wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PROJECT TAMBAL

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay Panitikang pasalaysay​ na Nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno​.

a)

Karunungang-bayan

b)

Kuwentong-bayan

c)

Awiting bayan

2.

Ito ay kwento tungkol sa mga hayop at may mga​

gintong aral na makukuha.​

a)

Pabula

b)

Epiko

c)

Maikling Kuwento

3.

Ito ay tungkol sa mga diyos at diyosa, ​

Sinasalamin ang pakikipag-ugnay sa mga tao.​

a)

Alamat

b)

Mitolohiya

c)

Maikling kuwento

4.

Siya ang tinuturing na Ama ng Sinaunang Pabula.

a)

Damiana

b)

Esopo

c)

Deogracias Rosario

5.

Ito ay Isinasalaysay nang pasalita. Maaaring sa paraang patula o pakanta, na kung minsan ay sinasaliwan ng musika.

a)

Epiko

b)

Dula

c)

karunungang-bayan

6.

Ito ay isang kuwentong kathang isip na nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bayani, pangkat ng tao, hayop, halaman, lugar, pangyayari, supernatural na nilalang, o ano pa mang bagay na mayroon sa mundo.

a)

Alamat

b)

Pabula

c)

Awiting bayan

7.

Ito ay kilala rin bilang kantahing-bayan, Tulang inaawit ngapapahayag na ng damdamin,kaugalian,karanasan,pananampalataya,gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.

a)

Tulang panudyo

b)

Tugmang de gulong

c)

Awiting bayan

8.

Ano ang awiting panghele sa mga sumususnod?

a)

Oyayi

b)

Diyona

c)

Kundiman

9.

Ito ay ginagamit ng iba nating kababayan bilang pagpapasintabi kapag natatapat sa punso,kagubatan,tabing-ilog at iba pang lugar na pinaniniwalaang may mga engkanto,laman-lupa o maligno​.

a)

Bugtong

b)

Bulong

c)

kolokyal

10.

Ito ang pinakamababang antas ng wika​ at

Binubuo ng mga salitang kanto​.

a)

Kolokyal

b)

Balbal

c)

Pambansa

11.

Ito ay Pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon​.

a)

lalawiganin

b)

Kolokyal

c)

Pambansa

12.

Ito ay paglalarawan ng tunay at madulang bahagi ng buhay ng isang tao​.

a)

Dula

b)

Tula

c)

Maikling Kuwento

13.

Ito ay ang pinakakakaluluwa ng isang dula na binanggit ni Aristotle​.

a)

Mimesis

b)

Direktor

c)

Tagpo

14.

Ito ay ang naisatitik na mga gawi, kaugalian, paniniwala, pagpapahalaga, tradisyon, at iba pang bagay na pangkaisipan na minamahalaga ng mga tao​.

a)

Karunungang-bayan

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

15.

Ito ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan naipinahahayag ang sariling kaisipan,kuro-kuro,saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.

a)

Maikling Kuwento

b)

Sanaysay

c)

Tula

16.

Ito ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na  pagkaunawa sa paksa.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

c)

Sanaysay

17.

Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal.

a)

Pormal

b)

Maanyo

c)

Di-pormal

18.

Siya ang pinaniniwalaang nagsulat ng ibong adarna.

a)

Jose Dela Cruz

b)

Francisco Balagtas

c)

Francis Bacon

19.

Siya ang tinaguriang ama ng sanaysay na tagalog.

a)

Alejanro Abadilla

b)

Michel de Montaigne

c)

Francis Bacon

20.

Siya ang tinaguriang ama ng maikling kuwentong Ingles.

a)

Edgar Allan Poe

b)

Deogracias A. Rosario

c)

Michel de Montaigne