WorksheetsSandaang Damit
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang Sandaang Damit ay kabilang sa anong anyo ng panitikan?
Dula
Maikling Kwento
Sanaysay
Nobela
Ang isang maikling kwento ay nagtataglay ng iilang tauhan lamang at ito ay umiikot lamang sa iisang paksa.
Tama
Mali
Wala sa nabanggit
Siya ang may-akda ng maikling kwentong Sandaang Damit.
Fanny Serrano
Lualhati Bautista
Fanny Garcia
Deogracias Rosario
Hindi kapupulutan ng aral ang isang maikling kwento.
Tama
Mali
Wala sa nabanggit.
Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Tunggalian
Kasukdulan
Banghay
Tagpuan
Ito ang kalagayan ng batang babae sa kwento.
Anak siya ng isang negosyante
Mula siya sa mayamang angkan
May-kaya ang pamilya niya
Siya ay mahirap lamang
Paano inilarawan ang bata sa kwento?
Masiyahin siyang bata
Laging nag-iisa at walang imik
Marami siyang kaibigan sa paaralan
Hindi siya mahiyain
Ito ang mensahe na masasalamin mula sa maikling kwento na Sandaang Damit.
Huwag maging mapanghusga sa ating kapwa
Hindi hadlang ang kahirapan upang abutin ang pangarap
Pag-ibig sa magulang
Pagsunod sa mga payo at habilin ng magulang
Piliin ang tamang pangyayari matapos sumidhi ang pambubuska ng mga kamag-aral ng batang babae.
Nagsumbong ang batang babae sa kanilang guro
Nakipagaway sa kanyang mga kamag-aral ang batang babae
Natuto lumaban ang batang babae
Ipinagwalang bahala na lamang niya ito
Ito ang suliranin na kinaharap ng bata sa kwento.
Ang pagkainggit ng mga kamag-aral sa kanya
Walang kakayahan ang batang babae na makapasok sa paaralan
Pagtitinda ng pagkain ng bata sa paaralan
Ang naranasang panunukso ng bata mula sa mga kamag-aral
