NEW
Font size
WorksheetsEsP 9: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
misyon
propesyon
bokasyon
tamang direksiyon
Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
misyon
propesyon
bokasyon
tamang direksiyon
Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na ito gamitan mo ng SMART. Ano ang kahulugan nito?
Specific, Measurable, Artistic, Relevant, Time Bound
Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound
Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung:
Nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
Nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
Ito ang batayan ng tao sa kanyang araw-araw na pagpapasya.
Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay.
Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
Makinig sa mga gusto ng kaibigan.
Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral.
Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano.
Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon.
Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.
Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
Ito ay isa mga kraytiryang SMART. Kung saan sinasagot ang tanong na “Makatotohanan ba ang aking PPMB? Kaya ko bang abutin o gawin ito?”
Relevant
Attainable
Time Bound
Specific
Ang ___________ ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ay resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at eksperto na siya dito.
Paggawa
Bokasyon
Propesyon
Misyon
Sino ang nagsabi ng “Begin with the End in Mind.”?
Fr. Jerry Orbos
Stephen Covey
Stephen Curry
Wala sa nabanggit
