wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Katutubong Sining, Sining ng Pagganap

Total questions: 10

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang pampublikong pagtatanghal sa lalawigan ng Marinduque. Ang mga nagtatanghal ay nagpapakita  ng isang nakasimangot at may balbas na mukha.

a)

Singkil

b)

Kuratsa

c)

Kambuyok

d)

Moriones

2.

Ito ay isang sayaw ng mga Meranaw. Ito ay nakaugnay sa kanilang epiko na Darangen.

a)

Singkil

b)

Hinilawod

c)

Kambuyok

d)

Kuratsa

3.

Ito ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao. Ang galaw na ito ay masining at ito ay kinikilala ng mga tagamasid sa loob ng isang partikular na kultura.

a)

teatro

b)

sayaw

c)

tula

d)

epiko

4.

Ito ang pinakamahalagang katutubong tula ng mga

 Hanunoo Mangyan ng isla ng Mindoro.

a)

Tulang Ambahan

b)

Tulang Luntian

c)

Tulang Lumbay

d)

Tulang Simbahan

5.

Ang salitang darangen ay nagmula sa salitang Meranaw na “darang” na nangangahulugang ________.

a)

itula

b)

iawit

c)

isayaw

d)

ilapit

6.

Ito ay isang patula o pakantang kuwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na karaniwang may kakaibang katangian o di kaya ay mula sa lahi ng mga diyos at diyosa.

a)

bugtong

b)

sayaw

c)

epiko

d)

alamat

7.

Ito ay inaawit sa pitong bayan ng lalawigan ng Ifugao.

a)

Moriones

b)

Darangen

c)

Hinilawod

d)

Hudhud

8.

Ito ay ang pinakakilalang tradisyonal na sayaw ng mga Waray ng Silangang Visayas.Ito ay inihahalintulad ng mga Waray sa panliligaw ng tandang sa isang inahing manok.

a)

Singkil

b)

Kuratsa

c)

Moriones

d)

Kambuyok

9.

Anong epiko na ang kuwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran at paglalakbay na nagpapakita ng paniniwala at pakikipag-ugnayan ng mga Sulod sa kanilang kapaligiran at daigdig?

a)

Hinilawod

b)

Tulang Ambahan

c)

Hudhud

d)

Darangen

10.

Ang mga Hapones ay kilala sa larangan ng panitikan, awit at sayaw.

a)

HINDI KO ALAM

b)

EWAN

c)

TAMA

d)

MALI