wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Total questions: 10

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

1. Ito ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos,pagsalo at pag-abot at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyayari?

a)

a. Agility

b)

b. Power

c)

c. Speed

d)

d. Reaction Time

2.

2. Ito ay Kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan ng mabilisan at naaayon sa pagkilos. Ang isang taong malaki ay kalimitang mahusay sa mga isports na wrestling, diving, soccer at iba pa.

a)

a. Agility

b)

b. Power

c)

c. Speed

d)

d. Balance

3.

3. Ito ang Kakayahan ng Katawan na panatilihing nasa wastong tikas at Kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa, Kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar o sa pag-ikot sa ere.

a)

a. Balance

b)

b. Speed

c)

c. Coordination

d)

d. Reaction Time

4.

4. Ito ang Kakayahan ng Katawan na magamit ang mga pandama kasabay ng isa o higit pang parte ng katawan. Ito ang Kakayahan ng ibat-ibang bahagi ng katawan na kumilos nang sabay- sabay na parang iisa na walang kalituhan.

a)

a. Power

b)

b. Speed

c)

c. Coordination

d)

d. Reaction Time

5.

5. Ito ang Kakayahan ng Katawan na gumalaw o makasaklaw ng distansiya sa maikling takdang panahon. Ang lakas ay kalimitang ginagamit sa mga larong takbuhan, gayundin sa mabilisang pagpasa o pagbato at pagsalo ng bola.

a)

a. Agility

b)

b. Balance

c)

c. Speed

d)

d. Coordination

6.

6. Ito ang Kakayahang gamitin nang mabilis ang lakas. Ito ang kombinasyon ng bilis at lakas. Ang mga manlalaro ng swimming, athletics, at football ay ilan lamang sa mga gumagamit nito.

a)

a. Agility

b)

b. Power

c)

c. Speed

d)

d. Reaction Time

7.

7. Ang paglinang sa gawaing pisikal ay isang mahalagang bahagi para mapaunlad ang antas ng fitness ng isang tao. Ang reaction time ay mahalagang physical fitness ng isang tao. Ang reaction time ay mahalagang physical fitness component upang mahusay na makagawa ng gawain. Alin sa mga sumusunod na gawain ang angkop dito?

a)

a. Push up

b)

b, Roller Drop test

c)

c. Pagtulay sa balance beam

d)

d. Pagsasayaw ng ballet

8.

8. Si Irish ay isang ballerina. Araw-araw siyang nag-eensayo upang mapabuti ang kanyang pagsasayaw ng ballet.Alin sa mga sumusunod na skill-related fitness ang nalilinang nya?

a)

a. Agility

b)

b. Balance

c)

c. Coordination

d)

d. reaction time

9.

9. Ang Speed o bilis ay kakayahan sa mabilis na paggalaw ng katawan o ilang bahagi ng katawan. Alin sa mga sumusunod na laro ang lumulinang sa Speed o bilis?

a)

a. Lakad tren

b)

b. Obstacle Relay

c)

c. 50 Meter Run

d)

d. Talunin ang sapa

10.

10. Ang Physical Fitness ay kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang-araw-araw na gawain nang hindi agad napapagod at hindi na agad nangangailangan ng karagdagang lakas sa oras ng pangangailangan. Ito ay binubuo ng dalawang sangkap; Skill Related at Health Related. Alin sa mga sumusunod na component ang halimbawa ng Skill-related fitness?

a)

a. Cardio vascular Endurance

b)

b. Muscular Endurance

c)

c. Muscular Strength

d)

d. Power