wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ART Time_AP 2 PASS Reviewer

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1. Mahalaga sa isang indibidwal na maging bahagi ng isang komunidad. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa komunidad?

a)

Pamilya

b)

Paaralan

c)

Pamayanan

d)

Lahat ng nabanggit

2.

2. Si Erlinda ay bahagi ng isang pamayanan. Sa papaanong paraan siya nakikipag-ugnayan ng mabuti sa sentrong pangkalusugan?

a)

gumagawa ng takdang aralin

b)

nagpapacheck-up kung may sakit

c)

nagwawalis ng kapaligiran

d)

nangungumpisal ng kasalanan

3.

3. Madalas bumaha sa Sitio Bagong Barrio kaya naglunsad ang paaralan ng “Clean-up Drive”. Paano nakatutulong ang paaralan sa komunidad?

a)

hinahayaan na lumubha ang sitwasyon

b)

nagbibigay tulong sa mga nasalanta ng bagyo

c)

sinisisi ang pamahalaan sa hindi maayos na sistema.

d)

nagsasagawa ng proyektong tumutulong sa pamayanan.

4.

Bawat institusyon ay may namumuno. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

Paaralan - Guro

b)

Pamayanan - Kapitan

c)

Pamilya - Tatay

d)

Simbahan - Santo Papa

5.

Basahin ang mga sumusunod na tala patungkol sa isang barangay. Alin sa mga batayang impormasyon ang nagpapakita ng tiyak na lokasyon nito?

1 - Bgy. 38 Zone 4 District II

2. Lungsod ng Caloocan

3. Joselito B. Santos, punong-barangay

4. 10,000 kataong botante

a)

1

b)

2

c)

3

d)

4

6.

Pumunta si Jerico sa Cebu at napansin niya na mas malalaki ang mga gusali sa Maynila kung ihahambing dito. Ano ang maaaring makuhang ideya dito?

a)

sadyang mas maganda sa Cebu

b)

mas maunlad ang Maynila kaysa sa probinsya

c)

may gusali kahit saang lugar sa Pilipinas

d)

nagkakaiba ang komunidad depende sa kabuhayan ng mga tao rito

7.

Anong kalamidad ang maaaring maranasan ng iyong komunidad kapag mayroong malalakas na pagkulog at pagkidlat?

a)

Bagyo

b)

El Nino

c)

Lindol

d)

Tsunami

8.

Ang mga taga-Laguna ay lumikha ng napakalaking bantayog ni Dr. Jose P. Rizal sa kanilang munisipyo. Bakit kaya nila nagawa ito?

a)

upang sumikat ang kanilang lugar

b)

upang magmayabang sa iba pang mga tao

c)

upang bigyang pugay ang bayaning nagmula sa lugar nila.

d)

upang maipagmalaki na mayroon silang bantayog

9.

Hitik sa yamang likas ang bansang Pilipinas.  Saan matatagpuan ang sikat na Chocolate Hills? 

a)

Antique

b)

Bohol

c)

Tawi-Tawi

d)

Cebu

10.

Mayaman sa mangga ang Guimaras taglay sa matatamis nitong produkto. Ano ang kadalasang hanapbuhay sa lalawigang ito?

a)

agrikultural na manggagawa

b)

factory worker

c)

mangingisda

d)

mananahi