NEW
Font size
WorksheetsESP 2 Quarter 3 Summative Test
Total questions: 20
Worksheet time: 3hrs 20mins
1. Si Nica ay palaging nag-aaksaya ng kanyang papel sa eskwelahan. Ano ang sasabihin mo kay Nica?
A. Tutulungan ko siyang magsayang ng papel.
B. Sasabihin ko na magpabili siya ulit sa kanyang nanay.
C. Sasabihin kong huwag sayangin ang papel dahil ito ay pinaghihirapan ng kanyang magulang upang mabili at magamit sa pag-aaral.
D. Hindi ko siya papansinin.
2. Si Lito ay palaging nagdadasal at nagpapasalamat sa Panginoon tuwing kami ay kakain sa kantina. Si Lito ay ________?
A. isang batang mapagpasalamat at dapat tularan
B. isang batang maraming pagkain
C. isang batang nang-iinggit ng pagkain
D. isang batang mahilig kumain
3. Si Mila ay palaging sinisira ang kanyang mga laruan at hindi marunong magpahiram. Ano ang pwede mong sabihin kay Mila?
A. Sasabihin ko na maging mapagpasalamat siya at huwag sirain ang mga ito.
B. Tutulungan ko siyang sirain ang mga laruan.
C. Itatapon ko ang kanyang mga laruan.
D. Hindi ko siya papansinin.
4. Tinulungan ni Kuya Carlo ang kanyang nakababatang kapatid na si Neil sa pagsagot ng modules. Ano ang karapatang tinatamasa ni Neil?
A. Karapatang makapaglaro
B. Karapatang kumain ng masustansiyang pagkain
C. Karapatang makapag-aral
D. Karapatang maproteksyunan
5. Masayang pinayagan si Carol ng kanyang ina na makipaglaro sa kanyang mga kababata sa labas ng kanilang bahay. Ano ang karapatang tinatamasa ng bata na si Carol?
A. Karapatang mapaunlad ang kasanayan
B. Karapatang makapaglaro
C. Karapatang makapag-aral
D. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan
6. Si Gabby ay inalagaan ng kaniyang ina nang siya ay magkaroon ng trangkaso. Dinala siya sa doktor upang mabigyan ng gamot. Ano ang karapatang tinatamasa ni Gabby?
A. Karapatang manirahan sa malinis at payapang komunidad
B. Karapatang makapag-aral
C. Karapatang magkaroon ng sariling relihiyon
D. Karapatang maging malusog
7. Ginabayan si Myka ng kanyang Ate sa paggamit ng gunting upang hindi masugatan. Ano ang karapatang tinatamasa ni Myka?
A. Karapatang maproteksyunan
B. Karapatang makapaglaro
C. Karapatang makapagpahayag ng damdamin
D. Karapatang tumira sa malinis na tahanan
8. Si Bea ay laging nag-aaksaya ng tubig. Ano ang sasabihin mo kay Bea?
A. "Halika, Bea. Maglaro tayo ng tubig."
B. Pababayaan ko siyang magsayang ng tubig.
C. "Bea, huwag kang magsayang ng tubig."
D. "Marami namang tubig. Ayos lang kahit mag-aksaya."
9. Si Biboy ay makalat kumain. Mas marami pang natatapon kaysa sa kanyang nakakain. Ano ang pwede mong sabihin kay Biboy?
A. Ayusin ang iyong pagkain. Sayang ang mga pagkain na natatapon.
B. Pababayaan ko siyang magkalat ng pagkain.
C. Tutulungan ko siyang magkalat ng pagkain.
D. Hindi ko siya bibigyan ng pagkain.
10. Si Jana ay palaging iniiwan na nakabukas ang kanilang TV, ilaw at electric fan. Ano ang sasabihin mo kay Jana?
A. Pabayaan mo lang na nakabukas kahit walang tao.
B. Ugaliing patayin ang mga appliances kung hindi gagamitin upang makatipid ng kuryente.
C. Gagayahin ko siya sa pag-aaksaya ng kuryente.
D. Ipagsabi sa mga kaibigan ang ginagawa niya.
11. Laging tinatapon ni Janine ang kanyang baon dahil hindi niya raw ito gusto.
Ano ang sasabihin mo kay Janine?
