wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 3 EXAM

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang Agila at ang Maya

Isang agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan. Mayabang niyang ibinuka ang kaniyang malalapad na pakpak habang lumilipad. Nakasalubong niya ang isang maliit na ibong maya. Hinamon niya ito, "Maya, baka gusto mong subukin kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad. Magkarera tayo sa paglipad."

"Sige, tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" tanong ni Maya. Natuwa ang agila. Hindi niya akalaing tatanggapin ni Maya ang hamon niya. "Ikaw ang magpasiya," sabi ni Agila. Napatingin si Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim. Tiyak niyang ang kasunod nito ay malakas na ulan. "Sige, Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangan na magdala tayo ng kahit na anong bagay. Halimbawa, ang dadalhin ko ay asukal. Ikaw naman ay bulak. Tumawa si Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Mas magaan ang bulak na dadalhin ko kaysa mabigat na asukal. Pumayag siya sa gusto ni Maya. Doon tayo mag-umpisa sa ilog. Hihinto tayo doon sa ituktok ng mataas na bundok. Sinimulan na nila ang paligsahan. Nasa kalangitnaan na sila ng kalawakan nang bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala dala ni Agila. Bumigat ito nang husto at bumagal ang kaniyang paglipad. Ang mabigat na asukal na dala ni Maya ay nabasa rin ng ulan kaya natunaw. Napabilis ang lipad ni Maya.

Sagutin ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan.

1.Sino ang mayabang na nagbuka ng kaniyang malalapad na pakpak habang lumilipad?

a)

Agila

b)

maya

2.

2. Sino ang maliit na ibon na kaniyang hinamon?

   

a)

maya

b)

agila

3.

3. Ano ang paligsahang gusto niyang gawin?

 

a)

karera sa paglipad

b)

karera sa dagat

4.

4. Ano ang tiyak niyang kasunod ng pagdidilim?

   

a)

malakas na bagyo 

b)

malakas na ulan

5.

5. Ano ang dadalhin ni Agila?

 

a)

asukal 

b)

bulak

6.

Piliin ang titik nang pangyayaring nagsasabi ng bunga sa pangungusap.

6. Maraming taong nagsanay si Kate kaya naging mahusay siyang mag-aaral.

a)

Maraming taong nagsanay si Kate

b)

kaya naging mahusay siyang mag-aaral.

7.

Piliin ang titik nang pangyayaring nagsasabi ng bunga sa pangungusap.

7. Magaling siyang lumangoy kaya kinikilala ang kaniyang kahusayan.

a)

Magaling siyang lumangoy

b)

kaya kinikilala ang kaniyang kahusayan.

8.

Piliin ang titik nang pangyayaring nagsasabi ng bunga sa pangungusap.

8. Mahirap ang ano mang gawain kaya dapat itong pag-aralang mabuti.

a)

Mahirap ang ano mang gawain

b)

kaya dapat itong pag-aralang mabuti.

9.

Piliin ang mga salitang hindi kaugnay ng ibinigay na salita.

9. mekaniko (sasakyan, plais, screw driver, pera)

a)

sasakyan

b)

plais

c)

screw driver

d)

pera

10.

Piliin ang mga salitang hindi kaugnay ng ibinigay na salita.

10. gantimpala (guro, pera, medalya, tropeo)

a)

guro

b)

pera

c)

medalya

d)

tropeo

11.

Piliin ang mga salitang hindi kaugnay ng ibinigay na salita.

11. paligsahan (gulo, karera, pagguhit, pag-awit)

a)

gulo

b)

karera

c)

pagguhit

d)

pag-awit

12.

Ano ang gagawin o sasabihin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon? Piliin ang iyong sagot.

 

12. "Jacob, tanggalin mo ito. Kulang pa sa linis."

a)

Tatanggalin at lilinisin ko ulit

b)

Tatanggalin ko pero ibabalik ko ulit pag-alis niya.

13.

13. "Bumalik ka bukas, Marvin. Kailangan mo pang magsanay ng pagda-dub para sa mga foreign film.

 

a)

Babalik ako para magsanay pa

b)

Mag-iiba na lang ako ng gawain.

14.

14. "Gustong-gusto mo raw maging isang sundalo, Mark. Mahirap at matagal ang magiging pagsasanay mo."

a)

Handa akong magsanay kahit mahirap at matagal.

b)

Ayaw ko nang magsundalo. Mahirap pala.

15.

Piliin mula sa mga salitang hiram ang binibigyang-kahulugan ng mga paliwanag.

 

15. papel na ginagamit para magdeposito ng pera sa bangko interes.

a)

deposit slip 

b)

interest

16.

16. tubo o dagdag na pera sa perang naideposito sa bangko

a)

maintaining balance  

b)

interest

17.

17. perang dapat mapanatili sa bangko

a)

maintaining balance 

b)

passbook

18.

18. rekord ng bangko para sa pagdeposito at pag-withdraw ng pera.

a)

application form 

b)

passbook

19.

Gamitin ang tamang pang-angkop na ng, na at g sa pagitan ng magkasunod na salita.

19. masipag_____ tatay

a)

ng

b)

na

c)

g

20.

20. mekaniko____magaling

a)

ng

b)

na

c)

g

21.

21. anak____ mabait

a)

ng

b)

na

c)

g

22.

Tukuyin kung pangungusap o parirala.

 

_______22. ang Bangko Sentral ng Pilipinas

a)

pangungusap

b)

parirala

23.

23. Maganda ang mensahe ng awit.

a)

pangungusap

b)

parirala

24.

24. Ang langgam ay matipid at mapag-impok.

a)

pangungusap

b)

parirala

25.

25. Si Cedric ay maraming ipong pera.

a)

pangungusap

b)

parirala