Jus soli
Naturalisado
6. Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang
pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga sumusunod
MALIBAN sa isa.
Nakamit lamang niya ang kanyang pagka-Pilipino sa
pamamagitan ng naturalisasyon.
Naglingkod siya sa Sandatahang Lakas ng ibang
bansa.
Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng
ibang bansa pagsapit ng 21 taong gulang.
Naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.
7. Sino sa mga sumusunod na mga dayuhan ang maaaring
mabigyan ng pribilehiyong maging Pilipino?
Si G. Miller na sumasalungat sa nakatatag na
pamahalaan ng Pilipinas.
Si G. Choi na nagmamay-ari ng ilegal na pasugalan.
Si Gng. Tan na sumusuporta sa mga kaugalian at
tradisyong maka-Pilipino.
Si Bb. Dy na mula sa bansang nagbabawal sa
kanilang mamamayang maging naturalisadong
mamamayan ng Pilipinas.
8. Si G. Smith na galing sa Amerika ay nakapagpatayo ng isang
malaking kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang
naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa nabanggit, ano ang
pagkamamamayan ni G. Smith?
Siya ay isang Pilipino.
Siya ay isang Amerikano.
Siya ay isang katutubong Pilipino.
Siya ay naturalisadong Pilipino.
9. Ang pagkamamamayan ay maaaring mawala at makamit
muli. Ano ang angkop na paglalarawan sa pahayag?
Ito ay may katotohanan.
Ito ay opinyon lamang.
Ito ay walang katotohanan.
Ito ay isang haka-haka.
10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga prinsipyo ng
pagkamamamayan ayon sa kapanganakan?
Jus Soli at Jus Sanguinis
Katutubo at naturalisado
Jus Soli at likas
Jus Sanguinis at naturalisado
