Worksheetsfilipino 3
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Petsa ng kapistahan ng bayan ng San Diego.
Nobyembre 10
Nobyembre 11
Nobyembre 12
Nobyembre 13
Ang inawit ni Sisa nang pilitin siya ni Donya Consolacion.
Kundiman
Awit ng Gabi
Takipsilim
Awit ng Pangungulila
Sa Kabanata 25, ano ang dahilan ng pagdalaw ni Crisostomo Ibarra kay Pilosopong Tasyo?
Nais niyang kumbinsihin si Pilosopong Tasyo upang maging guro sa ipatatayo niyang paaralan.
Nais niyang isangguni kay Pilosopong Tasyo ang nalalapit niyang kasal kay Maria Clara.
Gusto niyang humingi ng payo kay Don Anastacio hinggil sa ipatatayo niyang paaralan.
Gusto niyang hingin ang opinyon ni Don Anastacio hinggil sa kung ano ang nararapat gawin sa nangyari sa kanyang ama.
Magkano ang halagang ibinayad kay Padre Damaso sa kanyang sermon noong araw ng pista?
250 piso
300 piso
isanlibong piso
dalawanlibong piso
Siya ang nasawi sa aksidente sa seremonya ng paghuhugos.
Elias
Nol Juan
Crisostomo
Taong Madilaw
Sa kanyang tahanan tumuloy ang Gobernador-Heneral noong araw ng pista.
Crisostomo
Kapitan Basilio
Kapitan Tiago
Tenyente Guevarra
Paano natuklasan ni Elias ang tangkang pagpatay kay Crisostomo Ibarra sa seremonya ng paghuhugos?
Nakita niya ang taong madilaw na may kausap at sinabing "Ang isang ito ay hindi magiging pakain ng isda sa ilog".
Nakita niyang kausap ni Ibarra si Nol Juan at ipinagmalaki ang husay niya sa paggawa ng makinang panghugos at hindi siya humingi ng malaking halaga.
Narinig niya ang kapatid ng salarin nang sabihin nito ang plano sa oras ng seremonya.
Alam ni Elias na may galit ang arkitekto sa lolo ni Ibarra.
Siya ang gumawa ng makinang panghugos.
Elias
Taong Madilaw
Nol Juan
Don Filipo
Ano ang iminungkahi ni Kapitan Tiago na maging pangalan ng ipinatatayong paaralan ni Crisostomo?
Paaralan ni San Diego
Paaralan ni San Gabriel Arkanghel
Paaralan ni San Francisco
Paaralan ni San Rafael
Sino ang naghandog o nagbigay kay Maria Clara ng relikaryong ginto?
Kapitan Tiago
Crisostomo
Padre Damaso
Tiya Isabel
Napigilan niya si Crisostomo sa muntikang pagpaslang kay Padre Damaso.
Kapitan Tiago
Elias
Maria Clara
Padre Salvi
Anong parusa ang ipinataw ng simbahan kay Crisostomo dahil sa pananakit nito kay Padre Damaso?
Ipakakasal sa iba si Maria Clara.
Pinagbayad siya ng malaking halaga.
Idineklara siyang ekskomulgado.
Hinadlangan ng simbahan ang pagpapatayo niya ng paaralan.
Siya ang tagapangasiwa ng ipinatatayong paaralan ni Crisostomo.
Don Filipo Lino
Don Anastacio
Nol Juan
Tenyente Guevarra
Bakit sinabihan ni Pilosopong Tasyo si Ibarra na huwag humingi ng payo sa kanya?
Hindi interesado si Tasyo sa ipatatayong paaralan ni Ibarra.
Baka pag-isipan ng mga tao na isang baliw si Ibarra.
Hindi naniniwala ang pilosopo na pahihintulutan ang paaralang ipatatayo ni Ibarra.
Ayaw ni Pilosopong Tasyo na maging kaaway ang mga kalaban ni Ibarra.
Kakausapin siya ng Gobernador-Heneral upang tanggalin ang parusa kay Crisostomo.
Padre Salvi
Padre Damaso
Santo Papa
Arsobispo
Ano ang babala na ibinigay ni Elias kay Crisostomo sa loob ng simbahan?
Huwag aalis sa tabi ng taong madilaw.
Huwag bababa sa hukay.
Huwag ituloy ang seremonya ng paghuhugos.
Huwag ituloy ang ipinatatayong paaralan.
Bakit nilatigo sa gitna ng kalye ang ketongin?
dahil sa patuloy nitong panghihingi ng limos sa mga tao
dahil sa pagtulong niya sa isang batang nahulog sa kanal
dahil sa pakikipag-usap sa kanya ni Sisa
dahil hinamak niya ang kura paroko
Ayon sa mga tao, bakit higit na mas malaki ang ibinayad sa sermon ni Padre Damaso kaysa sa ibinayad sa mga magtatanghal ng komedya sa kapistahan ng San Diego?
Kilalang mahusay na paglalahad ng sermon si Padre Damaso kaya nararapat lamang na malaki ang ibayad sa kanya.
Naglingkod bilang kura paroko ng San Diego si Padre Damaso kaya marapat lamang na malaki ang ibayad sa kanyang sermon.
Ang mga nakikinig sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit, at ang kaluluwa ng mga nanonood ng komedya ay mapupunta sa impyerno.
Hindi sikat ang mga magtatanghal ng komedya kumpara kay Padre Damaso na isang kilalang prayle.
Bakit muntikan nang mapatay ni Crisostomo Ibarra si Padre Damaso?
dahil sa panghahamak ng prayle sa alaala ng ama ni Crisostomo
bilang ganti sa pagpapahukay ni Padre Damaso sa bangkay ni Don Crisostomo
dahil hinahadlangan ng prayle ang ipinatatayo niyang paaralan
dahil hinahadlangan ni Padre Damaso ang pag-iibigan nina Crisostomo at Maria Clara
"Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo ay may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan." Sino ang nagsabi nito at kanino niya ito sinabi?
Pilosopong Tasyo kay Ibarra
Ibarra kay Pilosopong Tasyo
Ibarra kay Elias
Elias kay Ibarra