A. Hindi na dapat siya kumain.
B. Iaabot ko sa kaniya ang basurahan.
C. Pababayaan ko lamang siya dahil baon naman niya iyon.
D. Sasabihin kong ibigay na lang sa iba ang pagkain at huwag itapon.
12. Inanunsyo ng inyong kapitan na tuwing lalabas ay magsuot ng face mask at panatilihin ang social distancing. Ano ang iyong dapat na gawin?
A. Susunod ako sa kapitan at hihikayatin ko rin ang mga bata sa amin na sumunod sa utos ng kapitan dahil ito ay para sa kaligtasan ng lahat.
B. Hihikayatin ko ang mga bata na kami ay maglaro sa labas ng taya-tayaan.
C. Hindi ko papansinin ang utos ng mga nakakatanda sa amin.
D. Hindi ako magsusuot ng face mask dahil mainit.
13. Inanunsyo na dumadami ang kaso ng dengue sa inyong lugar. Ano ang dapat gawin ng bawat pamilya?
A. Ipagsawalang-bahala ang anunsiyo
B. Walang gagawin.
C. Maglilinis ng bahay at iiwasang mag-ipon ng tubig na pwedeng bahayan ng mga lamok.
D. Hayaang madumi ang mga kanal.
14. Itinaas muli sa Alert Level 3 ang Cavite dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19. Nakita mong marami pa ring bata sa labas kahit na ipinagbawal na ito. Ano ang gagawin mo bilang bata?
A. Ipagbibigay-alam ko ito sa mga kinauukulan upang masabihan ang mga bata pati na rin ang mga magulang nila.
B. Sasali ako sa mga bata kahit alam kong bawal lumabas.
C. Hindi ko pakikinggan ang sinasabi ng mga kinauukulan
D. Pababayaan ko lang silang maglaro kahit na mapanganib ito para sa kanila.
15. Nakita mong patuloy na nagkakalat ang mga bata sa tapat ng inyong bahay kahit nawalisan na ito ng iyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko silang magkalat.
B. Pagsasabihan ko ang mga bata na huwag magkalat at itapon ang mga basura sa tamang basurahan.
C. Pagwawalisin ko ulit ang aking nanay.
D. Magkakalat din ako gaya ng mga bata.
16. Nalaman mong mabisang gamot sa ubo ang halamang gamot na oregano. Ano ang iyong magandang gawin?
A. Sisirain ko ang mga tanim na oregano ng aming kapitbahay.
B. Hindi ko papansinin ang aking nalaman.
C. Magtatanim ako nito at ipapamahagi sa mga nangangailangan.
D. Hindi ko bibigyan ang mga nangangailangan.
17. Abalang-abala sa pagpapaganda at paglilinis ang mga mamamayan sa inyong baranggay para sa proyektong “Pagandahin ang Ating Paligid”. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kuhanan sila ng larawan.
B. Ilalagay ang basura namin sa labas para linisin din nila.
C. Paaalisin sila sa tapat ng bahay namin dahil maingay.
D. Kukuha ng walis ting-ting at tutulong ako sa pagwawalis sa paligid.
18. Sino sa kanila ang HINDI DAPAT GAYAHIN?
A. Si Myka ay mabait na bata. Tinutulungan niya ang kanyang nanay na magtanim at alagaan ang mga halaman.
B. Si Johan ay laging naglilinis ng kanyang silid, itinatapon niya sa tamang basurahan ang mga basura na kanyang nakukuha.
C. Si Janella ay sumusunod sa mga babala sa kalsada tulad ng bawal ang tumawid dahil maaaring ikapahamak.
D. Si Luis ay pinipitas ang mga halaman ng kanyang nanay, madalas niya itong sirain.
19. Alin sa mga ito ang HINDI NAGPAPAKITA ng kaayusan at kalinisan ng
kapaligiran?
A. Makalat at walang disiplina na mga tao.
B. Malinis at kaaya-ayang tignan na paligid.
C. Ligtas na lugar para sa mga tao at hayop sa paligid.
D. Disiplinado na mga tao.
20. Bilang isang bata paano mo mapapakita ang pagmamahal mo sa kaayusan at kapayapaan ng kapaligiran?
A. Hindi ako makikilahok sa mga programa sa aming lugar tungkol sa kalinisan at kapayapaan.
B. Ako ay magtatapon ng basura sa tamang tapunan. Makikilahok ako sa mga programa tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan at kapayapaan sa aming lugar.
C. Magiging makulit ako sa pagtawid sa kalsada.
D. Sisirain ko ang mga halaman sa palaruan ng aming barangay.
